Chapter 34 Married Life

15.6K 405 4
                                    

Audrey's POV

Wala kaming imikan ni Noah habang lulan ng kotse. Sumulyap ito sa akin at alam kong galit pa rin ito. "Alam kong galit ka pa sa akin. Bakit kasi hindi mo na lang ako ibaba dito at alam ko naman ang pauwi?" Sabi ko na puno ng hinanakit ang boses.

"You are very stubborn. Hindi lang ganon kadali ang sinasabi mo. Kahit papano responsibilidad pa rin kita." Singhal pa sa akin ni Noah.

Narating namin ang boarding house ko at as usual maingay pa rin sa labas nito dahil sa dami ng taong nag iinuman. "Hindi kita papayagang matulog pa dito ng isang gabi. Kunin natin ang mga gamit mo at idiretso na kita sa condo." Pagalit na utos ni Noah sa akin.

"Noah, hindi ba pwedeng dito na lang ako? Wala ka namang responsibilidad sa akin." Giit ko pa kay Noah.

"Don't be hardheaded kung ayaw mong kakaladkarin kita dito." Galit na naman ito. Wala akong may nagawa kundi sumunod sa gusto nito. Tinulungan ako nitong magbuhat sa mga gamit ko.

I don't feel comfortable with Noah anymore. Medyo ilang lang ako dahil sa ginawa niya sa aking pagpaparusa at muntik ng may mangyari sa amin. Alam kong kasalanan ko kung bakit ikinasal kami. Pero God knows hindi ito ang intensiyon ko. Gusto ko lang mailayo siya kay Margie. Pero alam ko na deep inside masaya ako. Na kahit panandalian lang ay magiging Tansinco ako.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang narating na pala namin ang condo. "This is the room where you will be staying. Don't expect me to act like a real husband to you. Mag asawa lang tayo sa papel!" Sabi niyang dinala ako dito sa guest room ng condo. "For you! Ang magiging consequences sa panlilinlang mo ay ang pagsilbihan mo ako bilang katulong ko dito. Habang naghahanap lang ako ng tamang panahon para i proseso ang annulment." Sabi nitong nanlilisik ang mga mata at may diin ang bawat salita.

"Si- sige kung yun ang ang gusto mo." Sagot ko pa dito at tumalikod na ako sa kanya sabay pasok sa binigay nitong room sa akin. Ayokong nakikita si Noah na parang sinasapian ng demonyo. Baka kung ano na naman ang magawa sa akin. I will try to make sure that our encounter will be brief para iwas na rin sa gulo.

Maaga akong gumising kinabukasan at may pasok pa sa opisina. Nilutuan ko na si Noah ng breakfast at ginising ito. Naka boxer shorts lang ito at kitang kita ko ang napaka perpektong hugis ng katawan ng pagbuksan ako ng room niya. Napalunok muna ako. "Ginising lang kita for breakfast." Sabi kong sabay talikod. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin. Pero anlakas ng atraksiyon ko sa kanya.

Walang pakialam itong kumakain at talagang pinanindigan na gawin akong katulong sa pamamahay niya. Hindi man lang ako niyaya para kumain. Asa ka pa! Sita ko sa sarili ko.

Nakaalis na si Noah na hindi man lang nagpapaalam sa akin or kahit na isabay ako dahil iisa lang ang pinapasukan namin. Anyway, ganito na talaga ang kapalaran ko. Napasubo sa kasal na walang pagmamahal.

Naligaw ligaw pa ako at hindi ko kabisado ang sakayan galing ng condo ni Noah papunta ng opisina. Kaya late na akong nakarating ng opisina. Nandiyan pa ang boss ko dito sa opisina na si Dianne na Manager sa department at mainit palagi ang dugo sa akin. "Late ka na naman! Pag na late ka pa ulit. Sisisantihin na kita!" Galit nitong sita sa akin na nagpalingon sa buong kaopisina ko dahil sa lakas ng boses nito.

"Don't yell at her Dianne. From now on. You give the same respect to Audrey as you respect us your bosses." Sabi ni Sir Michael na hindi ko alam nandiyan pala sa pintuan. "Audrey, nandiyan si Mommy sa office ko. Gusto ka niyang makausap. Dianne, just to let you know na may pupuntahan lang sila Mommy at Audrey. Bukas na lang siya babalik." Paalam pa ni Sir Michael dito.

Ano ba ang gusto ni Mrs. Tansinco sa akin? Ayoko pa sana itong makita dahil sa naging kasalanan ko sa kanila. Habang nagliligpit ako ng gamit, narinig kong bumulong si Dianne. "Tsk! Gusto pa yata nitong maging future kerida ni Sir Michael. Eh ikakasal na ito. Kung ako sayo magpaka desperada ka kay Sir Noah. Binatang binata pa!" Sabi nitong nagpahalakhak naman sa iba ko pang kasamahan dito sa opisina.

Alanganin akong kumatok sa pintuan ni Sir Michael. "Come in Audrey." Sabi pa nito.

"Good morning po Mrs. Tansinco. Pinapatawag niyo po daw ako." Bati ko pa ditong nahihiya dahil sa kagagahan ko noong isang gabi kaya ikinasal kami ni Noah.

"Tawagin mo na rin akong Mommy at asawa ka na ni Noah. Huwag mo na ring tawaging Sir si Michael at isa ka na rin sa pamilya at may ari ng kompanyang ito. You can actually quit your job now at silbihan mo na lang ang asawa mo." Dagdag pa niya.

Bigla akong natakot sa sinasabi niyang mag quit ako dito. Kailangan ko pa ng trabaho para makaipon ako at may magamit akong pang tuition. Gusto ko pang mag aral. "Ay, gusto ko po ang trabaho ko dito." Sabi ko pa sa kanya.

Kaya pala pinatawag ako ni Mrs. Tansinco. Este, Mommy pala ay gusto ako nitong makasama sa pamamasyal.
Nagpa massage muna ito at facial. Pati ako isinama at nilibre na rin. Ang laki ng binayaran nito pero mukhang wala lang sa kanya. Nandito kami ngayon sa restaurant na kumakain. "Audrey, gusto kong habaan mo pa ang pasensiya mo kay Noah. Dadating ang panahon na matutunan ka rin niyang mahalin. Nandito ako palaging available para gumabay sayo kung kailangan mo." Sabi nitong parang talagang Nanay ko. Na touch ako sa sinabi niya.

Medyo maluha luha pa ako." Ang tagal ko ring pinangarap na magkaroon ng sariling Nanay. "Thank you po Mommy for all the support. Promise ko po sa inyo na mamahalin ko ng buong buo si Noah, aalagaan at pagsilbihan ko po siya." Sabi kong sabay pahid ng luha.

Nanood kami ni Mommy ng sine at laking gulat ko na gabi na pala kami nakalabas dahil nag shopping pa ito. Andami pa ngang pinamili sa akin na damit, pabango, bag, shoes at lingerie. "Mommy gabi na po pala. Naku baka magalit sa akin si Noah at hindi pa ako nakapag luto!" Natataranta ko pang sabi kay Mommy.

"Hindi yun magagalit at sinabi ko na sa kanya kanina na isasama kita. Dumaan muna ako sa opisina niya bago pumunta kay Michael." Sabi naman ni Mommy na nakangiti.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon