C 5

5.2K 73 18
                                    

A/N:

Maraming salamat po sa suporta ng iba. Yoong may mga hindi magandang comments na hindi daw sila contented, wag nyo na lang pong basahin at hindi ko naman po kayo pinipilit..

________________________________________

Medyo nasa gitna na ang palabas ng dumating si Ma'am Sophia Lao nila. Nagbigay galang naman silang lahat sa kanya. Then ibinalik na nila ang attention sa awards night. 

Nagcue lang ng commercial at nilapitan sila ng floor director na susunod silang mag-iintermission pagkatapos ng ikalawang commercial gap after nitong gap ngayon. Nagulat naman sila parehas na silang dalawa pala ang magkaduet sa kantang ito. Tatanggi sana si Zoe pero pinilit sya ni Ms. Sophia. Ipinaalala nya kay Zoe na kailangan nya ang exposure na ito para sa next album nya.

Tumayo na si Zeon at inalalayan nya si Zoe na papunta sila sa backstage. Pinabayaan na lang ni Zoe kasi ayaw naman nyang gumawa ng eksena.

"Are you ready?" Naitanong ni Zoe ng nakatayo sila sa pinto ng dressing sa may backstage.

"Of course!" Walang kangiti-ngiting sabi nya kay Zeon.

"Goodluck!" Ang sabi ni Zeon kay Zoe at nakangiting nag-offer pa ng handshake kay Zoe pero tiningnan lang ni Zoe ang kamay nyang nakalahad at umirap na.

May lumapit naman sa kanilang official photographer ng event at kukunan daw sila ng pic. "Closer please." Utos nito sa kanila, kasi ba naman kasya ang isa pang tao sa gitna nila sa layo ng pose nila sa isa't-isa.

Si Zeon na ang lumapit kay Zoe. At nang matapos ang unang shot ay lumapit sa kanila si Tita Sophia. "Zeon, akbayan mo si Zoe para masabi ng fans na close lahat ng artist ko." 

Tiningnan naman ni Zeon si Zoe at hindi ito nagreact so tingin nya ay ok lang dito kaya inakbayan nya si Zoe. Promise nya sa sarili nya na hihingi sya ng kopya ng pic na ito kapag narelease na.

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon