C 45

3.5K 49 4
                                    



A/N:






Thanks to my beloved readers na patuloy na sumusuporta, bumoboto at nagkokomentaryo! Maraming thank you! 😊



_____________________________________







CHAPTER 45 PAPARAZZI







Nagkagulo na nga ang mga paparazzi sa kanila. Kung bakit naman kasi ang lakas ng pang-amoy ng mga ito?!?








Hindi malaman ni Zeon kung paano ang gagawin ngayong napapalibutan na sila ng mga reporter at flash ng mga camera. Basta ang alam nya lang. kailangan niyang protektahan si Zoe. Yapos yapos siya ni Zeon ng mahigpit at itinatago sa dibdib niya. Habang itinatakip ang kabilang kamay sa mukha niya para hindi makunan ng Camera.










"Zeon, who is she?"









"Is that Miss Zoe?"








"Why are you here in this public resort?"








"Do you have someone else with the two of you?"








"How long are you dating?"









"What about Miss Sapphire Lao? Are you still dating her?"









Sunod-sunod na tanong ng mga reporter. Ang tanging nagawa ni Zeon ay yumuko habang yapos si Zoe!








PANIC NA TALAGA SIYA!










Hindi naman siya natatakot na aminin ang tungkol sa kanila ni Zoe dahil mahal na mahal niya naman ito. Ang problema lang ay hindi pa alam ng mga Manager nila. Hindi pa alam ng may-ari ng company na carrier nila. Tiyak na magagalit ang mga namamahala sa mga career nila na naglihim sila. Tiyak na malaking gulo ito! Hindi nila alam kung may masisira bang kontrata ang relasyong ito!









"ZEON... ZEON..." Tawag sa kanya ng mga reporter. Hindi magka-mayaw ang mga ito sa pagtatapat sa kanya ng mics, tape recorders, cellfones, iPad, atbp. Ang lahat ay nagnanais na makakuha ng intrview at scoop mula sa kanya/ kanila.









"Hush, Baby.." Bulong niya sa tenga ni Zoe. Ramadam kasi ni Zeon ang mahigpit na pagkapit ng dalaga sa shirt na suot niya at ang hindi maitatagong panginginig nito. Hindi kasi sanay rin si Zoe sa mga ganitong ambush interview na wala man lang bodyguard na hahawi ng mga tao sa kanya.









At dahil sa panimula ng mga reporter, ang mga taga kabilang resort na mga customers ay nagtakbuhan din papunta sa resort kung nasaan sila. Ang mga taong nakakahalubilo nila ng simple kanina ay nakigulo na din.










"I am suffocated." Bulong ni Zoe sa binata. Parehas na silang hindi makahinga sa dami ng taong nagkakagulo sa kanila. "Araayy.." Daing ni Zoe. Paano ba naman may humila ng buhok niya?!?










"Hey, Let go!" At tinabig ni Zeon ang mga kamay na humihila, kumukurot, at kumakapit kay Zoe para lang makita ang mukha ng misteryosong babaeng yakap niya ngayon!









Kahit ang mga resort staff na naawa na at nakikihawi na sa tao ay hindi na kayang controlin ang crowd. Masaya sana ang may-ari ng resort dahil first time ba namang umabot ang kita nila ng Php 25,000 sa kalahating araw, dahil sa mga taong gusto silang makausap at makita sa personal, pero hindi maipag-kakailang concern ang mga ito sa kanilang 2 sikat na mga bisita.








Butil-butil na ang pawis ni Zeon! Hindi siya makagalaw sa dami ng tao! Nagulat siya ng may tumapik sa balikat niya. Siniko niya iyon ng hindi nakikita kung sino. Paano ba naman nakasubsob nga sya sa buhok ni Zoe?!















"Zeon, si JC ito!" At noon lang siya nag-angat ng tingin.











"Pare, tulungan mo kami." Pakiusap niya kay JC.











"JAYY-SEEEE!!" Sigaw ng mga tao. Kilala rin naman kahit paano si JC.











Hindi naman iyon pinansin ni JC. Mabuti na lamang at naka-jacket siya! Hinubad niya iyon at ibinalabal sa ulo ni Zoe. Hindi na niya itinago si Zeon kasi kilala naman ito ng mga tao dahil kanina pa rin naman nakita na siya nga iyon. Mabuti na lamang at mas matangkad siya kay Zoe kaya tagong-tago ito sa dibdib niya.









May biglang nagbukas ng payong sa tagiliran niya at may nagbalabal sa kanya ng tuwalya. Pagtingin niya ay si Drew! 'Bakit ba sila naandito?' Tanong ng utak ni Zeon pero hindi na niya binigyan ng pansin. Ang gusto niya lang ay makalabas dito.











"DREWWWWW!!" Sigaw muli ng mga tao.











"Akin na siya. Ako ang bahala." Sabi ni JC kay Zeon na kinukuha si Zoe sa pagkakasubsob sa kanya.









"Ako na ang maglalayo sa kanya." Suggestion ni Drew. "Ahh sht!" Paano ba naman nabali na ang payong sa paghawi ng mga tao.









Napaisip si Zeon kung kanino niya muna paaalalayan si Zoe.











"Bring her to cottage D." Sabi niya sabay abot kay JC ng nakayapos sa kanyang si Zoe. Medyo kumunot ang noo ni Drew at hindi sa kanya ibinigay si Zoe.









Ibinalabal namang mabuti ni JC ang jacket sa mukha ni Zoe. Inakbayan si Zoe para i-guide sa paglakad at hindi matalapid dahil nasa loob ng jacket ang buong mukha ng dalaga. "Drew, lansihin mo sila."









