A/N: HEEEEEY GUUUYS! MERRY CHRISTMAS! Eto na yung pamaskong UD ko. Haha! Btw dun sa mga nabigyan ko ng dedics, wag na kayong magulat kasi that's my Christmas gift to you. Actually Madami yung nasa lista ko pero sad to say 44 people lang ang pwede kasi yun lang din yung bilang ng parts nung story ko. Haha. Sa susunod nalang yung iba! Okay? Lovelots guys.
Eunice's POV
"Huy! Anong ginagawa mo diyan?"
"Ay kabayo!" tili ko. Pano kasi si Trixie, biglang sumusulpot sa kung saan tas nangangalabit pa.
"Devil pwede pa, pero kabayo? The hell Eunice. Anong tingin mo sakin. Four-legged animal? Umayos ka kung ayaw mong mabigwasan diyan!" pagbabanta ni Trixie saka tumayo sa tabi ko.
"Toh naman. Masyadong highblood. Di ba pwedeng nagulat lang ako?" ani ko habang nakatingin padin sa gate.
"Sino ba kasing tinitignan mo diyan?" tanong ni Trixie at nakitingin nadin. "Wala namang tao ah." kunot-nuo niyang sabi.
"Wala nga. Wala naman kasi akong tinitignan." eh wala naman talaga. Pero hinihintay.. Meron.
Kasi naman, kanina pa ako dito at nakatayo sa may main entrance ng mansion at patingin-tingin dun sa may gate. Ganito kasi yun, since nung huli naming pagkikita ni Rain, di pa talaga siya nagpaparamdam sakin. Eh diba nga sabi ko handa na akong patawarin siya kasi magpapasko, kaso di naman siya humingi ng sorry eh. At eto nga, mamayang hating-gabi magpapasko na. I'm expecting na hindi pa mag No-noche buena eh magbabati na kami ni Rain. Para Merry talaga yung Christmas ko. Tsaka yung usapan naman is sabay daw namin icecelebrate yung Christmas with the Eun Sook clan.
"Pero hinihintay meron. Lemme guess. You're waiting for Rain noh?" gisa ni Trixie sakin.
"Obviously." walang gana kong sagot saka yumuko. Hay Rain, bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?
"Oh! May kotseng kapapasok lang sa gate. Baka sila na yun?" agad akong napaangat ng ulo sabay sinundan ng tingin yung tinuturong kotse ni Trixie. Agad na nagliwanag yung mukha ko.
Nagsibabaan na yung mga nakasakay sa kotse.
"Trixie! Eunice!" bungad samin ni Tita Jean. Agad naman kaming nakipagbeso ni Trixie sa kaniya.
"Merry Christmas po!" bati ni Trixie. Ako naman, I just smiled.
Sunod na nagpakita ay ang newely weds na sina Ate Jaz at Kuya Ian. I'm glad naman at nakauwi na sila galing sa honeymoon nila and they could also join us for Noche Buena.
Patingin-tingin padin ako sa may driver's seat. Hindi padin kasi bumaba kung sino man ang nakaupo duon. Alam ko namang si Rain na yan. Finally. I miss him so much.
"Tito Kiel?" bungad ko pagkalabas niya sa may drivers seat. Parang pinagbagsakan ako ng madaming hollow blocks. Sobrang bigat sa dibdib. Akala ko kasi... Argh! Nakakafrustrate.
"Ba't mukhang nagulat ka? Were'nt you expecting me?" tanong ni Tito Kiel.
"Ofcourse I am. But I---"
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...