Chapter 8 When Someone Cares

17.2K 465 9
                                    

Noah's POV

Iniwanan kong mag isa si Audrey sa condo ko. Ang importante lang sa akin ay safe ito doon at responsibilidad na namin siya magmula ngayon since na tinanggap siya ng pamilya bilang kasambahay. As usual balik ako sa dating gawi. I went to my friend Clarence bar at punong puno ito ng tao since Sabado ngayon.

Hindi ko pa nakita si Clarence at sigurado busy ito sa mga customer. I was sitting by myself at the bar counter when one lady approach me. Maganda ito at morena. "Hi can I join you?" Approach nito sa akin.

Walang gana ko siyang sinagot na. "Sure. Feel free to sit." Sabay offer ng upuan. I know she was starting to flirt with me but I don't have time for that tonight. Lahat ng babae ko ay dinadala ko sa condo ko to sleep with them. Pero not tonight when Audrey is there. Most of these women are wild in bed and I felt sorry for myself tonight. I will just divert my attention sa alak.

Nakita ko si Clarence at papunta na ito sa gawi ko. "Pare mabuti nandito ka." Bati sa akin ni Clarence. "Kanina ka pa ba?" Tanong nito sa akin.

"Medyo kanina pa." Sagot ko habang dumidikit naman sa akin itong morenang katabi ko.

Tumikhim ito. "Pare hinahanap talaga kita. Yung kaibigan ng kapatid mo sa party. Si Audrey, type ko yun pare. Gusto ko sanang ligawan." Sabi nitong kumakamot sa batok niya.

Ngumiti ako. "Bata pa yun pare. 17 years old. May gatas pa yun sa labi. Maraming magagandang chicks dito o."  Sabi ko pa sa kanya. Nasisiraan na ba ng ulo itong si Clarence at papatulan kahit bata.

Tumikhim ito. "Ayoko ng maglaro sa mga babae. Nakakasawa din. Gusto kong mag seryoso na pare and I think I'm ready to settle down. Hindi pa naman yun siguro ang una at huli naming pagkikita ni Audrey." Sabi pa ni Clarence.

Parang na curious naman ako. "Ano ba Pare ang nakita mo doon at bakit type mo?" Pag uusisa ko naman sa kanya.

Napabuntong hininga ito. "Unang una napakaganda nito. Pangalawa yung tipo niya na simple lang ang pananamit pero stand out pa rin ang beauty. Tahimik at hindi pakawala. Yun ang nagustuhan ko sa kanya." Sabi pa nito habang dini describe ang katangian ni Audrey. Tama nga si Mae lahat na lang yata ng Adan may gusto dito. Except ako I don't want to spend my time and emotion into women. They are just objects and I will stick to that. "Saan ba yun nakatira pare?" Tanong naman nito sa akin.

Mas mabuti pang maging honest ako dito. Sigurado ang katulad niyang mataas ang antas sa buhay ay hindi papatulan si Audrey pag nalaman ang totoo. "Sa bahay." Walang ka emo emosyon kong sagot.

"Ano? Sa bahay niyo? Bakit?" Sunod sunod na curious na tanong ni Clarence.

Natawa ako. "Eh di dahil kasambahay siya namin. Halika nga sabayan mo akong tumungga dito." Sagot ko naman na binabalewala ang interes nito. Ang babaeng morena dikit ng dikit pa rin sa gilid ko.

"I am serious Noah. I am willing to pursue her." Sabi nitong seryoso at umalis na. Akala ko mawawalan ito ng interes ng sinabi kong kasambahay namin. Anak ng lintek. Is he really that serious? Or katulad din siya ng ibang lalaki na sinasabi ni Mae na nababaliw kay Audrey.

Halos 1:00 am na rin akong nakatapos uminom sa bar. Andami kong nainom ngayong gabi. Ang layo pa ng bahay kung uuwi ako doon. Mas mainam ng sa condo ako dumiretso at ilang liko lang iyon from here.

Hay salamat nakarating din ako ng condo ko ng safe. Madilim lang at nabunggo ako sa center table at natumba ng pabagsak dahil sa hilo. Mabuti hindi nabagok ang ulo ko.

Narinig ko ang mga yabag ni Audrey at binuksan nito ang ilaw. Nang makita niya ako tumakbo itong papalapit sa akin. "My God Noah are you okay?" Narinig kong nag panic ang boses nito. Kinandong nito ang ulo ko at tinitingnan ako na puno ng concern ang mukha.

"Lasing ako at nahihilo pa at masakit ang ulo. No, I'm not okay. Masama ang pakiramdam ko." Sagot ko pa sa kanya.

Mas lalo ako nitong niyakap at nakita ko na lang na tumutulo na ang luha nito. "I'm scared Noah. I don't like you to be like this. Ano ang gagawin ko?" Tanong nitong natataranta na. "Noah gusto mo tawagan ko sila Mrs Tansinco? Walang load ang cellphone ko at hindi ko alam ang phone number nila." Humihikbing sabi nito. "Noah please talk to me. I want you to be ok." Niyugyog ako at sabay yakap ng mahigpit.

Ngayon lang ako iniyakan ng babae. Ngayon ko lang naramdaman kung ano ang feeling ng mayroong concern sa akin. How it feels na importante din pala ako. "No don't call my parents Audrey. Just help me get into my bedroom. I will be ok." Sabi ko pa sa kanya.

She help me get into my feet. Ngayon ko lang nakita na suot suot pala nito ang shirt ko and her hair is still wet. Wala itong bra at nakikita ko na she was gifted with a big boobs*. "Dahan dahan lang kasi mamaya matumba ka na naman." Sabi nitong humihikbi. "Sorry at hindi kasi ako sanay sa ganitong sitwasyon at Tita ko lang ang kasa kasama ko." Sabay pahid sa mga luha at inalalayan akong humiga sa kama.

Nag dedelirium na yata ako dahil Napakaganda ni Audrey sa paningin ko. Nakatingin lang ako sa mga mata nito habang nandoon siya nakatayo sa paanan ng kama ko. Gusto ko itong pakalmahin. "I'm ok Audrey. Kailangan ko lang magpahinga. Salamat sa tulong." Sabi ko pa sa kanya.

"Ayaw kong iwanan kang ganyan Noah. I'll stay with you for awhile. Pupunasan lang kita ng maligamgam na tubig para mawala ang hilo at sakit ng ulo mo." Nakita ko na lang itong umalis. Damn! Those legs.

Pinunasan ako nito ng maligamgam na tubig. Pinalitan ang t shirt ko at binigay sa akin ang pajama ko. "Ikaw na lang ang magpalit ng pajama mo." Sabi pa nitong nahihiya.

"Salamat Audrey for your help tonight." It felt good when someone cares for you like this. Pero hindi ako basta basta lang papadala sa ganitong sitwasyon. Naloko na ako once and I don't want to experience that same pain again.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon