Chapter 36 - Manhid Sickness

2.7K 122 85
                                    

A/N: At dahil di ako makatulog, naisipan ko nalang mag UD! Grabeh! Di ako makapaniwalang naka limang UD ako ngayong araw na toh. Sinipag si Majasty? Haha XD Anyways, enjoy reading.






Eunice's POV






Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon ng breakfast ni Rain. Buti nalang at wala yung Koronang yun! Maaga daw siyang umalis sabi nung katulong nila Rain! Atleast, wala nang sagabal diba!? Sana talaga hindi na siya bumalik para masolo ko si Rain for atleast 3 days!






"Kain kapa Anae..." at ayan na naman po si Rain at nagpapakasweet.






^_____^






"Payat!" agad namang tumayo si Rain at sinalubong ang kararating.






"Saan ka galing?" nagaalalang tanong ng BOYFRIEND KO sa Koronang yan.






"I just took a stroll sa village niyo. Wag mo ngang ipakita sa harap ng girlfriend mo  na masyado kang nagaalala sakin." saka ngumiti si Crown at hinalikan sa pisngi si Rain.






At pwede din ba Crown!? Wag mong ipapakita na nilalandi mo ng harap-harapan yung boyfriend ko!






"Ahm. Sabay kana saming magbreakfast." aya ni Rain sa babaeng yun.






Wala na. SIRA na agad ang araw ko. Bakit kailangan niya pang ayain si Crown? Okay na naman yung kaming dalawa lang yung kumakain diba?






"Wag na. Nagbreakfast nadin kasi ako sa Cafe malapit lang dito sa village niyo." malumanay na sabi nito kay Rain.






"Ahh sige." akmang babalik na si Rain sa tabi ko nung biglang pigilan ito ni Crown. Napalakas tuloy ang hawak ko sa Kutsara't Tinidor ko. Ito pa tuloy ang pinanggigigilan ko ngayon.






"Payat may gusto akong gawin."






"Ano yun Lampa?" tanong ni Rain kay Crown. Ako naman ay pilit na tumititig lang sa plato ko. Ayokong tignan silang dalawa.






Alam niyo minsan? Gusto kong hiramin yung masamang ugali ni Trixie. Para magkaruon ako ng guts na awayin at sumbatan tong si Crown. Kahit isang araw lang...






"Swimming tayo." malambing na pagkakasabi ni Korona.






"Sure. May swimming pool naman dito eh." sambit ni Rain.






"No Payat! I mean, swimming tayo sa beach. Namiss ko din kasi yon eh."






Sige lang. Mag-usap lang kayo na para bang wala ako dito. Tangina umayos ka Rain!






"Ahh sige... Kelan?"






Di ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo na ako at nilagpasan silang dawa. Nakakahiya naman sa kanila at naririnig ng GIRLFRIEND ang mismong usapan nila.






Nakarating na ako ng kwarto ni Rain. "ARGHHHHH!" konting tiis pa Eunice. Wag ka munang sasabog.






"Eunice." boses yan ni Rain. Di ako maaring magkamali. Tsaka ano yon? Nagkausap lang sila nung 'Lampa' niya Eunice na ang itatawag niya sakin? Asan na ang Anae? Ha!? Bwuisit!






Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon