C 12

4.6K 53 10
                                    

A/N:

Buti na lang nakadata ang kapatid ko. This is a hospital update... Hehe!

_______________________________________

NEW YORK, U.S.A :

Nakabalik na sa US si Zoe kasama si Lance. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Zeon nung nakaraang buwan ay balik na naman sa pagiging cold-hearted si Zoe. Paano ba naman kasi wala na talaga sa loob nyang magtiwala pa muli sa ibang lalaki maliban sa mga relatives nya at kay Lance. Ang pananaw nya ay nagpapaasa lamang ang mga lalaki. Biruin mong hindi man lang sya binigyan ng chance para makapagpaliwanag ni Zeon.

Nasa condo nya sya ngayon sa New York at nanunuod lang ng DVD kasama si Lance kasi wala naman syang work today.

"Zoe, gusto mo nitong cake na binake ko?" Tanong ni Lance sa kanya habang nanunuod sya ng DVD. One thing na nakakapag-paattract ng mga girls kay Lance bukod sa gwapo at mabait ito ay ang kakayanan nitong magluto.

"Hey..." Ulit ni Lance ng hindi man lang sya pinansin ni Zoe na nakaupo sa opposite side ng sofa.

Naiiling na lang si Lance na ibinaling ang paningin nya sa tv. Minsan gusto nya na ring batukan ang sarili nya kung bakit ganoon na lang sya kamartir pagdating kay Zoe. Medyo nabigla sya ng bigla itong magsalita. "Maybe later.." Sabi ni Zoe pero nakafocus pa din sa tv ang mga mata. Nanuod na lang ulit si Lance ng movie na palabas.

"You want popcorn?" Alok ni Lance sa kanya maya-maya.

"Sure..please?" Sagot nito na nakatingin pa din sa palabas. Agad namang tumayo si Lance at pumunta sa kusina para magluto ng microwaveable na popcorns. Natutuwa na rin si Lance kasi kahit paano ay napansin ni Zoe na naandoon pala sya.

Kinakain nila ang nilutong popcorn ni Lance ng makaramdam si Lance ng antok. Sumandal sya sa upuan at ipinikit ang mata.

Natapos na ang palabas ng mapatingin si Zoe sa gawi ni Lance. 'Bakit ba kasi ang tiyaga-tiyaga nitong taong ito sa akin eh?' Tanong ni Zoe sa sarili habang nakatitig kay Lance. Sa totoo lang, naaawa sya kay Lance kasi para syang shock absorber nya. Madalas ay ito ang napagbubuntunan nya ng kanyang init ng ulo. Ewan ba nya pero yoon ang hindi nya sinasadyang nagagawa kay Lance.

Tumayo sya at pinatay na ang tv at dvd ng mapansin nyang baka mangalay ang position nito sa itsura nitong nakakuba ng pagkakaupo habang nakasandal ang ulo a sandalan ng upuan. Naawa naman sya kaya kahit ambigat nito ay iniayos nya ito sa mahimbing na pagkakahiga sa sofa. Pumasok pa sya sa room nya para ikuha ito ng kumot at kinumutan nya ito at pagkatapos ay pumasok na sya sa kwarto nya.

KINABUKASAN:

Umaga na! Nag-inat si Lance at inilibot ang paningin nya kasi hindi naman ganito itsura ng bahay nila. Nagpalinga-linga sya at saka nya lang naaalala na nasa unit nga pala sya ni Zoe. Nagtaka si Lance kung bakit paggising nya ay may kumot na sya? Napangiti sya sa isiping kahit sobrang cold ni Zoe ay may soft spot pa rin ito sa puso nito.

"Good morning!" Bati nya sa dumaang si Zoe galing sa kwarto nito. Agad naman syang bumangon at itinupi ang kumot na kanyang ginamit kanina. Hindi naman ito sumagot bagamat huminto ito saglit sa harap nya ng binati nya at dumiretso na sa kitchen.

Sumunod naman sya sa kusina pagkatapos nyang magmumog at maghilamos sa cr. "Hey, what do you want for breakfast?" Tanong nya kay Zoe. Simula ng umuwi sila a month ago from Thailand ay naka-4 na tulog na sya dito sa bahay ni Zoe. Minsan ay ito mismo ang nagpapasama sa kanya paginaatake ng lungkot.

"Anything you want.." Sagot sa kanya ng dalaga na patuloy lang sa paghalo sa coffee na tinimpla nito.

Trip nyang maglambing sa dalaga kaya sinabihan nya ito ng, "painom naman ng coffee mo..."

Hindi naman ito sumagot pero inabot sa kanya yung cup of coffee. Humigop ng kaunti si Lance at ibinalik na kay Zoe yoong kape nito. Nakatitig lang sa kanya si Zoe. Sya ang hindi makatagal kaya nagbawi na sya ng tingin at humarap sa stove ng dalaga. "You wanna eat rice?" Tanong ni nya kay Zoe ng hindi na humarap pa sa dalaga.

"Don't bother to cook. I'll just eat this bread.. You like?" Alok sa kanya ni Zoe noong loaf of bread.

"No, thank you!" Sagot naman ni Lance. Kinuha nya yoong banana at ito ang kinain nya.

"Ok." Sagot ni Zoe habang nagpapalaman ng tinapay.

"By the way, you have a new movie project..." Sabi ni Lance kay Zoe kasi sya na rin ang tumatayong manager ng dalaga kaya alam nya ang mga projects nito.

"What is the genre?" Nakatingin na naman si Zoe sa kanya kaya parang naturunaw na ice cream na naman sya.

"Romance. ONE HELLO! ang title nung movie." (A/N: Plugging lang kasi yun po yung first story ever ko... AngelMelay.)

"What is my role?"

"You're the lead actress."

"Ah ok. Who is the male lead?" Tanong ni Zoe habang hinahati yoong tinapay na kinakain nya.

"Wala pa, naghahanap pa sila ng babagay sa role."

"Ah ok.."

"Zoe, may interview ka nga pala with the press people mamayang hapon sa New York Hotel."

"For what?"

"Para doon sa bagong cosmetic commercial mo."

"Ok."

"Tapos ka na bang kumain?"

"Yeah.. Just leave it there, ako na mag-aayos..." At ng akmang tatayo na sana si Zoe ay bigla syang napaupo ulit sapo ang kanyang ulo.

"Is there something wrong?" Nag-aalalang tanong ni Lance habang hinihimas ang ulo nya.

"Nothing." Sagot ni Zoe habang nakapikit.

"Anong nothing eh hindi ka nga makatayo?"

"Masakit na naman kasi ulo ko..." Sagot nya kay Lance.

Inalalayan sya ni Lance papuntang kwarto nya. Binuksan ang radio tapos tinulungan syang mahiga. Ang kaso paghiga ni Zoe eh bigay todo.....

BOOGGSSHHH....

Dug..

Dug...

Kapwa kumabog ang dibdib ng dalawa. Paano ba naman, naoutbalanced si Lance at nasa ibabaw sya ngayon ng nakahiga ng si Zoe at 5 inches away na lang ang pagitan nilang dalawa??

Napatitig si Lance sa mapupulang labi ni Zoe.

Dug..

Dug...

"Zoe....."

"Lance...."

Si Zoe naman eh nanatiling nakatingin kay Lance. She must admit na gwapo rin talaga ang kolokoy na ito.

Unti-unting lumalapit ang mukha ni Lance kay Zoe.

Palapit

Ng

Palapit...

At ng halos magkadikit na ang ilong nila ay nanlalaki na ang mata ni Zoe. 'Ohmaygad..hahalikan ako ni Lance..' Bulong ng utak nya. Nang pumikit na si Lance at malapit ng tawirin ang gahibla nilang distansya ay..

B-L-A-G!!!!

Itinulak ng mahina ni Zoe si Lance paalis sa ibabaw nya at naging dahilan para mawalan ito ng balanse at mahulog sa kama!

"Sorry!" Namumula ang pisngi ni Zoe at inilawit ang kamay sa kama at dinungaw si Lance para tulungang makaupo mula sa plakdang pagkakaupo.

'Muntik na ako dun ah?' Bulong ng utak nya..

____________________________________

A/N:

Vote and comment please.

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon