Chapter 51 - Everything Went Black

3K 111 33
                                    

A/N: Guys I badly need your opinion. May tanong ako, lalo na sa mga nakaclose ko na dito, pero lahat naman ng readers pwedeng sumagot eh. The more the merrier. Lol. Pero eto na kasi, panahon na ba para maglagay ako ng detailed BS dito? I mean. I don't know feeling ko kasi madaming under 15 years old ang nabgbabasa nito at ayaw ko namang maging in-appropriate ito para sa kanila. So Yeah. Should I or Should I not? Madali lang naman ako kausap eh majority wins XD







Eunice's POV







“Eunice” agad na nanigas ang buong katawan ko at tila nagkagulo ang sistema ng pagkatao ko pagkarinig ng boses na yun. Kahit di ako lumingon, alam ko kung sino yun, kabisadong-kabisado ko ang boses na yun.







Dahan-dahan akong humarap sa kaniya para kumpirmahin kung tama ba ang naiisip ko. At hindi nga naman ako nabigo.







“R-rain...” tawag ko.







Aba ang gago! Nakangiti pang lumapit sakin sabay yakap. “I miss you anae ko.”







Miss!? Miss-missen niya mukha niya! Naitulak ko nga siya!







“What's the problem?” naguguluhan niyang tanong.







“Wag mo akong maenglish-english diyan Rain ha!” asik ko.







“Oh di sige! Ano bang problema?” pamimilosopo niya. Tch. Tinagalog niya lang eh.







“Nagawa mo pa akong pilosopohin ha!? Bwuisit ka Rain!” para na talaga akong bulkan na sasabog. Nangingibabaw talaga yung galit ko ngayon kesa yung pangungulila sa kaniya. Hindi madali yung dalawang buwan na wala akong balita tungkol sa kaniya ah. Tas ngayon makikita ko siyang pasmile-smile lang at para bang walang nangyari?







Ipaalala niyo nga sakin kung bakit tong abnormal na toh ang naisip kong mahalin? Sa dami ng pwede kong ibigin. Siya talaga noh? Siya na Abnormal pa, Masungit pa, na insensitive pa! Pero atleast gwapo. Ayt! Eunice naman, focus! Pinupuri mo pa eh. Galit ka diba? Galit!







“Ano nga kasi?” sambit ni Rain.







Tinignan ko siya ng pagkasama. “Hindi mo alam?” tumawa ako ng mapait “Kung sabagay. Hindi naman problema sayo ang di pagpapakita samin ng dalawang buwan noh? Wala lang naman sayo ang hindi pagpaparamdam sakin diba? Maski text wala akong nakuha. Gabi-gabi lang naman akong umiiyak at natutula sa kakaisip ng mga dahilan mo Rain. Halos mabaliw na ako! Pero wala lang yun sayo! Hindi yun isang problema! Hindi talaga!” pagkompronta ko.







“Hey look. I'm sorry. Please stop crying Anae.” sinubukan niya akong hawakan pero umaatras lang ako at lumalayo sa kaniya.







“Wag mo akong hahawakan” matigas kong sabi habang pinapahid yung mga luha ko. “Alam mo ba yung pakiramdan ng pangungulila Rain? Masakit, mahirap, ang lungkot.”







“I'm sorry. May inasikaso lang kasi ako eh. Pero nandito na ako ulit oh. Hinding-hindi na kita iiwan. Hindi ka na mangungulila” pahayag ni Rain.







“Ilang beses mo na ba sinabing hindi mo ako iiwan Rain?” umiling lang ako “Tapos ano? Isang araw, pag gising ko, nawawala kana naman ulit? Bakit mo ba ginagawa sakin toh!? Pagod ka na ba!? Ha!? Sabihin mo lang...” hagulgol ko padin.







Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon