Eunice's POV
Marahan kong hinipo ang nuo ko. Bakit ang sakit ng ulo ko?
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.
Asan ba ako? Bakit parang hindi pamilyar sakin tong kwartong toh? Possible kayang nakidnapp na naman ako? Haist. Ilang kindapping paba ang kelangan kong pagdaanan para makamit ang happy ending? Tama na please.
Sisigaw na sana ako kung hindi ko lang nahagilap ang ina ko na nakatayo habang umiiyak sa bandang dulo, gilid ng kama kung saan ako nakahiga ngayon.
Dali-dali akong tumayo at nilapitan siya. Pero bago ko paman mayakap si mommy, naapakan ko yung damit ko dahilan ng pagkadapa at pagsemplang ko sa sahig.
Kingina. Masakit yun ah! Bakit ba kasi ang haba-haba ng suot ko! Bakit ba kasi...
O___O
BAKIT GANITO YUNG SUOT KO!?
"Anak okay ka lang? Here, let me help you up." sambit ni mommy habang tinutulungan akong makatayo.
Habang ako, panay pading ang pagpapanic. Pero sinubukan kong iaalis muna iyon sa sistema ko at isipin si mommy. Wala na akong pakealam kung anong mangyari sakin. Si mommy ang mahalaga sa ngayon. Bakit ba siya umiiyak? Alam niya namang ayaw kong nakikitang nagkakaganiyan siya eh.
"Mommy... Ano po bang problema? Bakit po kayo umiiyak? Mommy tama na please." pagpapatahan ko sa kaniya. I even wipped those tears falling from her eyes.
Umiling si mommy sabay hawak sa dalawa kong balikat. "Walang problema anak. Sobrang saya ko lang para sayo. Ang ganda-ganda mo ngayon."
Huh?
"My little princess in a few more minutes, will now be a queen." dagdag pa ni mommy.
"Ma. Ano po bang pinagsasabi niyo?" gulong tanong ko. "Wala po akong maintindihan eh."
Nginitian niya ako sabay sabi. "You really look great on your wedding gown" she giggled "Sabagay, kanino ka pabba magmamana? Edi sakin." self proclaimed lang mommy?
Pero ano daw? Wedding gown?
Wedding gown, wedding gown, wedding gown... WEDDING GOWN!?
O__O
At ngayon lang nag sink in sa utak ko ang lahat. Wedding gown pala tong mahabang kulay puti na suot ko ngayon.
"Ma! Bakit ganito yung suot ko!? Nasan si Rain!? Magkasama lang kami kanina ah!?" andaming tanong sa isip ko. Ano na namang klaseng trip oh? Pakulo na naman ba ito ng magaling kong kapatid!?
"Eunice, calm down. Your getting married. My baby's getting married." maluha-luhang sabi ni mommy.
I'M WHAT!?
Hinawakan ni mommy yung palad ko at dinala ako sa harap ng isang human sized na salamin. At duon, nakita ko ang repleksyon ng isang napakagandang babae na nakasuot ng simple, ngunit eleganteng puting damit that reveals how good the shape of her body is. Nakaayos din ang buhok nito at may nakakabit pang viel dito.
Ako ba talaga toh? Ikakasal ba talaga ako ngayon? Pero kanino?
"Mom! Wag mong sabihing pina arrange marriage mo ako sa iba!? Ma naman eh! Si Rain lang ang gusto kong pakasalan!" halos maiyak na ako. Paano nagawa ng sarili kong ina ang ipamigay ako sa hindi ko man lang kilala. Seriously? Arranged marriage? This is absurd and unbelievable!
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...