Rain's POV
"Bakit hindi niyo matapos tapos yung presentation!? I've given you all a week! Wala na kasi kayong ibang ginawa kundi ang magdaldalan dito sa opisina kaya madaming stuck ups na trabaho!" Sigaw ko dito sa meeting room. Nakakabwisit kasi tong mga taong toh. Lagi nalang delay yung presentation. One month lang ang binigay na palugit sakin ng board. And as a CEO, ayokong magfail at madumihan yung pangalan ng kompaniya dahil lang sa kapabayaan ng mga tauhan ko.
"Sir, we did everything. Kaya lang, sadiyang kulang tayo sa Resources." Sabi nung babaeng head ng assigned group
"Resources? That's a bullsh*t reason! Kulang paba yung sa kompaniya natin!? Isa tayo sa malalaking Airports all over the world tapos sasabihin niyong kulang sa Resources!?" Nagiinit na talaga yung ulo ko sa mga toh
"Sir that's not what we mean, pero alam niyo naman na we need help from the---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nung baklang architecture ng grupo
"No! We should learn how to be independent! Hindi tayo pwedeng umasa o humingi ng tulong lalo pa sa kompaniya nila! Hindi ako papayag!"
"But sir, their company is what we really need. She is what we need. Hindi namin alam kung ano pa yung kulang sa presentation and we all know na matutulungan niya tayong i-solve yung problem" sambit naman nung isang membyro ng team.
Kilala ko naman kung sino yung tinutukoy nila eh.
"Look sir, if we want to impress the board with this project? We'll need her. Gaya lang nung dati." Suhestyon ng group engineer
Gaya nung dati, yung pagtulong niya sa kompaniya 4 years ago... Nung kami pa.. But things have changed.
"We dont need her! We dont need anybody! I can do that. Send me a copy of your unfinished project! I'll work on it overnight! I'm sure makikita ko yung mali sa project na hindi niyo maayos-ayos! Sigurado lang naman akong tinatamad lang kayo. You dont do your best sa field kung saan assigned kayo! Ano pang silbi at binigyan ako ng team kung kayo lang din naman ang members!? Magsilayas nga kayo sa harap ko!" Sigaw ko ulit sa kanilang lahat. Kabanas kasi. They're really pissing me off.
"I quit." Napatingin ako sa nagsalita.
"You what?" Di makapaniwalang tanong ko
"Rain I quit! Hindi ko na kaya! Yung tawagin kaming tamad? That's below the belt Rain! You just dont know how much effort I put into this project. Halos ilang araw na akong walang tulog para isupervise ang buong team tapos kami pa ang tamad? Is the problem really on us? O baka naman sa boss namin na wala ng ibang ginawa kundi ang magalit at magsungit" sambit nung coordinator ng team
Ang kapal ng mukha niyang sabihin yun. She doenst respect me.
"Ngayon sinasabi mong ako ang problema? Hindi naman ako magagalit kung maayos ang---"
"No sir. Imbis na tulungan mo yung team, lagi nalang yung flaws ang nakikita mo. Bakit ikaw? Perpekto ka bang tao? Hindi naman ah... Tapos isa pa yang pride mo.. Alam niyo sir? If you really want to succeed on this project? Learn how to put down your pride." Saka lumabas ng opisina yung babaeng yun.
Bwuisit!
"Oh kayo!? Sino pang gustong umalis sa inyo!? You're free to leave this company! No ones stoping you! Hindi ko kailangan ang mga employers na malalaki yung ulo!" Bulyaw ko sa mga taong natira sa team.
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...