Chapter 23 - Mah--nligaw ka muna!

3.8K 165 20
                                    

Eunice's POV




Andito ako ngayon sa mall, sa starbucks habang hinihintay sina Alexa at Alyanna. Pinatawag ko kasi sila dahil nabobored ako sa bahay. Parang pinagsisihan ko pa tuloy na pinabalik namin si Trixie sa pag-aaral. Pano ba naman kasi? Wala na akong makausap sa bahay tas lagi pa siyang late na umuuwi sa gabi. Ewan ko nga kung san nagpupunta yon. Di naman kasi siya palakwento sakin. Basta this past few days naging busy na talaga siya. Tsaka biruin niyo yon? Dalawang araw palang ang pamamalagi niya sa ESU pero may manliligaw na agad? Pumunta nga kagabi sa bahay eh. Kent Dale daw pangalan. Gwapo naman eh kaya okay lang sakin, basta wag niyang sasaktan si Trixie. Kasi kahit demonyita yun sa paningin ng iba? May puso din yon at marunong masaktan. At ako talaga ang makakabangga nila kapag sinaktan nila ang kapatid ko.




"Bess!" napalingon naman ako agad sa dereksyon kung saan ng galing yung boses, nakita ko si Alyanna na kumakaway habang papalapit sakin. Nakipagbeso siya saka umupo sa may harapan ko. "Kumusta?" bungad niya.




Eto, hindi okay. Kasi naman andami kong iniisip. Iniisip ko kung ano ng nangyari kay Blake. Tatlong araw palang naman kaming hiwalay pero gusto ko pading alamin yung lagay niya. Si Rain naman, isa pa yang prinoproblema ko. Simula nung na stock kami sa elevator, na kagagawan naman niya, eh hindi na nagparamdam sakin. Psh. Kung kelan nalinawagan na ako sa sarili kong siya ang mahal ko, dun naman siya magloloko? Haist. "I'm fine." sagot ko kay Alyanna saka nagpakawala ng pilit na ngiti.




"No your not. Kelan kapa natutong magsinungaling sakin? Sakin na BESTFRIEND mo." talagang diniinan niya pa yung salitang bestfriend noh? Oo na, masyado niya na akong kilala.




"Eh kasi naman..."




"Hi! Sorry I'm late Eunice ah?" bungad ng kararating lang na si Alexa at umaktong parang hangin lang sa paningin niya si Alyanna.




Tong dalawang toh talaga. Kelan kaya nila balak mag bati?




"Di ka padin nagbabago noh? Your always late." reklamo ko. Umupo din naman siya sa tabi ko since pang four seaters naman tong mesang toh.




"Alexa." napatingin ako kay Alyanna na tinawag siya.




"Nirereklamo mo diyan? Atleast pumunta padin ako noh. Tsaka bakit mo ba ako pinatawag? Miss mo na ako noh? Yiiiieeee." masayang sabi ni Alexa at parang di manlang narinig si Alyanna na tinawag siya. Aish. Ako ang nahihirapan sa kanilang dalawa.




Di ko nalang pinansin ang ganong pag akto ni Alexa saka sinabi sa kanila ang dahilan kung bakit biglaang gusto ko silang makita. Nagulat sila sa mga rebelasyon ko. I told them about what happened between me and Blake. And ofcourse yung kay Rain. Si Rain na hindi ko na mahagilip. Kainam yung lalaking yon.




"Oh my gosh! I'm so happy for you Eunice! Although nakakaawa si Blake. Pero I'm sure time will heal all the wounds. So pano yan? Kayo na ulit ni Rain? I'm so excited for the both of you!" masayang sabi ni Alyanna.




"So ganon nalang yon? Pagkatapos kang saktan ni Rain? Pagkatapos ka niyang pagbitawan ng mga masasakit na salita dati? Ganon nalang yun. Kayo na agad? Wow lang ha. Alam ko kung gano mo siya ka mahal Eunice. Pero wag ka na sanang tanga. Di kana nadala? Kayo na agad? Ni di mo manlang siya pinahirapan bago ka niya makuhang muli?" bitter na sabi ni Alexa.




"Hindi naman ata tamang tawagin mong tanga si Eunice, Alexa. Nagmamahal lang siya." depensa ni Alyanna sakin.




Tumingin si Alexa ng pagkasama kay Alyanna. "Shut up. Hindi ikaw ang kausap ko."




Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon