Chapter 14
Umiinom sa bar si Zeon. Tinakasan nya si Sapphire na kasalukuyang nagbibihis para sumama sana sa kanya. Iniwan nya kasi gusto nyang mapag-isa at gusto nya ng peace of mind. Ang kaso pagtingin nya sa table na katabi ng kinauupuan nya ay ang mag-boyfriend na Zoe at Lance ang nakita nya!
'Whew! Katahimikan.. Paano ako magkakaroon ng katahimikan nito?' tanong nya sa kanyang sarili.
Nakita naman sya ni Lance kaya kinawayan syang maki-join sa mesa nila. 'Pagminamalas ka nga naman!' sa loob-loob nya pero dapat maipakita nyang hindi sya apektado kaya lumapit na rin sya at umupo sa tapat ni Zoe.
"Bakit nag-iisa ka?" tanong sa kanya ni Lance. Inabot naman sa kanya ni Lance ang isang bote ng beer at tinanggap nya. Gusto nya naman talagang magpakalasing diba?
"Nagbibihis pa si Sap.." sagot nya kay Lance. "You wanna drink?" Tanong nya kay Zoe at inialok nya yung beer na nainuman na nya.
"Tss!" Tinapunan lang sya ng tingin at bumalik na sa pag-fuFRUIT NINJA sa Ipad nito.
"Kumusta byahe?" Tanong ulit ni Lance sa kanya pagkatapos nilang mag-cheers na dalawa.
"Tiring." Sagot ni Zeon kay Lance. At nagpatuloy na sa pagtungga.
"You wanna order something?" Tanong naman ni Lance sa katabi nyang si Zoe.
"Juice" sagot ni Zoe habang patuloy sa paglalaro.
"Mango juice?" Tanong ni Lance sa kanya na hindi na nya nasagot.
Hindi nakasagot si Zoe kasi si Zeon sumingit. "Allergic sya sa mango, nangangati sya at binubungang-araw."
"Ganoon ba, Zoe?" Balik tanong ni Lance kay Zoe.
"Mango juice please.." sagot ni Zoe na sumulyap at sinimangutan pa si Zeon.
"Are you sure??" Paninigurado ni Lance kasi sabi ni Zeon allergic daw ang dalaga sa mangga.
"Yeah!" Tumango naman at sumagot si Zoe. Si Zeon naman ay parang napahiya. Naiinis sya sa sarili nya at hindi nya napigilang sumabat kanina.
Nakailang bote na sina Lance at Zeon habang si Zoe ay Temple Run na ang nilalaro ng dumating si Sap.
"Hon, bakit mo ko iniwan?" Tumabi sa kinauupuan nya si Sap.
"By the way, guys, this is Daniel. He was a classmate of Lance during their highschool days. Daniel, this is Zoe and Zeon." Pagpapakilala ni Sap sa gwapong binata sa likod nito na hindi agad nila napansin. Nakipag-kamay naman si Zeon.
"Pare, why are you here?" Tanong ni Lance sabay kamay.
"I'll be a co-producer of Zoe's movie.." paliwanag ni Daniel.
"You know her?" tanong ni Sap.
"Yeah. Right Zoe?" baling ni Daniel kay Zoe. Si Zoe naman ay itinigil na ang paglalaro at tumango kay Daniel. "So you're my friend's girl now huh?" Dagdag na tanong nito kay Zoe.
Inakbayan naman sya ni Lance. "Yes. So please don't hit on her!" Inis na sagot nya kay Daniel. Si Zoe naman ay deadma lang na umiinom ng 2nd glass ng Mango juice nya. Si Zeon ay nagpipilit na maging deadma ang reaction. Si Sapphire naman ay napansin agad na tipo ni Daniel ang gf ng kapatid nya. Sayang kung sya na lang sana ang tipo nito. Crush kasi ni Sap si Daniel noon pang bata pa sila.
Nagsayawan na ang mga tao sa gitna. Niyaya ni Daniel si Zoe pero tumanggi ito kaya si Sap na lang ang nagvolunteer. Sumayaw naman ang dalawa habang si Lance at Zeon ay patuloy sa pagtagay.
After ilang kanta ay hindi na umupo sina Daniel at walang sawang sumayaw ang dalawa ni Sap. Si Lance naman ay tumungo na sa mesa kasi lasing na.
"Ui, Lance, inom pa tayo." Pilit na ginigising ni Zeon ang tulog na sa mesang si Lance.
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomansaThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...