A/N:
Please vote and leave a comment. Thank you!
_______________________________________
Nakarating na si Zoe sa hotel na tinutuluyan nya dito sa Thailand. Hinatid sya ni Lance at ng driver ng company.
SA LOOB NG CAR:
"Pasensya ka na Lance kung ginamit kita as faked bf kanina.." Paghingi nya ng paumanhin kay Lance.
"Ayos lang. Alam ko naman na ginawa mo lang yun dahil kailangan ng sitwasyon." Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit malapit ang loob nya kay Lance, para kasi syang si Kurt na napaka-supportive sa kanya.
"Rest ka na ha." Bilin ni Lance sa kanya.
"Sure. Ingat ka." Paalam nya kay Lance at pinisil pa nya ang kamay nitong nakapatong sa sariling lap nito..
"Pasensya ka na kay Ate Sap." Hinging paumanhin ni Lance for his sister.
"Nu ka ba? Wala ka namang kinalalaman doon. Saka pasensya ka na din kung napuno na ako sa Ate mo." Alam ni Zoe na to her advantage eh nasa kanya ang loyalty ni Lance kasi mahal sya nito.
"Kahit naman ako parang hindi ko na sya kilala ngayon. Anyway, pahinga ka na. Tawagan mo lang ako if you need anything." Nasa kabilang hotel kasi ito nag-iistay.
"Sige, akyat na ako at masakit din ulo ko." Bumaba na si Zoe sa kotse pagkatapos nyang pabuksan sa driver ang pinto.
BINABASA MO ANG
My Dead Heart (I.L.<3 Part 2)
RomanceThis is the continuation of Innocent Love <3. Pagkatapos ng madaming trahedya sa buhay ni Zyrah ay naging pusong bato na siya. Ang dating Zyrah ay naging Zoe na ngayon. Alamin natin kung ang namatay na puso ni Zyrah/Zoe ay mabubuhay pang muli ng...