Chapter 21 - Elevator

3.4K 154 31
                                    

A/N: Dalawang chapters yung inupdate ko kasi feeling ko magiging busy na naman ako. Pero I'll try to post chapter 22 kapag nakita kong nagawa na yung rules. Thanks!




Trixie's POV





"Get your hands off her! Sawa na ba kayo sa mga buhay niyo!?" may narinig kaming nagsalita.





"Anong sabi mo!?" sabi ng boss nila na nakapatong padin sa ibabaw ko.





"Ang sabi ko. Wag mo siyang hawakan." galit na galit na sabi ng lalaki tas may narinig akong balibagan.





Naramdaman ko nalang na wala na sa ibabaw ko yung boss nila. Wala nading may nakahawak sa mga paa at kamay ko. Pero di padin tumitigil sa pagbagsak ang mga luha ko. Nanginginig padin ako sa takot.





Sinikap kong makatayo. Puro suntukan at balibagan lang ang naririnig ko. Tinatakpan ko nalang yung katawan ko dahil bra nalang ang natira sakin. Pinunit na kasi nila ang pang itaas na damit ko kanina. Sinusubukan kong tignan kung ano nang nangyayari pero malabo lang yung paningin ko. Siguro dahil din toh sa mga luha ko na hindi tumitigil sa kaka-agos. Pinahid ko na muna ang mga ito saka nakita ko yung likod ng isang lalaki na pilit pinapatumba yung tatlong nambaboy sakin. Teka.. Parang pamilyar... si...





Anong ginagawa niya dito?





Nasa sulok lang ako habang umiiyak. Si Blake.. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba lasing siya? Akala ko ba di na niya kayang makatayo? Pero bakit andito siya? Pinagtatangol ako? Wala akong makitang bahid ng kalasingan sa mukha niya o sa mga kinikilos niya.





Lumapit siya sakin at isinuot sa mga balikat ko yung jacket niya. "Are you okay?" he asked, full of concern.





Nanatili lang akong tahimik while still sobing. Nanginginig padin ako. Dahil sa galit? Dahil sa takot? Sigura nga.





"Hey! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Bakit ba di mo ako sinasagot!?" sigaw ni Blake.





Tinignan ko lang siya. Tapos tumingin ako sa tatlong lalaki na nakahandusay sa sahig. Sa sobrang galit ko sa sarili ko, sa nangyari, naglakad ako at hinanap yung pinaka boss nila. Sinipa ko siya.. Sinipa ko siya ng sinipa habang umiiyak. Di padin ako tumigil kasi gusto ko silang... Gusto ko silang saktan hanggang sa malumpo sila. Di pa dapat ako titigil pero nagulat ako nung may humawak sa balikat ko. He pulled me close to him. He pulled me close into a hug.





"Shhh. Tama na.. Awat na.. You're safe now." sabi pa ni Blake.





Di lang ako nagsalita but instead, I burried my face into his chest. Truth to be told? Medyo kumalma na ako ng dahil sa yakap ni Blake. For the first time in a long time, I feel safe. Not because of my own strength but because of this guy. I felt like I'm in the safest place in the world, in his arms. Like no one could harm me. And for the first time, I felt like I don't have to fight for myself. Yung pakiramdam na pwedeng maging mahina lang ako kasi siya naman ang magsisilbing lakas ko.


--



Di ko pa kinayang magdrive dahil sa sobrang trauma na natamo ko at ayoko pading umuwi sa bahay dahil ayokong makita ako ng pamilya ko, especially my son in this condition. Kaya pinakiusapan ko si Blake na dalhin niya muna ako sa condo niya. Dun na muna ako hanggang maging okay na ako.





Nakaupo na ako dito sa sala ni Blake at nakabihis nadin ako. Pinahiram niya kasi ako ng shirt niya kanina. Kanina pa ako tahimik.. at si Blake naman, kanina pa andito sa tabi ko. Walang may umiimik samin. At parang di nadin siya lasing.





Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon