MDH C50
A/N:
Kindly vote & comment please? Thanks to @BradyAubrey, @yeppeunme, @celinabadiang, @Arahcute, @ukissmeful, and @aleya05. Thanks sa mga naglike! Iyong mag naglilike, comment na rin po kayo to be recognized! Thanks!
_____________________________
C 50 PRESS CONFERENCE
"All questions will be answered by Zeon & Zoe. So to give chance to everyone, isa-isa lang po ang magtatanong. Thank you!" Panimula ni Ms. Sophia Lao, owner and general manager of LAO ENTERTAINMENT COMPANY.
"Sino ang kasama mo sa isang public resort sa Laguna, Zeon?" Reporter 1.
"I will disclose her identity soon." Seryosong sagot ni Zeon. Kasalukuyang nasa Dusit Hotel sila para sa presscon ng mga intriga. Para maprevent ang ambush interview. Nasa unahan si Ms. Sophia Lao, katabi si Zeon, then Zoe, and lastly Lance. Si Sapphire ay nasa audience seat.
"Bakit public pool ang pinuntahan ninyo?" Reporter 2.
"That resort is really memorable for me and my date." Sagot ni Zeon at sumulyap pa kay Zoe na nakatingin lang sa reporters.
"Sa picture na ito, parang si Zoe ang kasama mo. Ikaw ba ito, Zoe?" Reporter 3.
Sumulyap muna si Zoe kay Ms. Sophia. Nagdadalawang isip siya kung anong isasagot niya. "Ah.. Eh... It's not me. I was with Miss Sophia Lao when that incident happened." Napangiti si Lance sa sagot ni Zoe. Si Sophia naman ay tatango-tangong nakangiti rin sa isinagot niya. While si Zeon ay straight ang tingin sa unahan at poker-faced.
"Pero sa itsura ng girl na yakap ni Zeon eh mukhang ikaw ito." Reporter 4.
"She answered it already. Stop such redundant questions. Next please." Singit ni Lance.
"Zeon, ang akala ng madla eh you're dating Miss Sapphire Lao. Is it true"? Reporter 5
"Sapphire and I have this Manager-Talent relationship. No more, no less." Seryosong sagot ni Zeon. Nasaktan naman ng sobra si Sapphire sa narinig. After all her efforts eh si Zoe pa rin pala!
"Pero minsan nakikita kayo ni Miss Sapphire na tanging kayo lang magkasama." Follow-up ni Reporter 1.
"Swerte ng naging magkaibigan kami. Yun lang yun." si Zeon.
"To Zoe, is it true na you're presently dating you're manager, Lance Lao?" Reporter 6.
"No!" Simple pero diretsong sagot ng dalaga. Si Lance naman ay napatingin kay Zoe. Nasasaktan siya sa katotohanang muntik na nga silang maging more than friends, pero kinapos pa din.
"Is He courting you?" Reporter 7.
"Can I answer that? Yes I'm courting her." Singit ni Lance. Napalingon tuloy si Zeon sa kanya. Bakit siya pwedeng umamin na may interest sa dalaga? Samantalang siya, hindi?
"But I dumped him!" Malinaw at may justification na singit ni Zoe. Napangiti si Zeon. Ang mag-iinang Lao ay nanglaki ang mata.
"Is it because of Zeon?" Reporter 3.
"May feelings ka pa ba kay Zeon?" Reporter 2.
"Si Zeon ba ay may pag-asa?" Reporter 7.
Naihampas ni Ms. Sophia ang kamay sa mesa. Dahilan para matahimik ang lahat. "Isa-isa lang diba??" Inis na sabi ng Big Boss nila sa LAO ENTERTAINMENT.
"Dahil sa hindi pagsunod sa rules ng Big Boss namin, hindi sasagutin ni Zoe ang sabay-sabay na nakaraang question." Seryosong sabi ni Lance sa kanila.
"Zeon, may feelings ka pa ba kay Zoe?" Reporter 8.
Sumulyap siya kay Sapphire at umiling-iling ito sa kanya. Tumingin siya sa katabing Ms. Sophia at pinandilatan siya nito at plastic na ngumiti sa reporters. "Ah... You see..." Alanganing sagot niya.
"Let me rephrase that, may iba ka na bang nagugustuhan?" Reporter 8.
"Zoe, will forever be part of my life." Sagot ni Zeon habang nagkakatitigan sila ni Zoe. Kapag kaharap ang showbiz pips eh Zoe ang tawag niya kay Zyrah.
"So can you disclose the identity of your date at a certain resort in Laguna?" Reporter 6.
"No!" si Zeon.
"Bakit kailangang itago pa? Sino ba siya?" Reporter 7.
"I want to protect her identity and keep it private." si Zeon.
"Talaga bang playboy ang isang Zeon Franz Lee at hindi masabi kung sino siya?" Kulit ni Reporter 6.
Naririndi na si Zeon. Ang hirap magsinungaling! "Let's just respect his decision." Salo ni Ms. Sophia.
"Namataan dati si Zoe sa Pansol at sumakay sa kotse ng isang hindi maaninag na lalaki sa camera. Hindi naman si Mr. Lao. Bukod kay Mr. Lance, may iba ka pa bang dinedate?" Reporter 9.
"Walang ibang dinedate si Zoe. Baka kapatid niya yung bunso." Salo ni Lance. Hindi makasagot kasi si Zoe. Gusto na niyang magsabi ng totoo.
"Pero may kuha na nagkiss sila sa loob ng car. Kapatid ba yun?" Follow-up ni Reporter 9.
Nagkatinginan sina Zoe at Zeon. Iyong mga mata ni Zoe ay parang nahingi ng saklolo. Tumango naman ng marahan si Zeon. Tipong sabihin-na-natin-look.
"Baka hindi naman nagkiss, sabi nyo nga madilim." Sagot ni Lance.
"Pero sa tinginan ni Zeon, Zoe at Mr. Lance ay halatang may tinatago kayo sa reporters." Reporter 3.
Nagsara ang kamao ni Zeon. Gusto na niyang sabihin ang totoo.
"Bakit hindi ka makasagot, Zoe. Ibig ba sabihin ay may iba ka pang dinedate bukod kay Lance at sa natsi-chismis na si Zeon? I'm sure he's someone dear to you para ikiss sa lips." Reporter 4.
"Sabihin mo no comment." Bulong ni Lance sa kanya.
"Teka, hindi ganoon si Zoe." Si Zeon ang di makapigil na sumagot.
"Eh di may boyfriend ngang itinatago si Zoe? May asawa ba at hindi maamin?" Reporter 10.
Doon na napundi si Zoe. "The truth is...." Tumingin muna siya kay Sophia. Umiling ito sa kanya. Ganun din ang reaction ng pigil ang hiningang si Sapphire.
"Wag.." Bulong ni Lance. Iling lang ang isinagot niya.
"May asawa ba, Zoe?" Ulit ni Reporter 10.
Siniko siya ni Zeon at tumango. Ang lahat ay nagaabang ng sagot niya. "Can you repeat the unanswered question a while ago, Reporter 3, 2 and 7." Utos niya sa 3 reporters.
"Is it because of Zeon?" Reporter 3.
"May feelings ka pa ba kay Zeon?" Reporter 2.
"Si Zeon ba ay may pag-asa?" Reporter 7.
Isa-isang tanong ulit nila. Lance held her hand tight at napatingin siya sa kamay nitong nakakapit sa kanya. "I still love Zeon." at nagsipagflash ang mga camera. Nagkatitigan sila ni Zeon at ngumiti ito sa kanya.
"Ikaw ba talaga ang current gf niya?" Tanong ni Reporter 2 kay Zoe.
Hindi nila sinagot ang last question. "Reporter 1, can you repeat your first question?" si Zeon.
"Sino ang kasama mo sa isang public resort sa Laguna, Zeon?" Nagtatakang tanong ni Reporter 1 kung bakit pinaulit ni Zeon ang question.
"IT WAS.......... ZOE!!" Nagkagulo na ang mga reporters sa pagkuha at pagtatanong sa kanila.
"Damn!" Hindi mapigilang reaction ni Lance. Si Sophia naman ay naiiling na lamang sa inis.
"Ibig sabihin si Zoe ang gf mo?" Tanong ni Reporter 7. Maririnig ang bulong-bulungan dahil marahil sa magulong statement ni Zeon.
"Time is up. May shooting pa sila so magpapatawag na lang ulit kami ng presscon." Awat ni Sophia. Naiinis siya kasi hindi sumunod si Zeon sa plano nila.
"Wait."
"Hindi namin maintindihan."
"Tapos na agad?"
Iyan ang halos sabay-sabay na bulungan ng mga tao. Parang palengke sa ingay. "SILENCE!!" Sigaw ni Lance at tumigil na ang lahat. "We have a very important announcement. Ako na ang mag-ma-manage ng careers nila Zeon at Zoe. Kasi busy si Miss Sapphire Lao sa mga new talents." Pagtatakip ni Lance sa tunay na nangyayari. "So any concerns about their careers, just give me a ring. Thank you!" At nauna ng tumayo si Lance. Sumunod si Ms. Sophia pababa ng stage. Huli sina Zeon na inalalayan patayo si Zoe.
"LAST QUESTION...." Napalingon silang apat sa sumigaw. Si JP!! Nagulat ang magkasintahan kung bakit naandito siya.
Bumalik naman sa mic si Zoe kaya nahigit din pabalik ang nakaalalay sa siko niyang si Zeon, kahit na kinakawayan na siyang bumaba ni Lance. "Yes, JP?" Tanong ni Zeon. Tanda niya ang lalaking ito na tumulong noon sa kanila ni Zoe against sa mga foreign paparazzis.
Nagsipagbalikan tuloy ang mga reporter sa upuan nila. Ang iba ay nagbulungan. Syempre mga nagtataka kung anong ginagawa ng isang sikat na actor sa Pilipinas dito sa presscon ng dalawang international artists.
"Bakit kasama mo sa resort si Zoe, Zeon? At Zoe, sino ang napabalitang kumiss sayo sa loob ng kotse sa bandang Pansol?" Seryosong tanong ni JP. Natigilan sila kasi ano bang pinagtatatanong ni JP eh diba nga kasama nila ito sa Pansol noon?
Kumindat si JP kay Zoe. Unang nakabawi si Zeon. Umupo muli ito kaya napasunod si Zoe. "I'm not good at this..... The truth is...Zoe and I were at Pansol because it was our first monthsary!"
BOOM!
Parang bombang sumabog at lumakas ang bulungan ng mga reporters. Si Sophia ay napaupo na lang. Si Lance ay literal na napa-nga-nga sa pag-amin ni Zeon. Si Sapphire ay naiiyak na. Paano na ang career na inalagaan niya for Zeon?
"Monthsary? Meaning?" Nakangiting sabi ni JP.
"She's my present gf. She was and now she is and forever will be my girl!" Nakangiting sagot ni Zeon. Tulalang nakatitig sa kanya si Zoe. Nagaalala siya kung paano na ang fans? Tiyak na magagalit si Sophia.
"Zoe, sino ang kasama mo sa kotse?" Sigaw ni Reporter 9. Kinuha na kasi ng mga staff ang mic kanina kay JP at inimis na.
"Zeon. I will only kiss Zeon's lips until my last breath!" Confess ni Zoe.
Nagflash ang mga camera. Napasuntok sa mesa si Lance. 'Bakit sila umamin'? Ang tanong sa utak ng binata.
Pagkasabi noon ay nagkagulo na. Humawi ang body guards nila. Lumapit si JP sa stage at hinila na pababa si Zoe. Kumapit naman sa kabilang kamay ni Zoe si Zeon. Nagtulakan. Hindi makalapit si Lance at lalo na si Sapphire. Si Miss Sophia ay nauna na sa limo.
"Who are you? My potential ka pa naman pero bakit ka nakialam?" Galit na tanong ni Sophia kay JP. Pinasakay na rin kasi ni Zoe si JP since pagkakaguluhan ito dahil siya ang nagreveal o naging susi para mareveal ang totoo.
"Kaibigan nila, I guess." Sagot ni JP na katabi ni Zeon.
"Bakit niyo ito ginawa, maygad! Paano na next movie ninyo?" Galit na sermon ni Sophia sa kanila.
"Nalagay na sa di magandang akusa si Zoe tapos career pa ba intindihin ninyo?" Sagot ni Zeon habang umaandar na ang kotse.
"Idiretso mo sa office!" Utos ni Sophia sa driver. "Kayong dalawa sumama kayo!" Baling niya sa magkasintahan. "Ikaw, bumaba ka sa studio ninyo." Baling kay JP. Hindi naman kasi nila talent si JP. Ang handler ng binata ay isang maliit na independent company.
"Tita, can you please give us time to think it over?" Suggestion ni Zeon.
"Pumayag na po kayo, pagod na sila." Sabat ni JP.
"Sige. Tawagan na lang kayo ng secretary ko kung kelan natin pag-uusapan ang gulong ginawa ninyo. At patutunayan ko sa inyong mali ang desicion ninyo." Kumpyansang sagot ni Ms. Sophia.
Pinisil ni Zeon ang kamay ni Zoe at kiniss siya sa tuktok ng ulo. Alam ni Zoe na kung anuman ang gulong pinasok nila ay kaya nilang harapin dahil magkasama silang dalawa.
______________________________
A/N:
Please pa-LIKE ng fb page ko... " AngelMelay wattpad " search nyo. Thanks!
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...