Chapter 16 - This Means War

3.8K 157 65
                                    

Trixie's POV




Dahil marami akong connections ay nakapagpaset ako ng appointment ngayon para makaharap yung Kiara Devayra na yun. At syempre.. Dumating ako ng 1 hour late. Sinadya ko talagang paghintayin siya ng matagal. Haha.




"Akala ko hindi kana dadating" bungad niya sakin pagkadating ko. Nakipagbeso pa siya at ang lapad ng ngiti niya. I hate her face.




Andito kami sa isang VIP room kaya okay lang naman siguro na magkasagutan kaming dalawa. Para magkaalaman nadin kung sino talaga ang super bitch between the two of us.




"Di na ako magpapaligoy pa. Why on earth did you send those pictures to Blake? " at tinapon ko sa kaniya yung envelope na dala ko. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko. Eh wala ka naman pala eh.



"W-what the hell are you talking about!? And how dare you do that to me! Hindi mo ba ako kilala!?" Galit na galit na sabi niya.




"Kilala kita.. Ikaw yung umahas kay Rain 3 years ago.. At ngayon, ikaw naman ang pilit na sumisira sa relasyon nila Blake at Eunice. What the hell is your problem?" Bulalas ko.




"Ang lakas ng luob mong pagbintangan ako ng kung ano-ano! I don't even know you!"




"Oh? Sorry.. Nakalimutan kong magpakilala.. Ako ang original na bitch sa kwentong toh. Kaya wag na wag mong aagawin ang role ko dahil wala ka pa sa kalingkingan ng mga kaya kong gawin." Mataray kong sabi.




"Excuse me? Sinong tinatakot mo? Darlin' hindi mo din alam ang mga kaya kong gawin.. And just so you know? I'm the princess of all the bitches." Pagmamalaki niya.




Tch. Pathetic.




"Nakapatay ka na ba ng tao? Kasi ako? Muntik ko ng magawa yun dati.. At ano ulit yung sinabi mo? Your the princess of all the bitches? Tch. Prinsesa kalang, ako Reyna. Anong panama mo dun?" Saka tinaasan ko siya ng isang kilay.




"Sino ka ba talaga!?"




"Ako ang papatay sayo ora mismo kapag hindi mo pa tinantanan si Eunice!" Pananakot ko.




"Ano bang kailangan mo sakin!?" Sigaw niya. Pero ramdam kong natatakot na talaga siya.




Kita niyo tong babaeng toh. Wala pa nga akong ginagawa ah pero ganiyan na siya ka takot.




"I need you to tell me the reason kung bakit mo ginugulo sila Blake at Eunice! Di ka paba kontento kay Rain? Isa pa pala yang Rain na yan.. Ewan ko ngaba kung ba't ka niya nagustuhan. There's nothing special about you." Mapang-asar na sabi ko.




"Excuse me? Kita mo naman ako diba? Maganda at Sexy. Kaya kahit sinong lalaki mauhumaling talaga sakin. Kahit na boyfriend mo pa" pagbabanta niya.




"Sinong tinatakot mo?"




"Bakit? Threatened ka na ba sa ganda ko?" Pagmamalaki niya saka ngumiti.




Syempre mas nginitian ko siya ng malapad. "Kay Athena nga na kilalang diyosa ng kagandahan di ako na threaten.. Sayo pa kaya na mukhang dalawang paligo lang ang lamang sa taong grasa?" Saka nagsmirk ako.




Nakita ko naman kung papaano mas lalong naningkit yung mga mata niya.




"You're really getting on my nerves!" Sigaw niya.




Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon