Eunice's POV
Andito kaming lahat sa kwarto ko at nakaform ng isang malaking circle. Nagsuggest kasi ako na maglaro kami ng spin-the-bottle. Syempre parte toh ng plano ko para magkabati sila. I want to know kung ano kasi yung mga ini-isip nila right now. At kanina ko pa nararandaman yung tension between Alyanna, Andre, Alexa at Ivan. Pati nadin saming dalawa ni Kiara. Nainis lang kasi talaga ako sa inasal niya kanina. Kala mo kung sinong maganda.
Anyways ganito yung laro. Kung sino matatapatan ng bottle ay siya mag trutruth or dare. Tapos kapag truth, yung huling nagspin ng bottle yung magtatanong sa natapatan nito. Kapag hindi nasagot yung tanong within 10 seconds, the person must kiss someone within the area. At kapag Dare naman, sasayaw sila sa gitna ng circle. So wala silang choice kundi mag Truth! Talino ko talagang mag-isip ng game mechanics noh? Pabor lahat sakin! Haha!
"Game na ba?" Tanong ko sa kanilang lahat.
Nakita ko namang tumango sila kahit na alam ko kung gano talaga kalabag sa luob nila yung ginagawa namin at napilit ko lang sila. Haha. Kaya ako na yung unang nagikot ng bottle at natapat ito kay Alyanna. Wahaha maganda toh!
"Bess Aly. Truth or Dare?"
"Truth"
"Okay then, What happened to you and Andre?" Tanong ko. Nakita ko yung pag-iba ng reaction ni Alyanna "your 10 seconds is running" dagdag ko pa
"Naghiwalay kami" tipid na sagot ni Aly saka kinuha yung bottle at pag spin niya natapat naman ito kay Alexa. Oh no.
"Alexa" may diin na tawag ni Aly kay Alexa.
Namimiss ko na kung pano nila tawaging 'bess' yung isa't-isa.
"Truth. Wag na nating patagalin toh"
At nagpalitan na sila ng masasamang tingin sa isa't-isa "Bakit mo inahas si Andre?" Tanong ni Alyanna
Ngumiti ng mapait si Alexa "Kasi inahas mo si Ivan" sagot niya saka pina-ikot yung bottle at natapat kay Ivan
Nako. Mukhang suma-sangayon sakin ang tadhana ah?
"Dare ang pinipili ng mga mahihina" pang-aalaska ni Alexa kay Ivan
"Wag kang mag-alala. Truth ako"
Grabeh. Pati itong couple na toh. Namimiss ko nadin yung kasweetan nilang dalawa. Ano bang nangyare?
"Good. Pano mo ako nagawang ipagpalit sa malanding babaeng yan?" Tanong ni Alexa then she eyed Alyanna
"Hindi malandi si Alyanna" depensa ni Ivan
I saw how Alexa rolled her eyes "Just answer my question"
"Because you cheated on me" sambit ni Ivan saka pinaikot yung bottle and this time natapat naman ito kay Andre
"Truth ako" sabi ni Andre kahit hindi pa siya tinatanong ng Truth or Dare
"Andre. Bakit mo ako tinalo?" Walang pag-aalinlangang tanong ni Ivan kay Andre
"Kasi ang g*go mo para mang-agaw" kalmadong sagot ni Andre pero ramdam ko yung galit.
Ewan pero parang mas naguluhan tuloy ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...