C 2

7.2K 82 9
                                    

A/N:

Please vote and leave a comment.

_____________________________________________

NEW YORK, U.S.A:

Kaaalis lang ng mga magulang ni Zoe ( pronounced as Sowi from her name Zyrah Nicole) kasi kailangan na nilang bumalik sa Philippines. Halos 3 days lang sila sa New York para bisitahin si Zoe. Nasa flat nya dito sa New York si Zoe at nagpapahinga dahil wala syang fashion show ngayon.

Hindi na talaga mapigilan ang kasikatan nya dito sa New York. Almost 6 years na syang hindi nakakauwi ng Pinas simula ng mamatay si Kurt. 

Nanonood ng show nya sa tv si Zoe ng mapatingin sya sa ginawa nyang obra na nanalo pa nga ng 3rd place sa painting contest sa Pilipinas. Dinala kasi ni Lance ang drawing nya kay Kurt at isinali sa competition. Tuwing mapapatingin sya sa frame na malaking ito na nasa sala nya ay hindi nya maiwasang hindi malungkot. 

Nang dumalaw nga sa kanya ang kapatid nyang si Nicolei last year eh nagsuggest ito na dapat daw eh self-portrait ng Ate nya ang naandito, na halos okupado na buong sala nya, pero nanindigan si Zoe na hindi nya tatanggalin ang portrait ng nasirang kaibigan. Tuwi kasing malulungkot sya at panghihinaan ng loob ay kinakausap nya lang itong iginuhit nyang si Kurt, na take note eh walang tularan, ay gumagaan na ang kalooban nya. Hindi nya malilimutan ang huling bilin sa kanya ni Kurt na babantayan sya nito.

Maraming nangliligaw sa kanya pero walang makalapit ng ayos sa kanya. Kasi bubuka pa lang ang bibig ay sinosopla nya na. Tanging si Lance lang ang kaibigang lalaki para sa kanya. 

Nagpapahinga sya sa sala ng may magdoorbell.

Ding.. dong..

Binuksan ni Zoe ang pinto at pinapasok ang bisitang ineexpect nya.

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon