A/N:
Sorry for the very late update nabalian kasi Mom ko at paoopera namin pagstable na diabetes nya.. Sorry! Please pray for my Mom.. Thank you!
_______________________________________
Umikot si Zoe paharap kay Zeon na nakayakap sa bewang nya. "I'm sorry, late ka na eh.." sagot ni Zoe sa kanya.
Binitawan na sya ni Zeon at napayuko na lang ang binata. "Ganoon ba?......... Sige, upo na tayo." Sabi ni Zeon at umupo na sila sa lugar nila.
Si Zoe naman ay parang nakonsensya sa nasabi nya kaya hindi sya makapagconcentrae sa program. Napatayo na lang silang magkakasama ng tawagin si Zeon bilang BEST MALE PERFORMER OF THE YEAR. Tumayo ito at bineso ng nakangiting sina Sapphire at Maam Sophia, kinamayan ni Lance, at nung sya na eh binigyan sya nito ng isang matipid na ngiti. Hindi malaman ni Zoe kung bakit niyakap nya si Zeon kaya nagflash ang mga camera sa kanila.
Hindi niya malaman kung dahil guilty sya or talaga lang natutuwa sya para kay Zeon pero napayakap na rin sya. Pumalakpak sila habang umakyat ng stage si Zeon. Napakagwapo talaga ni Zeon sa stage hindi maikakaila ni Zoe yun.
"Thank you for giving me this award. I would like to share this award to my family and fans. And most of all, I would like to share this to the only woman special in my life......." Medyo nagbulungan ang mga fans sa upper box ng theater na yun kaya huminto sya saglit at itinaas ang kanang kamay bilang senyas na wag maingay. "Zy, I would not be here if you didn't forced me to join the auditions 8 years ago.. I love you!" Sabay kaway sa fans. hindi malaman tuloy ni Zoe kung para sa kanya or para sa fans yung I love you nya... Then bumaba na sya ng stage. Madaming nakipagkamay sa kanya at nag-congratulate.
Pagdating ni Zeon sa upuan nila eh niyapos sya ni Tita Sophia nila, kinamayan ni Lance, at aakap na rin sana si Zoe para icongratulate sya, kaso nung akmang itinaas na ni Zoe ang mga braso nya...
BOOM!
Bigla na lang may tumapik sa opposite side niya at niyakap sya ni Sapphire. Dahil sa ginawa ni Sapphire ay nagsalubong ang kilay ni Zeon at sumulyap sa nakatingin na rin sa kanyang si Zoe. "Next time don't do that!" Mahinang bulong ni Zeon kay Sapphire. Naiinis si Zeon kasi dahil sa ginawa ni Sap ay nawala ang pagkakataon sana niya na yakapin ulit ang ubod ng mooding si Zoe.
"No! I will hug you whenever I want to!" may diing sagot sa kanya ni Sap.
"What are you trying to prove to the other people?" Naiirita ng bulong ni Zeon kay Sap na nakangisi pa kay Zeon.
"Nothing.. I just feel like hugging you. You must thank me, at least I didn't kiss you." Nabwisit na si Zeon kaya hindi na sya nagsalita pa. Umupo na sa upuan nya si Zeon at pilit na ibinaling ang attention nya sa program.
"You look good together." Napabaling si Zeon kay Zoe dahil sa sinabi nya. Nagtitigan sila at parang nagsusukatan ng tingin.
"Of course not! It is the two of us that look good together." Sinasabi ni Zeon habang nakatitig sa mga mata ni Zoe.
Unang nagbawi si Zoe ng tingin at sinabing, "don't flirt with me, it's not working." Nakataas pa ang isang kilay ni Zoe ng sinabi nya iyon kay Zeon.
Si Zeon naman ay hindi nagustuhan ang binitawang salita ni Zoe. Nasaktan sya pero di nya pinahalata. Pinilit nyang magpanggap na parang walang narinig at pinilit na ngitian na lang si Zoe.
Napatayo sila mula sa kinaupuan ng iannounce ang BEST FEMALE PERFORMER OF THE YEAR na walang iba kundi si Zoe!
Tuwang-tuwa si Ms. Sophia dahil parehas panalo ang dalawang alaga nya. "We will celebrate later!" ang masayang nasabi ni Sophia Lao sa kanyang mga kasama.
Umakyat si Zoe sa stage pagkatapos kamayan ng mga kasamahan nyang singers from different recording companies. "Thank you very much for this award. I would like to thank my family, friends and fans. I would like to share this to my special friend...." Tumingala si Zoe at tinaas ang trophy. "Kurt, wherever you are... I hope your happy! Thank you!" Kumaway sya sa mga tao especially sa fans nya at bumaba na ng stage.
Sinalubong sya ni Zeon sa paanan ng stage. Nagtitigan sila at niyakap sya ni Zeon sabay sabing, "Kurt is happy for you... Please move-on and give yourself a break. He will surely be sad in Heaven upon seeing you like this.."
"In time I know I will be able to move-on.." Tuwang-tuwa si Zeon kasi nakita nya rin ang isang magandang ngiti sa mukha ni Zoe. Inescortan na sya sa lugar nila at niyakap sya ng mga kasama nya.
Natapos na ang awards night at naglalabasan na sila isa-isa. Madaming fans ang nagpapicture sa kanila ni Zeon nung nasa lobby na sila. Nagkahiwalay sila kasi kanya-kanyang dumog ang fans. Si Sap ang kasama ni Zeon, at sya naman si Lance at Ms. Sophia ang kasama nya.
Tumulong na ang mga guards para makalabas sila ng ballroom na yun. May itinuro sa kanilang secret passage. Pagdating sa back gate ay pumasok na sa unang limousine si Miss Sophia at inalalayan na ni Lance si Zoe para makapasok pero....
Biglang hinila sya ni Zeon sa kabilang limousine na nasa unahan at ng makasakay sya ay biglang sumakay din si Zeon sa tabi nya at inutusan ang driver na paandarin na. Ang kaso alert si Sap na nakasakay na pala sa kabilang pinto. Nilingon ni Zoe ang mga kasama nya at kitang-kita nya ang pagkagulat ni Lance na dapat sana ay kasama nya sa kabilang sasakyan papunta sa resto.
Umandar na at nakasunod sa kanila yung sasakyan na kinalululanan nina Lance at Ms. Sophia.
"Hey, bakit ba dito mo ako pinasakay?" Tanong ng nabubwisit na si Zoe pero hindi sumagot si Zeon.
"Oo nga. Dapat dun sya sa kabila kasama nina Mama ah.." dagdag pa ni Sap. Hindi sumagot si Zeon.
Huminto ang sasakyan nila sa intersection kasi red light. May nakita si Zeon na taxi na walang laman sa tabi ng limo nila. Binuksan nya ang pinto at hinila si Zoe palabas. Dahil hindi prepared si Zoe ay napababa na rin sya at lumipat sila sa taxi. Bumaba si Sap at nalilito sa ginawa ni Zeon pero sumakay din agad dahil naggreen light na. "ZEONNN..." Sigaw ng pahabol na sana sa kanilang si Sap.
"Turn right please and drive faster." Utos ni Zeon.
"Saan tayo pupunta?" Nakakunot ang noong sabi ni Zoe. Kasi dapat diretso lang sila kasi sa deretsong daan pumunta ang dalawang limo.
"I just wanna talk to you at masolo ka."
"Teka, teka, paano sila?" Ang naguguluhang sabi ni Zoe pero bago makasagot si Zeon ay nagring ang fone nito.
RING.. RING..
Sapphire Calling...
"Hello?"
<"Where do you think the two of you are going??"> Galit na tanong ni Sap sa kabilang linya.
"May daanan lang kami. Sunod na lang kami sa venue." Sagot ni Zeon sa kabilang linya at ini-off na ang cp nya.
"Where's your fone?" Baling nya kay Zoe at kinuha naman ni Zoe ang fone nya. Inabot ito ni Zeon at pinatay then inilagay sa sarili nyang bulsa.
"Hey fone ko yan..." Pilit kinukuha ni Zoe ang fone nya.
"I'll just borrow your fone for few minutes. We don't need any distractions.." Confident sna sagot sa galit ng si Zoe.
"Anu bang kabaliwan ito Zeon??" Pikon na si Zoe.
"Zyrah, I just wanna be with you alone kasi baka matagal na ulit tayong magkita pagkatapos nito.."
dug..
dug..
Hala! Tumahimik na lang si Zoe. Bakit ganoon sa mahabang panahon, ito na naman ang familiar na pagdagundong ng puso nya..
Parang may nababago sa kanya...
'Saan kaya ako dadalhin ng unggoy na ito.' Ang tanong na nasa utak ni Zoe. Pero hindi naman sya natatakot na sumama kay Zeon kasi kilala nya naman ito bilang mabuting tao.
Abangan..
_________________________________
A/N:
Please vote and comment. Saan kaya sila pupunta? Abangan.
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...