A/N:
Thank you sa halos 1% na lang na nagvovote. Sobrang panget na ba ng kwento at walang gustong mag-vote?? I need 25 VOTES or 20 COMMENTS para mag-update ako. Pag hindi na-reach, sorry guys, itigil na natin ito. Thank you! Yun lang...
_______________________________________( A/N: Play youtube video para mas feel. --- >>> )
"LANCEEEE!" Napabalikwas si Lance mula sa sofa bed sa sala ni Zoe. Nagulat siya sa sigaw nito.
Walang 10 segundo ay bigla itong lumabas ng room niya at dumamba ng yakap sa kanya. "Hush..hush... Naandito lang ako." Alo ni Lance sa sabog ang luhang si Zoe.
One week nang ganito ang dalaga. Tulala! Hindi makatulog ng ayos, makakain kung hindi niya subuan, hindi makausap ng ayos, laging tulala at biglang iiyak.
At sa isang linggong iyon, dito muna sya nag-iis-stay sa condo ng dalaga katabi ng kanya. Kapag kukuha nga siya ng damit o gamit sa condo niya ay hindi pumapayag ang dalaga na hindi siya kasama. Kulang na lang pati sa restroom ay sumama ito."Lance baka bumalik siya....huhuhu!" Iyak ni Zoe na nanginginig pa ang buong katawan!
"Basta't naandito ako, hindi ka niya masasaktan, hindi ba?" Sabi ni Lance na hinahaplos.pa ang likod ng lumuluhang dalaga.
"Pero Lance..." Hindi natapos ang sasabihin ni Zoe.
"You trust me, right?" Tanong ni Lance habang hawak ang dalaga sa magkabilang balikat at nakatitig sa mata ni Zoe. Tumango naman si Zoe at yumakap na muli kay Lance.
"Samahan mo ako sa room ko, parang awa mo na." Pakiusap ng dalaga.
"Sige." Inakay na niya si Zoe papasok ng room nito. Kumuha siya ng extra comforter at inilatag sa sahig.
"Lance." Mahinang tawag ni Zoe habang nasa kama ito at siya ay nasa sahig nakahiga.
Bumangon si Lance at umupo sa tabi ni Zoe. "Sige matulog ka na. Naandito lang ako." Mahinang sabi ni Lance.
Kinuha naman ni Zoe ang kanang kamay ni Lance. Inipit sa pagitan ng kanyang mga palad at tumagilid paharap sa nakaupong si Lance. Pumikit na ang dalaga.
Hinaplos naman ng kaliwang kamay ni Lance ang buhok ng dalaga. Tinitigan ang mukha nitong halatang balisa. "Hindi ka na nila masasaktan. Sisiguraduhin kong wala ng gagalaw pa sa iyo." Awang-awang sabi ni Lance sa dalagang payapa ng natutulog.
FLASHBACK**
Tinadyakan ni Lance ang pinto ng condo ni Daniel. Nang hindi ito mabuksan ay pumunta siya sa fire exit at binagtas ang makipot na daan papunta sa likod ng mga condo.
Tumalon siya sa terrace ng condo ni Daniel. Dumaan sa backdoor. "HEEEELLLLPPPP!" Ubod lakas ng sigaw ni Zoe galing sa kwarto ni Daniel.
"Why you...." At sinuntok ni Lance si Daniel. Gumanti naman ito. Galit na galit si Lance!
Mabuti na lamang at napa-aga pa siya. Naabutan niyang nakatali sa kama ang paa at kamay ni Zoe. Putok ang labi nito. May bakas ng sampal sa pisngi. May blackeye sa mukha. Br@ at punit na dress na lang ang suot. Ang bikini ay muntik ng maibaba.
Habang si Daniel eh naka boxer na lang at nakakubabaw kay Zoeng maga ang mata kaiiyak.
"LANCE HELP!" Sigaw nito. Sound proof kasi ang kwarto sa condo nito kaya hindi rinig noong nasa labas ka ng condo. Kapag nasa loob ka naman na ng unit ay medyo mahina ang sigaw.
"FCK U! I TRUSTED YOU, SON OF A B!TCH!!" At sinuntok ng sinuntok ni Lance.
"SHE AGREED TO JOIN ME HERE AND HAVE SOME FUN, MORON!!" Ganting sigaw ni Daniel habang siya naman ang nakakatama ng suntok kay Lance.
"RAPIST!!" Sigaw ni Zoe kay Daniel habang pilit itong kumakawala sa tali. "LIER.... MANIAC... PERVERT!!" Dagdag pa nito.
Suntukan ang dalawa. At dahil mas malaki ang katawan ni Daniel ay naibabawan nito si Lance at pinagsusuntok. Nang matanaw ni Lance ang isang malaking flower vase ay tinadyakan nito sa bay@g si Daniel. Tumayo. Hahampasin na sana ng vase sa ulo si Daniel ng.....
"POLICE. DON'T MOVE! PUT YOUR HANDS UP!" Sigaw ng mga police na nakapasok na pala. Pinosasan si Daniel dahil itinuro ito ng receptionist kanina. Agad namang hinubad ni Lance ang jacket at itinakip sa nakabuyangyang na katawan ni Zoe.
Tinanggal nila ng mga police ang gapos ng dalaga. Binalot ni Lance ng kumot ang kabuuan ni Zoe. Ibinalabal niya ang jacket niya at ikinuha ng isang boxer ni Daniel. Isinakay sila sa ambulansya ng makalabas ng building.
Umandergo ng medical si Zoe. Mabuti na lamang at bukod sa ilang sugat at pasa ay wala namang nakita sa x-ray.
Ginamot sa hospital ang mga sugat nila at pagkatapos ay pinauwi na rin sila. Nagbilin si Lance sa staff at mga pulis na huwag ng ilalabas ang bagay na ito. Confidential na lang.
Si Daniel naman ay kinasuhan nila at ngayon ay nabubulok sa kulungan. Talong-talo ito sa kaso dahil huli ito sa akto.
Alam ng mga Lao ang nangyari. Pero ayon sa request ni Zoe ay hindi na pinaalam sa pamilya niya sa Pinas.
END OF FLASHBACK**
Pinahid ni Lance ang natuyong luha ng tulog na si Zoe. Pati siya na naiiyak sa awa sa dalaga. Sobrang trauma ang inabot nito sa nangyari. Kaya naman ni sa hinagap ay hindi niya kayang iwanan ang dalaga. Alam niyang sa kanya lang ito kumukuha ng lakas at nagtitiwala.
"I will never leave you. I will only leave your side if you tell me." Sabi niya sa mahimbing na dalaga. Hinalikan niya ito sa noo at kinumutan. Pumwesto na muli sa higaan niya sa lapag.
**
"Why is Lance always calling you?" Hindi nakatiis na tanong ni Zeon ng matapos magusap sa celfone ang dalawa.. "Something wrong?" Dagdag pa nito. Isang linggo na niyang napapansin na 2x a day or more eh laging kausap ni Sapphire si Lance sa telepono. Isang bagay na dati hindi naman nito ginagawa sa halos 8 taon niyang pagkakakilala sa magkapatid na Lao.
"Family matters." Simpleng sagot ni Sap.
"I see. So how's his talent?" Nagulat si Sap sa tanong ng binata. His Talent... Ang tinutukoy ay si Zoe.
"Ahh... Eh.... She's fine. Busy daw sa shows." Nauutal pang sagot ni Sap. Wala siyang balak ipaalam kay Zeon ang nangyari. Ayaw niyang magulo pa lalo ang magulo nitong utak. Lalo na't hindi pa ito nakakalimot kay Zoe.
"Good." Walang anumang sagot ng binata at bumalik na sa shooting.
"Paano na kapag nalaman mo ang sinapit ni Zoe?" Sabi ni Sapphire. Hindi naman siya dinig ni Zeon kasi nasa pwesto na ito at nag-su-shoot na sila ulit.
Kumuha ng panyo si Sap at pinhid ang luha. Hindi niya mapigilang huwag maiyak. Babae rin siya, at alam niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ni Zoe.
"Hindi mo kailangang malaman ang totoo." Sabi niyang nakatingin sa nag-su-shooting na si Zeon.
____________________________________
A/N:
25 votes
Or
20 comments = UPDATE.
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...