C 38

3.7K 44 6
                                    

A/N:

This is a property of AngelMelay. No part of this story shall be reproduced without permisson from the author.

copyright by: AngelMelay

___________________________________

Magkaholding hands na naglakad ang dalawa sa loob ng resort. Pupunta sila sa parking para bumili ng makakain sa kanto ng Pansol, Laguna. Hindi pa sila nag-aagahan dahil ang aga nilang umalis kanina ng bahay.

"Homaygad! Si Zeon ba yan?"

"Wag ka maingay! Kasama niya si Zoe, baka magselos."

"Hindi hamak namang maganda ako kay Zoe!"

Ang narinig nilang bulungan sa mesang nasa kanan na katabi ng kanila. Kasalukuyang kumakain na sila ng breakfast sa isang native restaurant dito sa Pansol. At dahil sa narinig ay medyo naapektuhan si Zoe. "Hey Baby, kumain ka ng ayos. Wag mo silang pansinin. Naiinggit lang sila sa ganda mo." Pabulong na sabi ni Zeon.

Kumain na nga lang si Zoe at hindi na inintindi ang mga bulong-bulungan sa tabi nila. 

"May shooting ata dito sa Laguna at ang daming artista."

"Oo nga. Kanina international stars, ngayon siya naman."

"Swerte natin... Ayiii!!"

Narinig nilang malakas na usapan sa bandang likod naman ng mesa nila this time. Nagkatinginan ang magkasintahan at nagpalinga-linga. At tama! Nakita nila ang sikat na artistang si John Paul Garcia, 20 years old, artista dito sa Pilipinas. Nagtry siya dati na maginternational movie pero walang nanood. Hindi kasing lakas ng appeal sa masa ng magkapatid na Zeon at kahit na ng nabubuhay pa si Kurt.

Deadma silang magkasintahan na binalik na lang ang attention sa kinakaing pagkain. 

"Naku! Palapit ata sa atin!!! Ayyyy!!!"

Narinig ni Zoe at Zeon na tili ng mesa sa may kanan nila. Nagangat naman ng paningin muli si Zoe out of curiousity.

"Hi!" Awe! Napakagandang ngumiti ni JP. He's handsome sa kanyang kulay na moreno, matangos ilong at chinito ang mga mata.

Nagulat man ay napangiti na rin si Zoe. Samantalang si Zeon ay nagtatakhang nakatingin sa kanya. "Ah hello?" Nasabi niya na halata ang pagtataka sa mukha niyang maganda.

"Hi! I'm John Paul Garcia. Just in case you don't know me." Nakipag-shakehands pa ang nagpapacute na actor sa kanya.

"Ah.. Hello! Zoe and this is my boyfriend, Zeon." Pakilala din ni Zoe kay Zeon.

Nagextend naman ng kamay si JP at nakipagkamay kay Zeon pero tiningnan lang ni Zeon ang kamay niyang nakalahad. "Pare, John Paul Garcia, local actor." Pakilala ni JP kay Zeon.

Tumango lang si Zeon. Pakiramdam niya kasi ang angas ni JP dahil paulit-ulit bang kailangan pang sabihin ang BUO niyang pangalan? At kailangan pa bang banggitin na siya ay isang artista? Oh well!

"Who's with you?" Tanong ni Zoe.

"Ha?" Tanong ni JP.

"Who's with you? Sinong kasama mo kako?" Ulit ni Zoe. 

Umupo naman si JP kahit hindi siya inaalok ng dalawa. Umupo siya sa tabi ni Zoe na lalong nakapagpainit ng ulo ni Zeon. "Sorry ha. Medyo mahina ako sa English." Mahinang sabi ni JP.

"Pfffftttt...." Pulang-pula si Zeon na pinipigilan ang matawa. Ang angas nga naman tapos hindi marunong mag-English?

"Ganoon ba? Ayos lang." Sagot ni Zoe at sinamaan ng tingin si Zeon. Nagiging weird na naman kasi ang mahal niya. Kanina ayaw makipagkilala tapos pagtatawanan yoong tao? Baliw diba? "So, sino nga kasama mo?" Dagdag na tanong niya.

My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon