Rain's POV
Bahagya akong napangiti sa nabalitaan ko kay Alyanna. Ang sabi niya, mukhang napilit naman daw niya si Eunice na tumira ulit kasama ako. Kaya lang, kailangan munang magpaalam ni Eunice sa boyfriend niya. Sana pumayag yung kumag na yon.
Napatingin ako sa wrist watch ko at saktong Alas Otso kaya naisip ko na andito na sa opisina si Eunice.
Pasipol-sipol pa akong lumabas ng opisina at nagtungo sa third floor kung saan nakapwesto ang desk niya
*ting*
Nakita ko agad siya pagkabukas ng elevator. Malapad na ang ngiti ko pero tila napawi ito agad nung makita kong may kausap si Eunice na lalaki. Ang masaklap yung engineer pa ng grupo na may dalang bulaklak at inabot ito kay Eunice. Eto namang si Eunice, masaya pa itong tinanggap. Nakaka-init ng ulo. Diba nga may Blake na siya? Eh bakit nagpapaligaw pa siya sa iba?
Dapat na isisirado ko na ulit yung elevator saka babalik sa 5th floor nung naisip ko yung plano ko. Hindi ako papayag na may makakasira nito.
Bumalik ako at nilapitan sina Eunice. Kunwaring umubo ako para mapansin nila yung presensya ko, at hindi naman ako nabigo kasi napalingon silang dalawa sakin.
"Ms. Chae Yun, follow me to my office" sabi ko saka tumalikod. Maglalakad na sana ako palayo nung maisip ko na baka hindi din siya agad sumunod sakin at kausapin pa yung lalaking nagbigay ng bulaklak kaya humarap ako ulit sabay sabi "And I mean now" at naglakad na ako papasok ng elevator
Eunice's POV
Problema nung boss ko? Ang aga aga nagsungit na agad.
Hinarap ko ulit si Joshua sabay sabi "Josh. Thanks ulit dito sa bulaklak ah. Nag-abala kapa" saka ngumiti pa ako
"Walang anuman po Ma'am. Natutuwa lang po talaga kasi ako dahil sa pagtulong niyo sa buong team. Gusto ko lang po magpasalamat" magalang na sambit ni Joshua, yung engineer.
"Diba sabi ko Eunice nalang ang itawag niyo sakin? Tsaka ma una na muna ako ah. Mukhang beast mode na naman kasi si Sir Rain eh" aniya ko, tas sabay pa kaming natawa ni Joshua
"Thank you po ulit" sabi niya
Na-appreciate ko talaga na nagbigay siya ng bulaklak para magpasalamat sakin.
"Walang anuman" saka nagmadali akong nilapag yung bag ko at bulaklak sa desk ko at patakbong nagtungo sa elevator.
Pagkarating ko sa elevator ay nakabukas yun. Hinihintay pala ako ni Rain at nai-hold niya lang yung pinto. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating ng fifth floor.
"Goodmorning Sir... Goodmorning Ma'am" halata sa sekretarya ni Rain yung gulat nung nakitang nakasunod ako sa boss niya
Nagdederetso lang si Rain at parang walang narinig kaya sumunod nadin lang ako. Mukha talagang mainit yung ulo niya eh.
Pagkapasok namin sa opisina niya ay nilock niya yung pinto sabay harap sakin
"Mag half day ka nalang ngayon. Go pack your things this afternoon. I'll pick you at your house at exactly 5:00 pm" aniya ni Rain
"Sige, pero kaya ko ng ipagdrive yung sarili ko. And I'll be at your house by 6:00 pm. If it's okay with you Sir." sambit ko
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Novela JuvenilDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...