Nang yakapin ni JC si Zoe ay parang may konting kaba na kumabog sa dibdib niya. Posible kayang gusto niya na si Zoe? Ilang na ilang sa sitwasyon. Parang hindi siya mapakali na ang kapit niyang dalaga ay napakabango sa pang-amoy niya. Ang maliit at sexy nitong katawan na ngayon ay malapit sa kanya. 'Ah.. I think I'm beginning to like Zoe' realization ng binata.









Si Drew naman ay masama man ang loob ay tumango na rin. Gusto niya kasi talaga si Zoe noon pa mang hindi hindi pa niya ito kilala ng personal. So para sa dalaga gagawin niya ito. "Hey everyone. I have an important announcement. We have a fashion show tonight...." Hindi na pinakinggan nina Zeon ang sinasabi ni Drew.









At dahil nakuha ng mga tao ang attention ni Drew, hindi nila napansin na nakatakas na si JC, Zeon, at Zyrah. "Thank you so much." Sabi ni Zeon sabay salampak sa couch. Nasa loob na sila ng cottage na inarkila nila.











"I'm just returning the favor." Tukoy ni JC sa nangyari noong hinuli ng dalawa si Sarah. At hindi naman sila nagkamali na tinulungn nila si JC.











Hinubad na ni Zoe ang jacket sa ulo niya at ibinalik na kay JC. "Paano ninyo nalamang naandito kami?" Tanong ni Zoe kay JC.









"Syempre sikat kayo eh." si JC.









"Mabuti na lamang at ini-upload agad ng taga kuha ng ticket ang picture ninyo kaninang umaga. Pinost pa sa youtube at facebook. Kaya natagpuan namin kayo." Ang sabi ni Drew na nasa likod pala ni Zeon.











"ANNO?? INUPLOAD NILA??" Gulat na sabi ni Zeon. Medyo nadisappoint si Zeon sa nalaman, dahil sa wala talagang privacy ang mga katulad nilang artista.











"Oo. Napaka-careless na mga tao. Kaya tuloy natagpuan kayo." Sagot ni JC habang sumisilip sa bintanang bahagyang nakabukas kung nag-alisan na ba ang mga tao sa labas. May dumating na rin kasing mga baranggay na naki taboy sa mga tao. "Mabuti na lamang at aksidenteng makita ko si Drew sa may bilihan ng mga prutas kanina." Dagdag ni JC.









"Oo bibili sana ako ng prutas na pasalubong sa family ko." Si Drew.









"Nasaan nga pala si Sarah?" Tanong ni JC. Napansin ni Zoe na bakas pa din ang kalungkutan sa mukha ng binata sa pagbanggit ng pangalan ni Sarah.









"Ewan ko doon.Naghiwalay na kami kaninang umaga dahil sa matinding pagtatalo." si Drew.









"Agad-agad? Bakit naman ganoon?" Concern na concern si JC.









"Maybe we're not meant to be." At kumindat ito ng mapatingin si Zoe sa kanya.









Si Zoe naman ay parang kinilabutan sa inasal ni Drew. Parang may nababasa siyang panganib sa mga titig nito sa kanya. Pero iwinaksi niya rin iyon sa kanyang isipan. 'Hindi naman siguro kasi tinulungan niya naman kami kanina.' Pagkumbinsi niya sa sarili.









"Ganoon ng ata talaga." Napatungo na lamang si JC sa naisip na bakit kaya lahat ng maustuhan niya ay hindi mapasa kanya?











"Naku Baby, paano na ito?" Kinakabahang tanong ni Zoe na nakaupo sa tabi ni Zeon.









"Kayo na ba?" Tanong ni Drew. Akala ba niya, magkaibigan lang ang dalawang ito?? Bakit Baby ang tawag ni Zoe ngayon? Hindi talaga niya makuha! Gusto pa naman niya si Zoe.











"O-oo, kanina lang!" Sagot ng nauutal na si Zeon. Kailangan niyang ideny kasi malalaman ni Drew na scripted o acting lang yoong kaninang umaga.











"Sayang naman hindi na pala ako makakalapit kay Zoe." Ayan na naman si Drew. Dumadamoves na naman at naiinis si Zeon kaya tiningnan niya ito ng masama. Samantalang si Drew ay nag-iisip na 'mapapaibig din kita Del Fierro.'









"Teka.. teka... Baby, paano na ito kapag nalaman ni Miss Sophia?" Kinakabahang tanong ni Zoe kay Zeon.











"Let it be." Confident na sagot ni Zeon. "Kesa naman our career is good, but we're not together." Dagdag pa ng binata.











"Oh thank you so much, Baby!" At niyakap ni Zoe si Zeon. Natutuwa siya na handang harapin ng bf niya ang kahit na ano kapalit ng pag-iibigan nila.









Nang mapatingin si Zeon sa gawi ni Drew ay napansin niyang seryoso mukha nito. Parang may nababakas siyang inggit sa mga mata nito. Ngumiti si Drew ng pilit ng makitang napatingin si Zeon sa kanya. Nang si Zoe naman ay mapatingin kay JC ay nakabakas siya ng lungkot sa binata. Bumaba ito ng tingin ng magtama ang paningin nilang dalawa.











"Thank you to the both of you!" Ang pagpapasalamat na sabi ni Zeon.





__________________________________________





A/N:





VOTE & COMMENT. May bago na namang balakid sa relasyon ng dalawa. Samahan natin si Zoe at Zeon na patuloy na harapin ang mga problemang ito.

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon