C 64

2.8K 57 34
                                    

A/N:

Salamat sa 30 COMMENTS ninyo. Oh next chappy, I need 30 COMMENTS and VOTES para mag-update ako. Please cooperate! Gift na ninyo sa Author niyo.

Please read http://www.wattpad.com/story/7982157-falling-for-miss-perfect. Nasa external link din po. ----->>>

______________________________________

Dahan-dahan ng bangon si Lance. Ingat na ingat siya na magising si Zoe. Nagtext na kasi si Sapphire na nasa lobby na sila ng condo. Kailangan niyang bumaba para salubungin ang kapatid. Kapag kasi hindi pa masyadong kilala ng guard ng building nila, hindi pinapapasok.

Nang makabangon ay halos patingkayad siyang pumunta sa pintuan. Nagulat siya ng biglang magsalita si Zoe. Ang akala kasi niya ay mahimbing na ito

"Saan ka pupunta?" Inaantok pang sabi ni Zoe.

"Sa baba. Andito kasi si Ate sa New York." Sabi niya. Bumalik siya palapit sa kama.

"Talaga? Ano namang gagawin niya daw dito?" Tanong ni Zoe na napabangon na ng upo.

"Hindi ko rin alam eh." Sagot niya. Ngayon niya lang naisip, 'hindi ko naitanong kay Ate Sap kung bakit siya naandito sa N.Y.?'

"Pwede bang sumama ako sa'yo sa baba?" Tanong ni Zoe habang nagkukusot pa ng mata.

"Huwag na, Sweety. Babalik din naman ako kaagad." Sabi ni Lance. Tinap ang shoulder niya pagkatapos ay lumabas na.

SA BABA:

Malayo pa lang ay nakita na niyang papasok si Sap. Ang dami-daming dalang gamit. Isang hinihila at isang backpack. Dito na ba titira ang Ate niya? Paano ang talent (Zeon) nito sa California?

Nakangiting papalapit na siya sa kapatid. "Ate Sap, kumusta? Bakit ka naandito?" Salubong niya.

Saglit na natigilan si Sap at nakatitig lang sa kanya. "Sap?" Ulit niya sa kapatid.

"Hello, Lance!" Biglang sulpot ni Zeon. Nagbayad lang pala sa taxi. Binati si Lance pero walang makikitang emosyon sa mukha nito.

"Alam na niya." Halos pabulong na sabi ni Sap sa kanya na bakas sa mata ang takot.

"Bakit napasugod kayo?" Tanong ni Lance kay Zeon.

"Sap, kumusta?" Lumingon silang magkapatid sa may elevator na pinanggalingan ng boses. Si Zoe, sumunod pala kay Lance!

"Ikaw, kumusta? Ayos ka lang ba?" Balik tanong ni Sap.

"Oo. Inaalagaan naman ako ni Lance." Sagot ni Zoe habang nakakapit sa siko ni Lance at ngumiti ng matamis. Ngumiti naman pabalik si Lance. Si Sapphire ay halatang tensyonada.

"Sweety, may kasama siya." Sabi ni Lance habang tinatap ang kamay ni Zoe na nasa siko ni Lance.

Noon na lumabas mula sa likod ng isang malaking halaman sa lobby ng building condominium si Zeon. Napaatras kasi siya ng makita niyang iniluwa ng elevator si Zoe.

"How are you, Zy?" Nakangiti niyang bati pero sa mata ay kitang-kita ang pangungulila at pag-aalala sa dalaga.

"Oh Zeon, kasama ka pala? Ok lang ako. Tara na sa taas para makapag-pahinga na kayo." Yaya ni Zoe na punong-puno ng sigla.

Kinuha naman ni Lance ang backpack ng kapatid para siya ang magbitbit. Si Zoe naman ang kumuha ng de-hilang maleta. Nakakapit pa din siya sa siko ni Lance. Hindi niya lang pinapahalata pero medyo kinabahan siya ng makita si Zeon. Awkward feeling na after break-up ngayon lang sila nagkita muli. Anong sasabihin niya? Anong ire-react niya?

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon