Eunice's POV
Safe naman kaming nakarating sa Baguio. Kaso, gabi nadin masyado at pagod na si Rain na maghanap ng hotel kaya dun nalang kami sa hotel na alam namin. At yung hotel na yun? Dun kami dati nag stay nung mga college palang kami. Hindi ko tuloy maiwasang mag reminisce ng past.
"Ano!? Hindi pwede miss. Paki-check naman ulit oh" dinig kong sabi ni Rain sa may counter.
Nakaupo lang kasi ako dito sa couch ng hotel eh, di kalayuan sa kanila.
"Sir... Nacheck na po natin ng ilang beses. Isang room nalang po talaga ang available eh" sagot nung kausap niya
Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan yung pinag-uusapan nila eh kaya minabuti ko nang lumapit kina Rain.
"May problema ba?" Bungad ko pagkalapit. Sige magpapaka I dont know na muna ako. Haha.
"Isang room nalang daw kasi ang available. But dont worry.. Maghahanap nalang tayo ng ibang hotel Eunice" aniya ni Rain
Kitang kita ko sa mukha ni Rain yung frustration tsaka pagod nadin. Imagine. Lampas 5 hours siyang nagdrive. Sino ba naman hindi mapapagod ng husto nun diba?
At dahil na-aawa ako sa boss ko. Eto nalang yung sinabi ko dun sa babae. "Kukunin na namin yung room miss. Magkano ba?"
"Seryoso ka?" Di makapaniwalamg tanong ni Rain.
"Alam kong pagod kana kaya kunin na natin yung room"
"S-sige"
Kaya ayun. Naghati kami ni Rain sa bayad. Hindi kasi ako pumayag na siya lang mag isang magbabayad.
"Kumain na muna tayo bago umakyat" sambit ni Rain
"Okay" tipid na sagot ko. May mini Resto naman kasi dito so hindi hassle.
"Goodevening Ma'am, Good evening Sir" bati nung nagbukas samin. "Ilang taon na po kayong kasal?" Tanong nung babae na siyang ikinagulat ko ng husto
Kasal agad ate? Di ba pwedeng ilang taong magkasintahan muna? Kung sabagay... Naka pang office attire pa kasi kami ni Rain so akala siguro niya na mag-asawa na kami.
"Why do you even ask?" Pagsusungit ni Rain
Hindi nga kasi ako muna nakapag react kasi nasa state of shock pa ako. Asawa talaga? Mukha ba kaming mag asawa?
"Since it's the month of love at malapit nadin po ang valentines day. May free service po kami para sa mga mag asawang naka check in dito sa hotel" pag-explain nung babae
Ay oo nga pala noh? February 11 na pala ngayon.. Month of Love nga.. Namiss ko tuloy si Blake...
"Ganon ba? Sorry miss pero hindi ko siya asawa" -Rain
"Ahh.. Meron din naman po kaming discount para sa magkasintahan eh"
"Hindi ko din siya girlfriend"
Okay. Bakit ba hindi ako makapagsalita?
"Talaga po? Pero nililigawan niyo po siya?" Tanong nung babae
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Roman pour AdolescentsDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...