C 11

4.7K 52 10
                                    

 A/N:

Please vote and leave a comment. Thank you!

__________________________________

Nagising si Zoe sa sobrang sakit ng ulo nya. Hindi sya makabangon sa sobrang sakit ng ulo. Sinusumpong na naman ata sya ng kanyang migraine. Pero pinilit nyang bumangon ng dahil sa nagugutom na rin sya.

Papunta na sya sa kusina ng mapatingin sya sa wall clock....

"AWWW SHT!!!!!!" Nagulat sya ng mapatingin sya at 11am na pala! "OHMAYGAD! PAANO NA ITO???" Napapasigaw na sya habang kausap ang sarili nya. 8am ang usapan nila ni Zeon sa park! Nagtatakbo sya pabalik sa kwarto nya at kinuha ang cp nya.

40 missed calls...

20 messages...

Literal na nangangatal ang kamay nya sa pagbukas ng messages...

**

From: Zeon

Where are you?

**

**

From: Zeon

Asan ka na?

**

**

From: Zeon

Hey, isang oras na, where ka na ba?

**

**

From: Zeon

ZYRAHHH....

**

At halos puro ganoon ang messages. Binuksan nya ang pinakahuli..

**

From: Zeon

You hate me that much don't you? Is this your way getting even? Well, to tell you the truth.. I hope you're happy that I've waited for you for 3 hours!

**

"SHT!! Tatlong oras?? 11am pa lang, that means baka naandoon pa sya." Binuksan nya ang mga miscalls at si Zeon nga lahat halos, 2 tawag lang ang nagregister sa name ni Lance.

Tinawagan nya si Zeon para sana makapagpaliwanag. 

Calling Zeon....

Wahhh! Nakailang try na sya pero hindi nya na makontak si Loko, out of coverage area na daw. Malamang pinatay ang fone. Napagpasyahan nyang maligo at pupuntahan nya sa kabilang hotel.

Simpleng damit na lang ang sinuot nya. Pagkabihis ay nagpunta sya sa kabilang hotel. Medyo nahirapan din syang makapasok ng hotel dahil as usual mga fans na naman.

"Miss, what is Zeon Lee's hotel room number?" Tanong ng humahangos na si Zyrah sa information.

"Wait a minute.....

..there is no Zeon Lee in our list."

'Aww! Ano kayang pangalan ginamit nya?' Bulong nya sa sarili. Style nga pala nilang ibang name ang i-check-in sa mga hotel para makaiwas sa mga reporters at fans.

"Can you check the name Franz Lee?"

"None. Sorry!" Naluha na si Zoe dahil desperada na sya dahil kailangan talaga nang magpaliwanag kay Zeon.

Naawa naman sa kanya ang nasa reception na babae. Kilala rin naman syang artista kaya gusto rin syang matulungan.

"But there is a certain Zyrah Lee who check-out a while ago." Nakangiti ang receptionist. 

Zyrah Lee? Hindi malaman ni Zoe kung anong mararamdaman kasi pangalan pa nya ang ginamit nito at inihalo sa sariling apelyido. Talaga ngang di pa rin sya malimutan ni Zeon at idinikit pa ang apelyido nito sa tunay nyang pangalan. Pero nalungkot pa rin si Zoe kasi CHECK-OUT ang sabi ng babae. That means nakaalis na ito!

"Thank you!" Laglag ang balikat na lalabas na sya ng hotel habang patuloy ang paisa-isang pagpatak ng kanyang mga luha...

"Zyrah?" Nasalubong na si Lance! Napayakap na lang sya kay Lance.

"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Lance sa kanya.

"Umalis na sya Lance.." At patuloy na napaiyak na sa balikat ni Lance.

"Ssshhh.. wag ka ng umiyak. Kanina pa sila naka-alis ni Ate papuntang airport. Babalik na sya sa Europe dahil may modelling stint sya dun bukas." Pag-alo sa kanya ni Lance.

Iniupo muna ni Lance si Zoe sa chairs sa lobby. Umiyak pa rin sya ng umiyak habang yapos sya ni Lance at pinakakalma.

"ZOEEEE!!! HELP ME BRING HER TO THE NEAREST HOSPITAL!!"

Binuhat sya ni Lance palabas ng hotel para isugod sa hospital. Hinimatay si Zoe sa kakaiyak, pagod at matinding sakit ng ulo!

Kalong ni Lance ang ulo ni Zoe sa taxi ng medyo matauhan ito.

"Umalis na sya....." Bulong nya kay Lance at nawalan na naman ng malay..

"Zoe, sana ako na lang ang minahal mo, hindi ka pa masasaktan ng ganito." Ang hindi na nahihiyang malakas na pagkausap ni Lance sa hinimatay na namang si Zoe tutal hindi naman nakakaintindi ng Tagalog ang driver.

______________________________________

A/N:

Hala paano na ba iyan? Magkausap pa kaya silang ulit? Ayos lang ba si Zyrah/ Zoe?

Abangan.

----------------->>>>>>>>>> si Lance nasa side.------>>

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon