Rain's POV
Paalis na dapat ako sa mansion nung bigla niya na naman akong hinarangan.
"Hey! Saan punta mo? Sama ako please?" malumanay na sabi ni Crown.
Saan ako pupunta? Pupuntahan ko yung girlfriend ko. Hindi ko nga alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa isip ko at nagawa ko siyang tiisin ng mahigit tatlong araw. Umabot pa ng tatlong araw para matauhan ako. But fvck. Sobrang nasaktan talaga ako nung tinanong sakin ni Eunice kung worth it paba akong ipaglaban niya. Ngayon lang din ng sink in sa utak ko yung mga sinabi ni Ivan. Hindi ko na kaya. Aayusin ko yung gulo sa pagitan namin ng Anae ko.
"Ah kasi..." nag-aalangang sabi ko kay Crown. Baka kasi pagsinama ko ito, mas lalong hindi ako kausapin ni Eunice.
"Please?" damn that face. Kapag ginagamitan niya ako ng ganiyang mukha, di ko talaga siya matiis. Argh!
"Fine." I said admitting defeat. Bahala na toh mamaya. Basta I'll do everything para makausap si Eunice. Namimiss ko na talaga yung babeng yun.
"Yes! Thanks Payat! Pahawak muna netong phone ko. I'll just get my bag upstairs." excited netong sabi sabay abot sakin nung phone. Ako naman ay napa-upo na muna sa couch.
*tenenenen*
Biglang umilaw yung cellphone ni Crown. May nagtext ata. Hindi ko naman dapat pakekealaman kaya lang nakuha ng atensyon ko yung panggalan nung nagtext. It was Eunice.
Binuksan ko yung meassage at 'Ok, I'll be there ang nakasulat dun.' Anong ibig sabihin non? I scrolled up the conversation at ang nakita kong text ay yung message ni Crown kay Eunice. Isang Address at oras ang nakasulat dito. Pero yung address, agad ko itong narecognize. Hindi ako maaring magkamali, isang karerahan ang magaganap.
"Payat tara na-----" natigilan si Crown nung makita niyang hawak ko yung cellphone niya. "A-akin na y-yan." saka hinablot niya ito sakin. "Anong nakita mo?"
Pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Anong ibig sabihin niyan? Magkikita kayo ni Eunice? Pero bakit sa ganong lugar pa!?" nagiinit yung ulo ko. Alam kong pakana ito ni Crown. Pero bakit niya ginagawa toh?
"I can explain." monotone niyang sabi.
"Wag mo nang itutuloy yang binabalak mo Crown." may diin kong sambit. Ayaw kong magalit sa kaniya. Please lang.
"Rain. Wala naman akong ginagawang masama eh. I'm just doing this for us. Para tigilan na tayo ni Eunice." paiyak na saad ni Crown, pero agad na nagpintig yung tenga ko sa narinig ko.
The Fvck!? "Ikaw ang tumigil!" sigaw ko.
"Bakit ako? Rain, I know you love me. At kapag natalo ko si Eunice, she promised to let you go. Ayaw mo non? Pwede na tayong magpakasal Rain. We can fulfill all our dreams... together." napailing ako sa mga sinabi ni Crown.
Oo, ramdam ko naman na may gusto siya sakin. But hell. I might like her back, but I dont love her. Si Eunice padin. At oo, aaminin kong this past few days nabalewala ko ang girlfriend ko, dahil sa sobrang pagtuon ko ng oras kay Cown. I just missed her, my childhood bestfriend. Yun lang. But now, I have decided. Tama na yung oras at panahon na nilaan ko for Crown. Gusto ko ng bumalik kay Eunice.
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...