C 66

2.8K 56 37
                                    




A/N:




VOTE & COMMENT please? 30 VOTES & 30 COMMENTS = UPDATE. Paki like din po ang fb page ko na AngelMelay Wattpad.




_________________________________





C 66 GET TOGETHER




Nasa bahay ni Zoe sina Amanda at Wency. Dinalaw nila si Zoe lalo na ng malaman nilang naandito na si Zeon. Katatapos lang nilang sabay-sabay magdinner. Sina Sapphire at Zoe ang nagluto.





Nakaupo sa sala silang lahat. Si Zeon sa single na upuan at nakaupo si Sapphire sa arm rest niya. Sunod ay ang nasa tatlunang upuan na sina Wency, Zoe at Lance. Sa kabilang single chair naman si Amanda.





Nagkukwento sina Amanda at Wency sa mga napasyalan nila dito sa New York. Matamang nakikinig naman ang iba sa mga binibida ng magpinsan.





"Gusto ba ninyo ng coffee?" Tanong ni Zoe sa mga bisita.






"Oo nga para madali tayong matunawan. Ang dami ko rin kasing nakain." Pagsang-ayon ni Amanda. Ang sarap kasi ng Chicken Pastel na niluto ni Zoe.






"Teka, kukuha lang ako." Tumayo na si Zoe at nag-excuse sa mga bisita.






Hinawakan naman siya sa wrist ni Lance. "Teka, tulungan na kita." Volunteer pa ng binata.







Ngumiti naman si Zoe sa kanya. "Ako na lang. Kaya ko naman." Sabi ng dalaga bago tuluyang nakiraan at nagpunta sa kusina. Napasunod lang ng tingin si Zeon sa dalaga.






Nagprepare ng 6 na tasa ng kape si Zoe. Masaya siyang magkaroon sila ng bisita kasi ilang taon ding puro ibang lahi na lamang ang nakakasalamuha nila. Masaya siyang nakakwentuhan niya ngayon ang mag-pinsang Wency at Amanda. Ang makitang ang magkapatid na Sapphire at Lance, na tulad nila ni Zeon, na nawalay din ng ilang taon sa isa't-isa. Zeon? Oo nga pala. Pati sila ni Zeon ay ngayon lang din nagkasama. Kahit na hindi maganda ang huli nilang pag-uusap noon sa Pinas, at least nagawa niyang maging civil lang ang lahat.








Napapangiti si Zoe habang naririnig niya ang matunog na halakhakan ng mga bisita niya. Pati ang bahay niya ay nagkaroon ng buhay sa pag-dating ng mga bisita. Medyo natigilan siya sa paghalo ng kape nang may maalala. 3rd day na nina Zeon dito, pero hindi niya pa rin natatanong kung bakit nga ba nasa New York ang dalawa ni Sapphire? Obviously, hindi trabaho kasi hindi naman nalabas si Zeon dito sa bahay niya, unless may lakad na kasama sila ni Lance.







Natutuwa din siya na parang nabuhayan ng dugo si Lance na may mga kapwa ito Filipino na nakakausap at nakakasalamuha nitong mga nakaraang araw. Alam niya ang hirap sa kanya ni Lance. Hindi na ito magkaroon ng sariling buhay dahil sa kanya. Siya na hindi naman kasintahan ng binata. Pero magkagayon man, matiyaga pa rin itong nakasubaybay sa kanya.







Ngayon niya lang na-realize na masama siyang tao. Sakim na siya. Hindi niya mabigay ang pagmamahal na kailangan ni Lance, pero hindi niya rin naman niya siya mahayaang makahanap ng magmamahal. Ang sama niya, hindi ba? Wala siyang magawa. Kay Lance lang siya nagtitiwala.








Mula ng iligtas siya ni Lance kay Daniel ay naging takbuhan niya ito. Pakiramdam niya ay isa itong super hero na kaya siyang ipagtanggol. Pero si Lance nga lang ba talaga ang kanyang maaasahan? Ito lang ba ang pwede niyang sandigan.







"Zyrah, pinapuntahan ka na nila. Ang tagal mo daw kasi." Noon lang nagising si Zoe mula sa pag-iisip. Napangiti siya kay Wency.







"Ay hindi ko kasi makita ang filter ng coffee maker kanina." Pagsisinungaling niya. Nagbu-brew kasi siya ng coffee.







"Ganoon ba? Ano, tapos ka na ba?" Tanong ni Wency sa kanya na nakaupo paharap sa kanya sa harap ng mesa.






"Oo. Halika na." At inilagay ni Zoe sa tray ang 6 na tasa ng kape.







"Ako na ang magbibitbit." Alok ni Wency ng tulong.


My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon