Chapter 17 - Playing Cupid

4.4K 163 79
                                    

Trixie's POV




Tinext ko si Eunice at tinanong kung nasan siya. Ang sabi niya sakin nasa condo daw siya ni Blake.




Tapos na akong kausapin si Kiara kaya ngayon naman si Blake sana. Pero kailangan ko munang paalisin si Eunice. At may naisip na ako kung pano.. Watch and Learn..




Nakarating na ako ng Condo ni Blake at nagmadaling umakyat sa floor ng unit niya. Sinadya kong lakasan yung pagkatok sa pintuan. Kalampag kung kalampag eh. Haha!




"Wait..  Sino ba yan?" Dinig kong sabi ni Blake galing sa luob. Di ko lang siya sinagot, bagkus ay mas nilakasan ko pa yung mga katok.




Buksan na kasi!




"Eto na. Sisirain mo ba yung pinto------Trixie?" bungad ni Blake pagkabukas ng pintuan.




"Si Eunice?" Aligagang sabi ko





"Nasa luob... Are you okay?" tanong ni Blake.




Marahan ko lang siyang tinulak at pumasok ako ng condo niya. Naabutan ko pa si Eunice na pakain kain ng popcorn habang nanunuod ng movie. Nagmomovie marathon pala sila. Tch.




"E-eunice" I called out.




Nilingon niya din agad ako. "Trixie? Anong ginagawa mo dito?




"E-eunice... S-si Rain..." mangiyak-ngiyak kong sabi.




"Anong nangyari kay Rain?" Bulalas ni Eunice habang papalapit sakin.




"Na-aksidente siya... S-sinugod siya sa ospital. Kailangan mo siyang puntahan. Naghihingalo na siya..." Pagdradrama ko.




"Ano!? Saang ospital!?" Sigaw ni Eunice.




"Sa St. Lukes Hospital" sambit ko.




"K-kaialangan ko siyang puntahan!" Saad ni Eunice habang kinukuha yung bag niya sa couch at kumaripas ng takbo palabas ng unit ni Blake.




Sige lang Eunice.. Atleast ngayon, masosolo ko na si Blake. Pwede ko na siyang kausapin.




Si Blake naman, halatang gulat pa sa mga nangyari. Ang OA naman kasi ni Eunice eh. Daig pa si flash sa sobrang bilis na umalis. Di manlang nagpaalam kay Blake? Haha! Paning-paniwala pa siya sa drama ko. Ang galing ko talaga.




Anyways, I think I should stop the drama and start getting into business. Kailangan ko ng maging seryoso at dapat ko nading gawin yung kung ano talaga ang pinunta ko dito. Kaya hinarap ko na si Blake.




"Iwan mo na si Eunice" Walang pag-aalinlangang sabi ko.




Napatumba ko na si Kiara kanina kaya ngayon dapat mapasuko ko nadin si Blake. Hindi siya pwedeng maging hadlang sa kanila ni Rain.




Halatang nagulat si Blake sa mga sinabi ko, but he managed himself. "At bakit ko naman gagawin yon?" Tanong niya.




Mas lumapit pa siya sakin. Nako.. Gwapo naman pala itong si Blake eh. Pero sorry siya dahil hindi ko siya type! Ayaw ko kasi sa mga lalaking mas maputi sakin. Nakaka insecure. Haha!




"Dahil masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo pa ang relasyon niyo. Diba pinagbawalan mo na siyang makasama si Rain? Pero kitang-kita mo naman ang pagkataranta ni Eunice kanina nung malamang na aksidente si Rain." Totoo naman kasi. Umalis nga agad si Eunice eh "Tsaka iniwan ka nalang niya bigla dito.." dagdag ko pa.




Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon