Chapter 9 Deep Conversations

17.3K 462 7
                                    

Audrey's POV

Maaga akong nagising at tumawag na din kasi si Mae. Sasamahan niya ako sa paglipat today kahit na sinabi kong kaya ko na. Anytime this morning ay susunduin niya ako dito sa condo ni Noah. Maaga akong nag shower at may mga disposable toothbrush naman doon sa guestroom. Sinuot ko na rin ang damit ko kahapon para pagdating ni Mae ay ready na ako.

May mga pagkain na pwede kong ihanda sa almusal. Naka prepare na ang hapag kainan ng magising si Noah. Yung binigay ni Conrad na roses nilagay ko na rin sa center ng breakfast table. "Good morning. Halika breakfast is ready. May coffee na rin akong ginawa para sayo." Sabi ko pa sa kanya.

Pero kumunot ang noo nito at tahimik na kinuha ang vase ng roses at itinapon ito doon sa basurahan. "I don't want to see that in front of me." Sabi nitong galit ang boses.

Tahimik na lang din ako na umupo sa tabi nito habang iniinom niya ang ginawa kong coffee. "Nakabihis ka na. Ihahatid na kita." Sabi nitong bumasag sa katahimikan.

Napalingon ako sa gawi niya at nilagyan ng kanin at ulam ang plato nito. "Thanks pero padating na kasi si Mae at sasamahan niya daw ako para kunin ang mga gamit ko sa apartment." Sagot ko naman dito at nag umpisa ng kumain.

Nakita kong nag umpisa na rin itong kumain. Lumingon ito sa gawi ko. "So paano yan pala. Hindi ka na niyan mag aaral. Wala ka bang planong ipagpatuloy ang pag aaral?" Tanong niya sa akin.

Tumikhim ako. "Gusto ko mang mag aral wala din akong may magagawa. Nagpapasalamat nga ako sa pamilya mo at natanggap ako sa bahay niyo. Otherwise, I will end up sleeping in the streets at walang makain." Sabi ko pa dito ng seryoso. "Anyways, marami pa rin akong dapat ipagpasalamat. Kita mo ngayon may kinakain ako. Malaking bagay na ito." Sabi ko pang napapangiti.

Nakita kong biglang nagbago ang anyo ng mukha ni Noah at kumunot ang noo nito. "Ano ang ibig mong sabihin? Kahit pambili ng pagkain wala ka?" Tanong nitong seryoso sa akin.

I just need to be honest with him. Wala namang may mawawala sa akin. "Medyo nagipit ako at unexpected ang pagkamatay ni Tita sa States. Kaya sobrang tinipid ko ang natitirang pera ko. It is a blessing na natanggap ako sa inyo. I have a job, a roof over my head at may makain." Malungkot ko pang sabi. "Hindi na natuloy ang plano ni Tita na dalhin ako sa America."

Nilagyan ko ng juice ang baso niya. "Wala ka bang kamag anak na pwede mong matitirhan?" Tanong nito sa akin.

Tumingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. "Si Tita lang ang alam kong relatives namin magmula ng namatay ang magulang ko. Ang Tatay ko may mga kapatid sa Cebu na hindi ko pa na meet. Bakit? Talaga bang ayaw mo akong magtrabaho sa inyo? Hayaan mo pag nagkasahod ako. Hahanapin ko sila sa Cebu." Sagot kong umiiwas ng tingin sa kanya. Alam kong hindi niya ako gusto doon sa bahay nila. Pero pagtitiisan ko at wala akong choice. Para na naman akong maiyak. Pero ayaw ko ng nakikita ako nitong umiiyak. Kailangan kong maging matatag.

He gave me an angry glare. "So aalis ka rin pala? Kailan? Pagnakatyiempo ka at ng boyfriend mo?" Galit na tanong nito sa akin.

Hindi ko kailangang tapatan ang galit nito. "I have no one but myself. Wala pa akong boyfriend. Sana nga meron na at ng may kadamay naman ako sa mga problema ko." Sabi kong hindi na napigilan ang mapaluha. This man is so insensitive. "Do you think ay may seseryoso kaya sa isang tulad ko? Kaya sa panaginip lang merong true love." Sabi ko pa dito.

Natahimik ito at napapaisip. Nagsimula na akong magligpit ng kinainan namin. Ang tahimik naming dalawa. "Ako na ang maghuhugas ng plato." Sabi pa nitong tumingin sa gawi kong nililigpit ang mesa.

"Ako na Noah. Alam kong masama ang pakiramdam mo kagabi. Ok ka na ba? Naku magpahinga ka at na nerbiyos ako sayo kagabi." Sabi ko pa ditong naaalala ang nangyari kagabi. "Huwag ka na kasing uminom. Mabuti at pumayag pala akong matulog dito kagabi. Natulungan kita kahit papaano." Sabi ko pa dito.

Tumingin ito sa akin ng seryoso. "Salamat sa tulong mo kagabi." Maikli na sagot nito pero ramdam ko ang sensiridad nito.

Magkaharap kami sa dining table. "You're welcome." Sagot ko naman dito. Nagkatitigan kami saglit. Narinig kong biglang bumukas ang pinto ng condo.

Si Mae pala. "Hello! Good morning. Oh Kuya dito ka pala natulog kagabi? Para naman kayong lover's ni Kuya Audrey ng datnan ko." Hagikhik pa nito.

I just ignore ang sinabi ni Mae. "O kumain ka muna." Sabi ko pa dito.

"Thanks. Nakakain na ako." Sagot niya. Namumula ako sa hiya sa sinabi ni Mae. "Audrey, it's time for you na magkaroon ng boyfriend. Nakailan na ako samantalang ikaw. No boyfriend since birth. Babalikan na naman daw nga ako ni Roland. Pero Audrey, sagutin mo na kasi si Conrad. Si Blake patay na patay din sayo yun." Bungisngis pa nito.

Narinig kong nagsalita si Noah. "Mae, hindi siya pwedeng magka boyfriend habang naninilbihan sa atin. Mamaya maging kagaya din yan ni Elisa na biglang magtanan." Saway pa ni Noah dito.

Napatawa ulit si Mae. "Masyado naman kasing seryoso itong si Audrey. Sigurado din akong hindi ito papakawalan ng magiging boyfriend. Masyado pang naive. Ito ang tipo ng babaeng nakakatakot pag ma in love." Sabi ni Mae na napapaisip ako. Ganon ba ako ka naive? Hindi ko ba kayang mag handle ng relationship? Kaya kong magmahal. Pero ang seryosohin din ako, yun ang malaking tanong.

"May nagkakagusto nga. Hindi mo naman alam kung suklian nila ang pag seseryoso mo sa kanila." Sabi ko naman dito ng seryoso.

"Off ka naman every Sunday. Try mo din kasing makipag date. Paano mo malalamang seryoso sila sayo? Yun lang ang paraan para makilala mo ang isang lalaki." Sabi ni Mae.

Nagsalita si Noah. "Bawal sa kanyang makipag relasyon habang nasa pamamahay natin siya. Responsibilidad pa rin natin si Audrey Mae." Dagdag pa ng Kuya niya.

"At kailan pa tayo may ganyang rules sa mga empleyado natin Kuya? Si Audrey kailangan din niyang maging masaya. She deserve it." Sabi Mae na puno ang concern ang boses.

Takot din akong magkaroon ng relasyon for now. Ayaw ko ding makipag boyfriend muna at marami pa akong iniisip. Sa tamang panahon at pagkakataon. Sana mahanap ko ang taong mamahalin ko habambuhay.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon