Chapter 31 Meeting Mae

14.7K 370 5
                                    

Dedicated to: @sxyehc @racelbonggot123 @MhilaSerapion @rawr26 @SimpleAsYou27 @SheenaShaneBatin @iamkristinejhoy @jhingdionisio @rose-twoone @EricaMaeValenciano

Audrey's POV

Medyo malayo ang boarding house ko sa Tansinco building. Gayunpaman nakarating pa rin ako ng maaga. Mayroon na akong instructions kung saang floor ako papunta. Pasakay na ako ng elevator ng namataan ko si Noah pasakay din siya sa elevator. Nakikita ko ang kilig at bulungan ng mga kababaihang nag aabang sa elevator. "Ang gwapo talaga ni Sir! Hay..." Sabay hagikhik nila. Sabagay nandyan na lahat kay Noah. Gwapo, matangkad, mayaman. Kaya hanggang ngayon parang langit ito sa akin na hindi ko kayang abutin. Sabay sabay nilang bati ng "Good morning Sir!" Binati naman sila pabalik ni Noah.

Ngunit nakita ko na naman si Margie na parating at biglang nilingkis ang mga kamay nito sa braso ni Noah. Anong ginagawa nito dito at ang aga aga. "I miss you Noah!" Malandi nitong bati kay Noah.

Akala ko hindi ako nakita ni Noah. "Hi Audrey! Alam mo na ba ang floor na pupuntahan mo? Dalhin kita doon." Tanong nito sa akin na nagpalingon naman sa mga kababaihan sa loob ng elevator.

Mas lalong sumikip ang elevator dahil katabing katabi ko si Noah at naaamoy ko pa ang mabangong panlalaking perfume nito. Hindi ako tumingin na sumagot dito. "Thanks. Alam ko na." Tipid kong sagot dito. Nakatingin din sa akin ang mga babaing nasa loob ng elevator.

Maayos naman ang naging umpisa ng trabaho ko. Few weeks na akong nag start dito at mabait naman si Sir Michael. Palagi kong nakikita itong magkasama sila ni Mam Janine ang fiancee niya. They look good together. Bihira ko lang din makita si Noah. May time na nagkita kami pauwi at nag offer na ihatid ako. Pag nakikita ko naman ito most of the time ay kasama niya si Margie. Well, I guess nagkabalikan na sila. Ayokong isipin yun. Pero sa mga nakikita ko, nasasaktan ako. After all umaasa pa rin akong sana ako na lang ang kasama nito at hindi si Margie.

Nag umpisa na ako sa mga modeling offer sa akin. Naisiksik ko ito every weekend lang kahit busy ako. Mga wedding gowns ang sinusuot ko. Malaking dagdag na rin sa kita ko. May time din na mga cosmetics naman ang minomodel ko. Kahit papaano nakapag ipon ako.

Narinig kong nag ring ang phone ko. Mae's calling me. "Mae, kamusta?" Tanong ko pa sa kaibigan ko.

Tumukhim ito sa kabilang linya. "OK lang. I need to see you. It's been awhile na hindi na kita nakita." Sabi nitong medyo balisa. We agreed that she will pick me up here at the office.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Mae's POV

We had an emergency family meeting at concerned nga lahat dahil parang nagkabalikan na naman si Kuya Noah at si Margie. Alam na ng buong pamilya kung anong klasing babae si Margie. Niloko na nito si Kuya once, modus niya at ng pamilya nila ang manloko ng mayayamang lalake at huthutan ng pera. Ito ang ikinatatakot namin ang muling masaktan si Kuya.

My family made a decision na tulungan ko silang ilayo si Kuya kay Margie with the help of Audrey. Siya lang ang natatanging babaeng alam kong may lihim na pagtingin si Kuya. Alam kong tutulungan din ako ni Audrey kung sakali.

Nandito kami ngayon sa restaurant ni Audrey. I was so happy to see her. "Audrey, si Kuya parang nagkabalikan na naman sila ni Margie." Bungad ko sa kanya.

Napaiwas ito ng tingin. Parang may namumuong luha sa kanyang mga mata. "I know. I'm hurting alam mo ba? Nakakahiya mang aminin but I fall for him. Kaya huwag mo ng sabihin kung gaano sila kasaya ni Margie. Wala akong karapatan." Sabi nito sabay pahid ng luha. I was shocked sa nalaman ko na may gusto pala ito kay Kuya. Bigla akong nasiyahan sa nalaman ko. Hindi yata ako mahihirapang maging kasabwat si Audrey para ilayo si Kuya kay Margie.

"Audrey, kung gusto mo si Kuya, tulungan mo kaming ilayo siya kay Margie. Please..." Pakiusap ko pa sa kanya.

"Andami mo na ring naitulong sa akin Mae pati na ang pamilya niyo. Kaya kahit anong gusto mo sabihin mo lang at tutulungan ko kayo." Sagot pa ni Audrey sa akin.

"Thank you Audrey! Birthday ni Kuya Noah bukas. We will invite immediate family lang nila Mom and Dad. At saka i invite din namin si Margie. The plan is this. Lasingin si Kuya habang nandoon ka na sa room niya naked. Papasukin siya sa loob ng bedroom niya at pag hinanap siya ni Margie, sabihin na lang kay Margie na pumasok doon sa bedroom ni Kuya. Sigurado akong titigil na yun sa kahibangan niya pag nakita kayong dalawa ni Kuya na magkasama sa bedroom with you naked. Ako na lang ang mag explain kay Kuya pagkatapos at aminin sa kanya ang totoo." Sabi ko pa kay Audrey.

"I trust you Mae na hindi mo ako ipapahamak. Sige tutulungan kita." Nag agree ito sa naging plano ko.

I went home and spoke to Mom and Dad about my plan. Natuwa sila at sinabi nilang maaasahan daw ako.

Kinabukasan ready na ang buong pamilya for a surprise birthday party kay Kuya. Dumating ang mga kapatid nila Mom and Dad as well as few of my cousins. Hindi ko na ininvite si Roland ang boyfriend ko at si Janine busy din at hindi makarating. Dumating si Margie as planned. Samantala busy si Kuya Michael sa pagpapainom kay Kuya ng hard drinks doon sila sa pool area. Habang si Margie naman ay nakalingkis ang kamay na parang ahas kay kuya.

Dumating si Audrey at ang ganda nito sa pink na A line dress above the knee. Kita ko kaagad ang malalagkit na tingin ni Kuya sa kanya. Umiwas ng tingin si Audrey kay Kuya at nagpatuloy kami sa pag uusap. "Kinakabahan ako Mae sa gagawin natin." Bulong pa nito sa akin.

"Don't worry friend. Akong bahala." Pag reaasure ko pa dito. Nakita ko si Kuya na pagewang na ito kung lumakad papunta sa amin.

"Aren't you gonna greet me a happy birthday?" Bungad pa ni Kuya kay Audrey. Seryoso ang mukha nito.

"Happy birthday Noah." Ang tipid na sagot sa kanya ni Audrey na halos hindi makatingin kay Noah.

Hinila ko na si Audrey palayo kay Kuya. Ngayon na ang tamang panahon para isakatuparan ang plano namin ni Audrey.

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon