A/N:
Maraming salamat sa lahat ng nag-vote at nag-comment po. Iyong walang mabasa diyan, paki read na rin po ang I LOVE YOU, JUSTINE CHOI!, ONE HELLO!, INNOCENT LOVE <3, at ang bago kong story... FALLING FOR MISS PERFECT... na nasa external link ---->>>
25 VOTES, or 30 COMMENTS = UPDATE!
Thank You! Mwuahh!
_________________________________
<"I have something to tell you...">
Napakunot ang noo ni Zeon sa sinabi ni Wency. "What is it?" Naiintrigang tanong niya.
<"Totoo bang break na kayo ni Zyrah?"> Diretsong tanong ni Wency.
"Why are you asking this all of a sudden?" Medyo nalungkot ang boses ni Zeon. Naalala niya ang pag-iwan sa kanya ni Zoe.
<"Nakita namin siya ni Amanda dito sa New York. Nanood kasi si Amanda ng Victoria's Secret Fashion Show."> Panimula ni Wency.
"How is she? I bet she must be happy now that she is free." Sagot ni Zeon. He can't help but be sad. Para siyang ibinagsak ni Zoe na parang hot potato.
Napalingon si Sapphire sa narinig. Namutla siya! Happy for having her freedom?? She's doomed! Parang alam na niya kung sino topic. Napatayo siya sa upuan at lumapit sa kaninang nasa likuran niyang si Zeon. Patay kang bata ka! Wala talagang sikretong di nabubunyag! Napakapit siya sa sandalan ng upuan niya kanina at napatitig sa malungkot na mukha ni Zeon. Doomsday na ata! Lagot talaga siya!
"Si-sinong pinag-uusapan ninyo? Si- si Zoe ba?" Singit ni Sapphire na ngayon ay kulay suka na sa nerbyos. Namamawis pati mga palad niya sa kaba. Sobrang kaba!
"Sapphire, can you just give me a moment?!" Inis na sabi ni Zeon and he gave Sapphire his famous death glare.
Tulalang napaupo si Sapphire at laglag ang balikat. Iyong mga chicks ay nakatingin sa kanya. "What's the matter?" Tanong nila kay Sap.
Umiling-iling lang si Sap. Hindi siya makapaniwala! Paanong lumabas ang sikretong ito? Sana naman ay nagkakamali lang siya ng iniisip.
Lumakad naman si Zeon palabas ng bar. Hindi rin kasi niya masyadong marinig. "Wency, sorry for that. Sapphire was medling with my business. Can you continue?" Pakiusap niya kay Wency.
<"Iyon nga Cous, nakita nga namin siya at nakausap. Totoo bang break na kayo?"> Pagpapatuloy ni Wency.
"Yes." Malungkot na sabi ni Zeon. "How is she, Cous?" Dagdag na tanong ni Zeon.
<"She.....she...">
"What??" Medyo napalakas ang boses ni Zeon. Nauubos na pasensiya niya sa pangbibitin ni Wency. Napatingin tuloy sa kanya iyong mga dumadaan.
<"She's different.."> Seryosong sabi ni Wency pagkatapos ay napabuntong hininga.
"Different? What do you mean? Is she that liberated?" Tanong ni Zeon. Sinisipa pa ang bato sa ground sa tapat ng bar.
<"Hindi iyon. Parang may kakaiba sa kanya.">
"What?" Tanong ni Zeon. Napipikon na siya kay Wency. Ayaw pa kasi diretchohin.
<"Hinawakan ko siya at sinigawan ako.">
"You jerk! Why do you have to touch her??" Galit na sabi ni Zeon.
<"Hindi iyong hawak na iniisip mo. Simpleng hawak lang, walang malisya."> Paliwanag ni Wency.
"What did she told you?" Tanong niya.
<"Hirap ipaliwanag eh.... Amanda, ikaw na nga magsabi."> Narinig ni Zeon na tinawag ni Wency si Amanda.
<"Cous, tulad ng sabi ni Wency, sumigaw siya tuwing napadikit si Wency. At ang weird pa dun, nanginginig siya! Parang takot na takot kay Wency. Kasama naman ako at wala namang masamang ginagawa si Wency maliban sa hawakan siya sa kamay at siko."> Mahabang paliwanag ni Amanda.
"Shaking? Why? I can't understand what's your point."
<"At ang isa pang hindi namin maintindihan, halos mapaiyak siya sa paghawak o tapik man lang ni Wency. Bigla nagbago ang mood niya. Then tinawag niya si Lance. Actually, isinigaw niya ang name ni Lance. Parang batang nawala sa mall. Kumalma lang siya ng konti nang yakapin na siya ni Lance.">
Yakap?? Napakuyom ang kabilang kamao ni Zeon. Bakit nasa ganoong level na ang relationship nila ni Lance? Hindi ba't Manager-Artist lang relationship nila? Iyon ba ang dahilan ng break-up? Si Lance ba?
<"Zeon, pumunta ka dito. Alamin mo ang totoo. May mali talaga kay Zyrah. Iyong sobrang takot niya kay Wency na hindi naman siya binabastos. Alam ko dahil yakap ko si Zyrah ng oras na iyon. At ramdam kong nangangatog siya kay Wency. Ano bang nagawa ni Wency para magkaganun siya? At iyong pagsigaw niya ng pangalan ni Lance na arang humihingi ng saklolo."> Mahabang litanya ni Sap.
"Let them be, Sap. Just like what you said, it is Lance that gives her comfort. So why do I have to bother them? She broke my heart and I don't care if her's will be torn apart." Nangungulilang paliwanag niya habang nakapikit. Iniimagine niya ang magandang mukha ni Zoe.
<"Ganoon ba? Kahit i-check mo lang siya dito, Zeon. I can feel that there is something that's not right."> Pagkumbinsi ni Amanda.
"You are being too paranoid, Cous. Lance is there. He can take care of her." Paninindigan ni Zeon. Ayaw na niyang pumunta pa doon? Para saan pa? Tulad ng sabi ng pinsan niya, tanging si Lance ang nakapag-pakalma sa dalaga. Ano pang silbi niya kung mismong ang dalaga ang nagtanggal sa kanya sa buhay nito?
<"Ok. If that is what you like. Bye."> Medyo suko na ang boses ni Amanda at biglang ibinaba ang linya ng hindi man lang siya nakakapag-paalam pa.
Pumasok na ulit si Zeon sa loob at umupo sa upuan niya kanina. Ipinulupot naman ni Grace ang kamay sa braso niya.
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...