A/N:
I wish to thank @ukissmeful, @sexyangle, @CessTan, @AlleahJessaCalamba, @jknickz, @BradyAubrey, @Arahcute, @allison_08perfect, @RicciMaeGalang (comment naman dyan :)), @rubiamy34, @ForeverParisian, @JojieDizon, @ranzkyle (comment pls.), @jovianna and @jhanemich (comment po). Thank you sa patuloy na pagcomment at paglike. Yoong iba pong readers, paraparamdam.. ^_^V.
Thank you so much!
____________________________________
Magkatabi sina Zoe at Zeon sa tabing dagat. Nakasandal ang ulo ni Zoe sa balikat ni Zeon habang nakatanaw sa palubog na araw..
"And now the sun sets again. I hope that I will forever be with you until the next sunrise too." Malambing na sabi ni Zoe kay Zeon.
"I will always be here for you even after how many eclipse." Hinaplos ng isang kamay ni Zeon ang buhok ni Zoe. Napatingala naman sya kay Zeon at mahinhing ngumiti. Nagtama ang kanilang paningin, walang gustong kumurap, walang gustong bumitaw, at walang gustong gawin kundi ang...
palapit ng palapit..
Hinawakan ni Zeon ang kanang pisngi ni Zoe at si Zoe naman ay ang kanan ding pisngi ni Zeon. Hindi nila malaman kung bakit hindi maubos-ubos ang naguumapaw na pag-ibig nila sa isa't-isa.
"I love you, Babe!" Nakangiting bahagya na lalong nagpa-gwapo kay Zeon.
"And I love you more!" Sagot ni Zoe na nakangiti rin ng ubod ng tamis.
Napapikit na parehas, ikiniling ang ulo sa isang gilid para mapaglapat ang kanilang labi... nagkatawanan ng bahagya ng isang direction lang sila kumiling at nagkauntugan ang mga ilong nila..
Kumakabog parehas ang dibdib sa sobrang sabik sa isa't-isa..
dug..
dug...
At nang ilang inches na lang ang layo...
"HATCHINGGGG!!!!"
"CUUUUUUTTTTTTT!!!! MYGAD!!! BREAK!!! BREAK!!! LET'S REPEAT IT TOMORROW!!! SUNSET MODE AGAIN!!! ZOE..... AISHHHH!!!"
"Sorry!!" Sigaw ni Zoe. Nagalit na si Direct. Naka-2 take sila kasi nung una kulang daw sa feelings ang mga mata ni Zoe tapos 2nd take hinatching ang dalaga! Hindi na kakayanin ng ika-3 kasi madilim na.. nagpahinga na si haring araw.
"Ano ba yan? Tagal ng artista, di pa marunong!" Parinig ni Zeon sa kanya.
"Bakit sinadya ko ba?" singhal naman ni Zoe. Hindi naman talaga nya gustong maretake ng maretake eh.
"Sinusulit ang moment para makasama ako." Parinig ulit ni Zeon habang umiinom ng juice na bigay ng staff.
"Kapal ng mukha mo!" galit na sabi ni Zoe habang umiinom ng mineral water. Ayaw na muna nang magjuice kasi nadala sya dun sa ininom nyang mango juice nung isang araw. Maghapong hindi nakalabas ng condo ang dalaga dahil sa pangangati na akala nya ay hindi na mangyayari sa kanya.
"Gwapo naman!" Nagsmirk pa si Zeon sa kanya.
Sinimangutan naman sya ng dalaga, "mukhang aso? Gwapo?" ganti nya kay Zeon pagkatapos ay tumayo at lumipat sa kabilang dulo para magsaulo ng script nya.
Gusto sanang sundan ni Zeon ang magandang dalaga pero sawa na syang magmukhang tang@ kaya tiniis nya. Sinusulyapan na lang nya sya habang pilit naman syang kinakausap ni Sapphire. Alam nyang napikon nya ng sobra si Zoe pero wala syang magawa, nasabi na nya eh.
Nakita ni Zeon na lumapit ang dalaga kay Lance at may ibinulong. Pagkatapos ay sinamahan naman sya ng binata sa kung saan habang naka-akbay sa dalaga. "Flirt!" Nasabi nya habang nakatingin sa papalayong direction nina Zoe.
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...