A/N:
Please vote and comment po..
________________________________________
ENGLAND:
Sinusukatan si Zeon ng suit nyang isusuot sa ASIAN AWARDS for Singers. Pinasukatan sya ni Sapphire para sa nasabing awards night.
"Anong color ang gusto mo?" Tanong ni Sap kay Zeon habang sinusukatan pa rin ang gwapong binata.
"It's up to you." Ang walang kagana-ganang sagot ni Zeon. Naiinip na kasi sya at gusto na nyang umuwi.
Nagdecide na si Sapphire ng kulay para kay Zeon at pagkatapos ay inihatid na nya si Zeon dito sa bahay na nabili ng Modelo sa England.
"Matulog ka ng maaga at bukas ay tawagan na lang kita kung may lakad tayo." Bilin sa kanya ni Sap bago magmaniobra paalis at sya naman ay pumasok na sa bahay nya.
Pagdating nya ay nagbukas sya ng laptop nya at nakita nyang ang daming friend request. Sa news feed nya naman ay puro tungkol kay Zyrah ang nabasa nya. It's been 7 years pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nya malimutan ang tanging babaeng nagpatibok ng puso nya. Kung sana ay binigyan sya ng chance noon ni Zyrah para ipaliwanag ng ayos ang side nya ay siguro hindi sila magkakahiwalay ng ganito.
Miss na miss nya na si Zyrah. Mabuti na lamang at hindi sya nito tinatanggal sa friends list sa fb ng dalaga. At least kahit paano ay nakakabalita sya sa mga nangyayari sa buhay ni Zy. Alam nyang sobra ang galit sa kanya ni Zy.
Napatulo ang kanyang luha ng maalala nya ang eulogy ng pinakamamahal nya sa libing ng Kuya nya. Close naman sila ni Kurt ng nabubuhay pa ito. Parehas nga lang silang lalaki kaya hindi sila gaanong ka-expressive sa nararamdaman nila sa isa't-isa. Pero alam nila sa mga sarili nila na mahal nila ang bawat isa lalo na noong hindi pa isinisilang si Angel. Si Angel na bunsong kapatid nila na hindi nalaman pa ni Kurt na dadating pala sa pamilya nila.
Isinilang si Angel matapos ang halos pagkababang luksa nila isang taon matapos mawala si Kuya nya. Kaya ngayon ay sobra-sobra na ang pahahalaga niya sa isang kapatid kasi ayaw na nyang maranasan ang dating lungkot na naranasan nya.
Naputol ang pagmuni-muni nya ng mag-ring ang cp nya.
Ring..
Ring..
Calling Angel Kurtie...
"Oh Angel?" Sagot nya sa kabilang linya dahil sigurado naman syang si Angel yun dahil nag-appear ang pangalan ng bunso nyang kapatid sa caller i.d.
<"Hello Kuya, I miss you!"> Ang masiglang bati sa kanya ng kanyang 6 na taong kapatid. Natutuwa sya sa batang ito kasi kahit malaki ang age gap nila ay close at malambing ito sa kanya.
"I miss you too, Baby!" Natigilan sya sa nasabi nya. Paano ba naman kapag natatawag nyang Baby si Angel eh hindi maiwasang hindi nya maalala si Zy.
<"Kuya, naalala mo na naman ba si Ate Zyrah?"> Kilala ng bunso nila sa litrato at videos si Zyrah dahil sa nakikita nya ito sa local channel na MYX sa tv.
"Bakit ko naman sya maaalala?" Pagkakaila nya sa kapatid nya.
<"Anyway, Kuya, pupunta kami nina Mama sa Thailand para mapanood ka sa Thailand sa ASIAN AWARDS for Music. Galingan mo sa performance mo ha?"> Nominee kasi siya as Best Male singer at si Zy naman ay Best Female singer.
"Sige. Magkita tayo doon at ipapasyal kita sa Thailand pagkatapos."
<"Talaga Kuya? Yeheyy!"> Sumasaya sya everytime na maririnig nyang masaya ang bunso nila.
"Oh sige na, babye na at magpapahinga na si Kuya." Nagpaalam na sya kay Angel.
<"I love you, Kuya!">
"I love you, Baby!" Natigilan sya ng ibaba nya ang fone. Naalala nya ang pagsasabi nya ng katagang iyan kay Zyrah noong sila pa.
Pagkababa nya ng fone ay pinag-aralan nya na ang lyrics ng gustong ipakanta sa kanya ng commitee ng aattendan nyang awards night.
'Separate lives? Sino kaya ang kaduet ko dito at ito ang title?' Although parang may idea na sya eh hindi naman nya binibigyan ng halaga. Baka kasi nagkataon lang ang lahat.
Habang binabasa nya ang lyrics at pinag-aaralan ay hindi mawala sa isip nya ang idea na, 'anu kayang magiging reaksyon ni Zy kapag nagkita kami sa awards night?' Ang piping tanong na nasa utak nya.
"Kumusta na nga kaya si Zy? May bf na kaya? Engaged na kaya sya?" Ang mukhang engot na pagkausap nya sa sarili nya. Hindi man sila nagkatuluyan ni Zyrah ay nanalangin sya na sana ay napatawad na sya nito at nang maging mabuti silang magkaibigan muli.
"Sana ay napatawad mo na ako." Ang parang tange na pagkausap nya sa framed picture nilang dalawa ni Zyrah noong nasa pansol sila. Hinaplos pa nya ang outline ng mukha nito sa litrato. Pagkatapos ay hinalikan nya ang litrato sa picture frame sabay sabing, "I MISS YOU SO MUCH, ZY..."
"See you sa Thailand. Sana umattend ka wag ka ng magpaproxy hA?" Hindi kasi umaattend si Zyrah sa mga nagdaang awards. Palaging ang manager nyang si Lance ang umaattend ng mga awards night. Hinalikan nya ang labi ni Zyrah sa parte ng litratong hawak nya.
"Sana nga ay magkita na tayo, Baby." Huling sinabi nya sa litrato at niyakap. Excited na syang makita si Zyrah at kung sinuswerte pa ay nanalangin syang makausap nya ito kahit paano.
(A/N: Si Daniel sa last chappy --------->>>>>>>>>>>)
_____________________________________
A/N:
Abangan ang pagkikita ng dalawa.
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...