Chapter 19 - Space

3.3K 151 25
                                    

Eunice's POV




Unti-unti ko nang minumulat yung mga mata ko. Nakatulog kasi ako kanina habang inaalagaan si Rain.




May naramdaman akong mabigat na nakapatong sa balikat ko, and later did I realize na nakayakap sakin si Rain.




Sobrang lapit lang ng mukha naming dalawa. Abg bilis ng kabog ng dibdib ko. Pero may something sakin na di ko siya nagawang mai-tulak. Or even scream, di manlang ako sumigaw para magising siya. I just froze.




Nagulantang lang ako, including Rain nung biglang bumukas yung pintuan. And I saw him standing there.




"Now I get it." he faked a smile and turned his back on me.




Nataranta ako dahil lumalakad siya palayo. Agad akong tumayo at ganon din si Rain.




Rain held my hand "Eunice"




Napailing ako and I bit my lower lip "Sorry Rain.. I really have to go." hinigit ko yung kamay ko saka hinabol si Blake.




Blake's POV




Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para pumunta sa mansion ni Rain, at dun hanapin si Eunice. Magdadapit hapon na kasi pero hindi pa siya nagtetext o kaya tumatawag sakin. Nag aalala na ako.




Pero parang nagsisi na ako na hinanap ko pa siya.




I love Eunice so much. Siya na ang babaeng gusto kong pakasalan. Naka set na lahat yun, nakaplano na yun sa utak ko. Lahat gagawin ko para sa kaniya. Kahit di ko alam kung anong nararamdaman niya sakin--o may nararamdaman paba siya para sakin. Wala akong pakiealam basta mahal ko siya!




"Blake! Stop!" Hinabol niya ako? Iniwan niya ba si Rain para habulin ako? Haharapin ko ba siya?




"Blake naman!" sigaw niya ulit.




Nasa labas kaming dalawa ang mansion ni Rain. Tumigil na ako sa paglalakad pero di ko padin siya nililingon. Ayoko kasi na makita niya yung itsura ko. Yung malungkot. Yung nasasaktan. Hindi naman kasi ako toh. Hindi ganito yung Blake na kilala niya.




"Tama si Trixie.. Mahal mo parin siya..." Sabi ko. Napatungo ako. T*ng *na naman kasing mga matang toh. Bigla nalang nang-gigilid yung luha.




"Blake.."





Kaya ko naman ang lahat para sakaniya. Pero ang sakit lang talaga dito oh. Sa dibdib ko.





"Ilang taon ng lumipas, siya padin? May bagong girlfriend na siya, siya padin. Nag move-on kana, pero siya padin. Ano ba ang dahilan ng pagbalik mo dito sa Pilipinas? Siya padin?" humarap ako sa kaniya at wala na akong pakialam kung makita niyang umiiyak ako. Nanlaki yung mga mata niya ng makita akong ganito.




"Palagi nalang bang siya Eunice? Bulag ka padin ba ng pagmamahal mo kay Rain kaya laging siya!?" suminghap ako bago nagsalita ulit. Tinitigan ko siya sa mga mata. "Pano naman ako Eunice? Kelan ba magiging ako?"




Sa tinagal tagal ko siyang minahal. Ngayon lang ako nagreklamo ng ganitio.





"Blake.. It's not what you think.."





"Ginagawa ko naman ang lahat. May mga times na nararamdaman kong tinutulak mo ako palayo, na binabaliwala mo ako. But you know what? I still hold back. Kasi kahit masakit? Okay lang, kasi yun din naman ang nagpapasaya sakin. Masaya na ako na matawag kang akin. Masaya na ako na nayayakap at nahahalikan kita. Masaya na ako na nakakasama kita. Pero masakit! Masakit padin."




Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon