A/N:
PaLIKE naman po itong page ko para sa stories ko.. https://www.facebook.com/AngelmelayWattpad. Pwede po kayong magkwentuhan doon.. Thank You!
Or yung mobile gamit, nasa external link po yung PAGE ba ginawa ko..
______________________________________
Nasa isang restaurant sina Zeon at Zoe. Nakasuot sila parehas ng dark glasses. Si Zeon ay naka hoody para hindi masyadong makilala, si Zoe naman ay naka-cap at nakaipit ang buhok sa loob. Minsan may napapatingin sa kanila. Paano ba naman, gabing-gabi eh naka dark shades sila? Pero ok na rin kasi hindi talaga sila makilala.
Nagtatawanan at nagsusubuan pa ang dalawa. Napaka sweet nilang tingnan. Bagay na bagay ang magkasintahan.
"They look wonderful together." Narinig ni Zoe na bulungan ng katabi nilang lamesa.
"Zeon, narinig mo? Bagay daw tayo." Nakangiting sabi ni Zoe sa nagsusubo sa kanya ng lasagna na si Zeon.
"Kung alam lang nila kung paano mo ako kawawain.." Nagsmirk pa si Zeon kaya sumimangot si Zoe. "Hahaha! Joke lang eh. Di ka na mabiro.." Panunukso ni Zeon.
"Eh sinong bagay sayo? Si Sapphire ba?" Nakasimangot na tanong ni Zoe.
"Tss.. Bakit naman napasali yun sa usapan?" Nabitawan ni Zeon ang tinidor kasi hindi nya nagustuhan ang sinabi ni Zoe.
"Hahaha! Oh ngayon sino ang pikon?" Ganti ng dalaga.
"Wahaha! Sino naman may sabing napipikon ako? Binibiro lang kita." Sagot ni Zeon na nadala na rin si Zoe sa pagtawa nya.
"Maiba ako, Zeon, are you willing to give-up popularity for me?'
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...