Chapter 22 - Breakdown

3.7K 146 37
                                    

A/N: So hindi ko na bibigyan ng mga POV si Trixie dito sa STA since may own story na naman siya. Just so you know.




Eunice's POV




Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong hinanap si Trixie. Gustong-gusto ko na kasi siyang makausap. Kaso wala pa siya, nasa ESU pa daw at nagpapaenroll. Aba infairness naman. Balik pag-aaral na siya?




Kanina talaga, lutang yung utak ko habang nagklaklase kami. Halos di na nga mabiling kung ilang beses ako napagalitan ng prof namin dahil hindi daw ako nakikinig. Haist. Bothered padin kasi ako kay Rain eh, sa lahat ng mga sinabi niya dun sa elevator kanina. Di ko na talaga alam ang gagawin. Trixie naman kasi eh! Asan ka naba!?


--


At dahil wala akong magawa, naisipan ko nalang magluto. Para nadin ma divert ang atensyon ko at hindi na muna maisip si Rain.




Naghihiwa na ako ng mga sibuyas nung biglang...




"Umiiyak kaba dahil naghihiwa ka ng sibuyas? O umiiyak ka dahil malaki lang talaga ang dinadala mong problema?"




Napatigil ako sa ginagawa ko saka tumingin kay Trixie na nakatayo sa may entrance ng kusina.




"Trixie! Buti naman umuwi kana!" pinahid ko muna yung mga luha ko saka lumapit at akmang yayakapin na siya, pero pinigilan niya ako.




"Hep hep hep my dear sister! Pwede bang mag hugas ka muna ng mga kamay mo? Amoy onion yan tas iyayakap mo sakin? Kadiri ka talaga!" maarteng sabi ni Trixie.




Napa atras ako agad sabay sabi "Ang artre mo naman!"




"It's not being maarte. It's beeing clean. Palibhasa hindi mo alam ang salitang yon." sambit ni Trixie sabay irap sakin.




Nagtataray na naman tong kapatid ko. Psh. Pasalamat talaga siya at kelangan ko siya ngayon kaya di ko na muna siya papatulan.




Nanahimik nalang ako at naglakad papuntang sink para maghugas ng kamay.




"Oh tapos na akong maghugas ng kamay. Okay na po?" sabi ko pagkaharap ulit kay Trixie.




"Yeah. Pero di mo padin ako pwedeng hawakan. Ayokong mahawaan ng germs mo." prenteng sabi niya.




Pigilan niyo ako guys. Makukutusan ko na talaga tong kapatid ko eh. Ang arte-arte!




I just rolled my eyes.



Kumuha si Trixie ng cake sa ref saka umupo sa stool dito sa may center table ng kusina.




"Bakit ka ba kasi umiiyak kanina? Ano na naman bang nangyari Eunice? Si Blake ba ang dahilan ng pag-iyak mo? Geez! Edi puntahan mo sa condo niya tas kausapin mo." deredertsong sabi ni Trixie.




"Nakakainis ka din Trixie noh? Nagtanong ka pa kung ikaw lang din naman ang sasagot." inis na sabi ko.




"Hehe. Sorry! Magkwento kana kasi!" ani ni Trixie habang sumusubo ng cake niya.




"Hindi naman kasi si Blake ang dahilan ng pag-iyak ko eh. This time hindi na siya. Kundi... Si Rain." sabi ko.




*cough* *cough*




"T-tubig" agad ko naman inabutan ng isang basong tubig si Trixie. Nabulunan kasi bigla eh.




"Si Rain!?" bulalas niya nung medyo maka recover na.




Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon