Eunice's POV
Tatlong araw. Tatlong araw na ang nakalipas simula nung huling paguusap namin ni Rain sa mall. Hindi ako makapaniwalang matitiis niya ako. Ang buong akala ko, kinabukasan kakausapin niya na namanako kaagad tapos pilit namagsosorry siya at sasabihing ako talaga ang mahal niya. Pero hindi eh. Natiis niyang hindi ako kausapin for three freaking days! Wag niyang sabihin na nakalimutan niya ako, dahil busy siya sa kakaentertain dun sa Crown na yun. Fvck!
*tok* *tok* *tok*
"Sino yan?" walang gana kong tanong sa kung sino man ang kumakatok.
"Your pretty sister." proud pa nitong sabi. "May BWUISITA ka sa baba." dagdag pa nito.
Bwuisita? Baka naman bisita ang tinutukoy niya? Trixie talaga oh. Pero sino namna ang bisita ko? Si Rain kaya? Sana naman siya na... Oo, nasaktan ako dahil sa sobrang selos, nagagalit ako kasi sobrang manhid niya. Napaka Insensitive niya toward what I feel. Pero alam niyo yun, gusto ko padin siyang makita. Hinihintay ko lang naman na sabihin niyang ako lang talaga ang mahal niya at hindi ang Koronang yun.
"Haharapin mo ba yung bwuisita mo? O baka gusto mo nalang na ipalibing sakin ng buhay yon? It will be my honor." hirit pa ni Trixie.
Tamad akong tumayo at binuksan yung pinto. Bumungad naman sakin ang mukha ni Trixie na todo simangot.
"Matutuwa ba ako kapag hinarap ko siya?" gets na naman siguro ni Trixie na yung bisita yung 'siya' na tinutukoy ko.
"Maybe Yes, Maybe No. So pauuwiin ko na ba?"
"Wag. Haharapin ko siya."
"Samahan na kita." alok ni Trixie sakin.
I held her hand. "No. Dito kalang sa taas Trixie. Kaya ko nang harapin yon ng mag-isa"
"You sure?" medyo nag-aalangang tanong ng kapatid ko.
"Very Sure." sambit ko. Tumango naman si Trixie kaya naglakad na ako pababa ng hagdan.
Too my dissapointment, hindi pala si Rain ang bisita. Asa naman akong pupunta yon dito. Baka narealize niya na nga talagang si Crown na ang mahal niya. Haist.
At itong babaeng to naman, tama si Trixie. Isang BWUISITA nga at hindi Bisita.
"Anong ginagawa mo dito?" bilib na ako sa sobrang kapal ng mukha niya. Ang lakas pa ng luob na magpakita sakin. Para ano? Para ipamukhang ipinagpalit na talaga ako ni Rain sa kaniya? The hell!
"Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay niyang sabi.
"We're already talking." mataray kong sabi. Aish! Nakakainis talaga tong Crown na toh. Bakit ba sobrang hinhin niyang magsalita!?
"Eunice kasi... I want to ask you to break up with Rain... Pakawalan mo na siya. I have proven na ako talaga ang mahal niya." derederesto nitong sabi.
Agad namang nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Ano siya!? Nahihibang!? Ako!? Makikipaghiwalay kay Rain!? At siya nadaw ang mahal nito!? I hate her guts!
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...