Chapter 18 Audrey's Tears

15.4K 414 7
                                    

3rd Person POV

Nasaktan masyado si Audrey at pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nauna itong lumabas sa restaurant pagkatapos nilang kumain na hindi kinakausap si Noah.

Ganon din si Noah. Hindi kinakausap si Audrey. Dinaanan niya ang pagkaing inorder nila at tahimik na silang pumasok sa loob ng sasakyan. Walang ni isa mang gustong magsalita.

Nagsalita si Noah. "I will just dropped you off sa condo. I will hang out with my friends tonight sa bar." Maikli lang nitong sabi. Walang pakialam ang boses. Walang emosyon.

Parang tutulo na ang kanina pang pinipigilan ni Audrey na luha. Bakit naging ganito? Tanong niya sa sarili. Tumingin ito sa labas ng bintana ng sasakyan. Pero tsaka naman dumaloy ang kanina pang hindi mapigilang luha. Wala na siyang pakialam kung ano ang iisipin ni Noah. Basta isa lang ang alam niya nasasaktan siya sa mga nangyayari. Pagkatapos siyang paasahin ni Noah na okay sila ay ganon na lang din kung saktan siya nito.

Samantala walang pakialam si Noah kung nasasaktan man niya si Audrey. Naiisip pa rin niya ang tagpo sa kanila ni Margie. Bakit pa bumalik ito? Naaalala niya lang ang mga panloloko nito at sakit na dulot nito sa kanya. Na realized niya lang na hindi niya na kaya pang makipag balikan kay Margie. Maaaring mapatawad niya ito pero ang makipag balikan ay hindi na.

Narating nila ang condo at wala silang imikang dalawa. "Aalis na ako at may pupuntahan pa ako." Paalam ni Noah kay Audrey.

Hindi na napigilan ni Audrey ang sakit na dulot ng pagbabalewala ni Noah sa damdamin nito. Niyakap nito si Noah ng buong higpit. "Noah, ayokong umalis ka. Please... Dito ka lang. Iinom ka na naman? Wala ka pa namang kasamang driver." Pakiusap ni Audrey kay Noah.

Nag smirk si Noah sa kanya. "Hindi mo kailan man mapupuno ang pangangailangan ko Audrey. Kaya pwede ba?" Sabi ni Noah sa kanya na puno ng galit ang boses.

Na realized ni Audrey na may ibig sabihin ang sinabi ni Noah. "Bakit hindi ko mapuno dahil ba sa mahirap ako at hindi ako nababagay sayo? Ok fine. Alam ko naman kung saan ilulugar ang sarili ko." Pagalit ding sabi sa kanya ni Audrey. Dali dali itong pumasok sa restroom at doon na ibinuhos ang lahat ng luha na kanina pang pinipigilan ni Audrey.

Narinig ni Noah ang mga hikbi nito sa loob ng restroom. Kaya hindi din ito mapakali at hindi pa rin umaalis dahil naiisip nito si Audrey. Naisipan nitong katukin si Audrey sa restroom. Baka kung ano na ang nangyari dito. "Audrey, baby. I'm sorry for making you upset. Open the door." Sabi ni Noah kay Audrey. Pero parang wala lang itong may narinig. Hindi nito pinansin si Noah.

Narinig na lang ni Noah na nag ring ang phone niya. Ang kapatid niyang si Mae ang tumatawag. "Kuya, we're on our way. Mga 20 minutes nandiyan na kami. Pakisabi kay Audrey." Sabi ni Mae sa Kuya niya.

Muling kinatok ni Noah si Audrey. "Audrey, baby. Nandito na sila Mae in 20 minutes." Tsaka pa lang lumabas si Audrey sa restroom.

Hindi nito pinansin si Noah. Naging busy ito sa kusina, sa paghahanda ng pagkain. Nilinis din nito ang table at nag simulang mag ayos. Hindi nito tinapunan ng pansin si Noah na hindi din alam ang unang hakbang para kausapin si Audrey.

Samantalang si Noah naman ay hindi mapakali. Pabalik balik ito ng lakad. Napag desisyunan niyang yakapin si Audrey sa likuran. Nagulat ito sa ginawa ni Noah. "I'm sorry to upset you." Sabi ni Noah sa kanya ng pabulong. Audrey stiffened when Noah did that to her. Naaalala na naman niya ang masakit na salita galing kay Noah. Pilit siyang pumipiglas para makawala sa mga yakap nito. "Can you please leave me alone Noah?" Pakiusap ni Audrey sa kanya.

Pero ayaw mag give up ni Noah. Nandoon lang din siya. Nakatayo sa sala samantalang busy sa pagsasaing at paghahanda si Audrey. Lumapit ito kay Audrey. "Kailangan mo ba ng tulong Audrey?" Tanong nito na hindi na galit ang boses.

Tumingin ito sandali kay Noah at nagtama ang kanilang mga mata. "Okay lang ako dito. Akala ko ba aalis ka na?" Tanong nito kay Noah ng malumanay na.

Tumikhim si Noah. "Binabantayan kita. Ayokong umalis na galit ka pa rin sa akin." Sabi nitong nakatingin ng seryoso kay Audrey.

Tahimik lang silang dalawa ng dumating sila Mae, Roland, Conrad and Blake. Hinalikan ni Conrad si Audrey sa pisngi at niyakap naman ito ni Blake ng napaka higpit. Lahat ng iyon ay kitang kita ni Noah. Kaya hindi na maipinta ang mukha nito sa galit.

"Guys we will have a pool party tonight." Sabi ni Mae sa kanilang lahat. "Audrey, I brought a two piece for you. So don't worry." Sabi pa ni Mae. "Kuya sama ka na rin sa amin." Yaya pa ni Mae sa Kuya niya.

"Kayo na lang at may pupuntahan pa ako. In fact paalis na ako." Sabi pa ni Noah sabay sulyap sa kinaroroonan ni Audrey na ngayon ay inaakbayan na ni Blake.

Tumatawa namang nagsalita si Conrad. "Huwag ka namang possessive Blake. Hindi pa yan sayo. Nahihiya na tuloy si Audrey at namumula na ang mukha." Sabi naman ni Conrad. Nahiya naman si Blake at tinanggal ang mga kamay sa balikat ni Audrey.

"Kumain ka na kasi muna Kuya bago ka umalis. Guys gusto ko lang sabihin sa inyo na napakabait ng kapatid kong ito. Inaalagaan akong palagi at binibigay ang gusto ko ni Kuya." Tsaka lumapit si Audrey sa Kuya niya at hinalikan niya ito sa pisngi.

"O siya, kailangan ko ng umalis. Magpaka bait kayo dito ha." Paalam na nito. Sumulyap muna ito kay Audrey.

Nandoon pa rin ang lungkot sa mukha ni Audrey. Gusto man niyang kausapin at pigilan si Noah ay hindi na niya magawa. Nakatatak na sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Noah. Yun na lang ang dapat niyang gawin. Ang iwasan niya ito hanggat maaari.

"Oo Kuya. Don't worry about us." Tsaka umalis na si Noah na sinusundan naman ng tingin ni Audrey.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon