Chapter 7 - His Request

3.9K 110 12
                                    

Eunice's POV




Bwuisit na bwuisit talaga ako kay Rain dahil sa ginawa niya sakin kanina. Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi naman dapat big deal yon diba? Yung amoy niya lang yung namiss ko. Pero di ko mapigilang mainis!




"Hoy ba't nakasimangot ka diyan?" Fritz na kalalapit lang sa desk ko




Andito kasi ako sa third floor kasama yung buong team. May desk din ako dito, yung dating desk ng pinalitan ko'ng Chief Coordinator nila.




"Wala" tipid kong sagot




"Sus ikain mo nalang yan. Katulad netong si Rylie na shutay gutom" pang-aasar ni Fritz sa kadadaan lang na si Rylie




"Ano na namang shinashabi mo diyan!?" Aniya ni Rylie habang ngumunguya pa




"Wala.. Nga pala Piggy---este Rylie, Paki luwa nga yung kinain mong mga papeles" pabirong sabi ni Fritz




Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Loko talaga tong baklang toh




"Anong sabi mo!?" Singhal ni Rylie




"Joke lang. Toh naman di mabiro. Sabi ko pwede bang pakiabot mo sakin mamaya yung mga papeles na pinirmahan na ni Sir Rain" magalang na pagkakasabi ni Fritz. Natakot ata kay Rylie. Haha




"Hoy mga bakla! Ano pinagchichikahan niyo diyan? Sali niyo naman kami" bungad ng kararating na si Angel at kasama si Aya




"Hi Ate Eunice" sambit ni Aya




"Hello" sabay ngiti ko




"Eto kasing si Eunice eh. Kanina pa nakasimangot" puna ni Fritz




"Ei.. Bakit naman?" Tanong ni Angel habang umuupo sa gilid na parte ng desk ko




"Wala nga kasi.." Aniya ko




"Sabi mo eh. But if you don't mind me asking.. Bakit ba kayo nagkahiwalay ni Rain?" -Angel




Hindi na ako nagulat na itatanong niya yan kasi siya talaga ang straightforward sa grupo.




"Ay ako din curious diyan" dagdag ni Fritz




"Yeah. You were like the almost perfect couple. Tapos diba engaged na kayo nun? Na alala ko pa kung pano nilibre ni Sir Rain yung lahat ng empleyado ng snack. Nag pa order pa siya non ng halos ilang box ng pizza at drinks" mahinahon na pagkakasabi ni Aya "Sobrang proud talaga siya na engaged na kayong dalawa"




"Talaga? Ginawa niya yun?" Di makapaniwalang tanong ko




"Oo. Si Rylie nga nakaubos nung pizza eh. Halos pati yung box kainin niya nadin----ARAY NAMAN!" reklamo ni Fritz kasi pinalo siya ni Rylie




Pero hindi ko alam na nanlibre pala si Rain non.




"Siguro hindi mo yun alam kasi diba nasa Korea ka that time" dagdag pa ni Angel




"Siguro nga" aniya ko




"Pero nung naghiwalay kayo... Ang laki talaga ng naging epekto nun kay Sir Rain. Lagi na siyang nakasimangot, sumisigaw, at galit. One time nga nalasing yun dito sa opisina niya mga past 9 na siguro ng gabi yun.. Nag overtime kasi nun si Fritz kaya siya yung nakakita kay Sir Rain na nakahandusay sa sahig ng opisina habang umiiyak at binabanggit yung pangalan mo" pagsasaad ni Rylie




Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon