Chapter 41 - HEH! SHATAAAP!

3K 105 14
                                    

Eunice's POV







"Please? Eunice?"







Alam niyo ba kung anong itchura ko ngayon? Nakataas lang naman ang kanang kilay ko, nakatingin ng malalim, at nakakuyom ang palad.







Kagabi si Rain ang BWUISITA ko! Ngayon siya naman? Ano pa bang gusto niya!? Pinagbigyan ko na nga siya dun sa tanginang pustahan na yon, tas andito na naman siya? Ano na namang trip niya?







Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Parang awa mo na... Hirap na hirap na ako..."







Aish. Ganito kasi yun. Gusto niyang pilitin ko si Raim na bumalik sa kaniya. Gusto niyang pakawalan ko na siya. Ano siya!? Swineswerte!?







"Sobra ko siyang mahal Eunice... Sobra-sobra..." punong-puno na ng luha ang mukha niya habang nagmamakaawa.







I cant believe that Crown will do this. Na luluhod siya sa harap ko at magmamakaawa. Ganon na ba talaga siya ka obsessed kay Rain?







Sa tingin niyo? Paano ko pa magagawang magtaray kung ang babaeng sobrang desente ay luluhod sa harapan ko at magmamakaawa? Haist. Kung wala lang talaga akong puso, baka kanina ko pa siya nasipa. Pero dahil hindi naman ako ganon. Ngayon, hindi ko siya kayang tarayan at pagtabuyan. Aish. Nasaan na ang sunget mode ko? Ba't ayaw mag activate?







But the hell! Nahihirapan siya? Nasasaktan siya? Mahal niya ng sobra si Rain? Tangina! Bakit ako? Hindi ba ganon? Kung alam niya lang, sobra din akong nasasaktan, sobra din akong nahihirapan, sobra ko ding mahal si Rain to the point na nandito ako at naaawa sa kaniya dahil alam kong matalik siyang kaibigan ng boyfriend ko.







"Alam kong mahal mo din siya Eunice... Pero mas mahal ko siya..."







Tuluyan ng mas naningkit ang mga mata ko. Fvck! Ano bang alam niya sa pagmamahal ko kay Rain!? Bakit!? Saksi ba siya kung paano ako umiyak sa gabi!? Kung paano ako mabaliw dahil sa sobrang selos!? Ano bang alam niya kong gano ko kamahal si Rain maski nasasaktan na ako!? Ano yun? Naturingan na ba siyang Diyos kaya alam niya na ang lahat? At paano niya naman nasabing mas higit niyang mahal si Rain kesa sakin? Bakit?! Nameasure niya ba? Ha?! Para sabihin ko! Wala siyang alam! At wag na siyang magbalak alamin dahil baka mas lalo lang siyang mafrustate kasi sigurado ako, matatalo lang siya. Alam kong hindi kompetisyon ang pagmamahal pero kung magiging kompetisyon lang yun, kung paramihan at palakihan lang ng pagmamahal, talong-talo na siya.







Naiinis ako kasi ang tanga-tanga ng babaeng nasa harapan ko. Hindi niya ba kayang akitin, kunin, o whatsoever manlang ai Rain ng siya lang!? Ng hindi ako ginagambala!? Dahil sa totoo lang, wala naman talagang chance na tutulungan ko siya. Ano ako? Tanga? Boyfriend ko, ihahain ko ng basta-basta sa iba? Kahit gago yung si Rain, mahal na mahal ko padin yon.







"Alam mo? Sinasayang mo lang yang mga luha mo. Tumayo kana diyan. Wala kang mapapala sakin Crown." sambit ko. Like galit ako. Seriously. Galit na naawa.







Tumayo na si Crown pero hinawakan niya padin yung dalawang kamay ko. "Bakit mo ba ginagawa toh?" inis kong tanong.







"D-dahil sayo lang siya nakikinig.. Ikaw ang mahal niya..." Yun naman pala!







"Alam mo naman palang ako ang mahal eh. Sino bang niloloko mo? Yang sarili mo? Maawa ka naman sa sarili mo Crown. Kasi ako? To tell you honestly, I pity you. Naawa ako sayo ng sobra pero hindi ako tanga para utusan si Rain o pilitin siya sayo." lalong-lalo pat magkagalit kami ngayon.







Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon