Chapter 7 The Impossible Noah

18.3K 488 9
                                    

Audrey's POV

Gabi na ng makatapos kaming maghapunan at andami pang mga kuwento nila Mae at Conrad. Nilinis ko na ang dining table at naghuhugas na rin ako ng mga plato. Nag volunteer si Conrad at Mae na sila na ang maghugas ng kinainan. Sinabi ko na lang sa kanila na ok lang ako. Nakita ko silang tatlo papunta ng verandah ng condo. Naramdaman ko na lang na nandiyan na pala si Noah sa tabi ko. Nagsalita ito. "Ok ka lang ba diyan. I can wash those plates." Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa akin.

"I'm fine here Noah. May kailangan ka ba? Gusto mo ng tubig at ikukuha kita." Sagot ko naman sa kanya.

"Hindi ka pa nag uumpisang maging kasambahay namin. So you don't have to serve me." Sagot nito sa akin. He tried to be friendly with me pero lumalabas pa rin na parang naiinis ito sa akin.

"I'm sorry for asking that question with you. Nakalimutan ko kasi minsan na ayaw mo pala sa akin. Ano ba ang kasalanan ko sayo? Sabihin mo at ng baka pwede kong baguhin kung ano man ang ayaw mo." Sagot ko naman dito. Akala ko umalis na ito. Nandiyan pa rin pala ito nakasandal sa kitchen counter top. Nilalaro nito ang susi ng sasakyan. I wonder bakit hindi pa ito umaalis dito sa tabi ko.

Tumikhim ito. "Gabi na. Huwag ka na lang umuwi doon sa apartment mo. Dito ka na matulog. Atleast dito safe ka pa dito." Sabi nitong seryoso na ang boses.

Napatingin ako dito kung seryoso ba ito sa sinasabi niya. "Huwag na Noah. Maaga pa naman. Salamat. Halika na at samahan natin sila sa labas." Pagpapasalamat ko pa at yaya ko dito. Tsaka tumalikod sana para pumunta sa verandah ng condo.

Naramdaman ko na lang na hinawakan akong bigla ni Noah sa braso. Napapitlag ako sa gulat at kung may anong bolta boltahe ng kuryente ang naramdaman ko sa isang hawak lang niya. Napaharap ako dito at nagtama ang aming paningin. "Wala kang ginawa na mali o naging kasalanan sa akin. Kaya just ignore me ok?" Sabi pa nitong di ko maintindihan.

Nagtama ang aming mga mata at pumikit akong sumagot na "Ok. I guess wala naman akong choice kundi intindihin ka." Then tumalikod na ako dito.

Narinig kong nagsalita si Mae. "O nandito na pala si Audrey at si Kuya Noah. Conrad si Audrey ang tanungin mo kasi kung saan ito nakatira." Sabi ni Mae sa akin.

"Alam naman niyan na matagal na akong may gusto sa kanya. Pero ayaw nga ding magpaligaw. Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng chance Audrey, ngayong nakita kita ulit?" Tanong nitong malungkot ang mga mata.

Nahihiya ako pag ganitong napaka open ni Conrad. "Marami lang akong iniisip at kailangang atupagin lately Conrad. We can remain friends but not more than that." Sabi kong nahihiya na nandiyan si Noah na nakikinig.

Tumikhim si Noah. "Gabi na. Kailangan niyo ng umuwi. Pag 18 na kayo pwede na kayong gumimik sa gabi. For now kailangan niyo ng umuwi ng maaga." Sabi ni Noah habang nakatingin sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin at parang matutunaw ako sa klase ng tingin nito. I can't imagine na ganon ang epekto nito sa akin. Ayaw kong padadala sa nararamdaman ko.

"Kuya, I will be 18 in two months. Just to remind you. Pwede na pala ako nitong gumala and will be treated as an adult. I can't wait to be free at last." Sabi naman ni Mae na nilo look forward the day she will turn 18.

Nagsalita si Conrad. "Same way here. Next month naman ako. Kaya invited kayo sa bahay next month. How about you Audrey? Kailan ka ba mag 18?" Tanong ni Conrad na tinitingnan ako na puno ang interest sa mga mata nito.

Napangiti ako. "Matagal pa in 12 months time. Sa Christmas pa ako mag 18." Sagot ko naman dito. "Uy gabi na. Umuwi na nga tayo." Yaya ko pa sa kanila.

"Ihahatid na lang kita Audrey. Nandiyan naman ang driver ko sa baba. Kung ok lang sayo." Offer ni Conrad sa akin.

"Hindi na Conrad. Ok lang talaga ako. Salamat." Sabi ko naman dito. "Maaga pa naman kaya ok lang ako. No worries." Sagot ko pa.

"O siya mauna na ako. Salamat Mae for bringing me here. I'll call you both when we can hang out again." Sabi ni Conrad. Umalis na rin ito kaagad.

"You can go home Mae with Mang Rene. Dala ko naman ang sasakyan ko at ako na ang maghahatid kay Audrey." Utos ni Noah kay Mae at makikitang nagulat ito sa tinuran ng Kuya niya. Alam niya kasing galit ang Kuya niya sa akin. Bakit niya ako ihahatid?

"Hindi, ok lang ako. Kaya kong umuwing mag isa." Sabi ko pa sa kanila.

Si Mae nakangiting nagsalita. "Sabi ko sayo Kuya hindi niya alam na ganon siya kaganda." Tumingin ito sa akin at nagpatuloy. "Ayokong umuwi kang mag isa dahil lahat na yata ng Adan sa mundong ito ay gusto ka!" Sabay halakhak nito.

"Or she can stay here and leave in the morning. Nasa pangangalaga ka namin kaya we want you to be safe." Dagdag naman ni Noah.

"Tama nga si Kuya. Bukas ka na lang umuwi kasi. Napaka delikado pa doon at mag isa ka lang doon. Tsaka pwede kitang samahan bukas." Hiyakat naman ni Mae sa akin.

Napag isip isip ko na gabi na nga. "Sige matulog na lang ako dito. Salamat sa inyo." Sabi ko kay Mae at kay Noah.

"Sige Kuya mauna na ako." Paalam naman ni Mae.

"Alright susunod ako. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi naman ni Noah.

Kami lang dalawa ngayon dito sa condo. "You can picked which room you like to sleep. If you need some clothes for tonight. You can get some of my shirt there. I don't mind." He points the room near the living room. Hindi na rin ako magtatagal. Just lock the door." Sabi nitong sabay talikod na at alis. Nang ako na lang mag isa dito nakaramdam na naman ako ng lungkot. I just think positively this time. Kahit malungkot ako, atleast I am blessed to have Audrey as my friend. Nandiyan palagi at handang dumamay sa mga problema ko.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon