Chapter 5 - I Need You

4.2K 137 36
                                    

Eunice's POV




Shemay. Alam ko namang may passion talaga ako when it comes to law pero wala talaga akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng prof namin ngayon sa harapan. About taxation kasi.. Eh sa lahat ng field ng law, yung taxation pa naman yung pinaka ayaw ko. Mas gusto ko dun sa mga topics na related sa criminal cases.




Sabado kasi ngayon kaya may review ako ng law dito sa ESU. Could you believe it? 5 days had past simula nung last na pagkikita namin ni Rain dun sa opisina niya.. To tell you the truth guys, nakamove-on na ako dun sa 'I dont need you in my life. Kaya pwede ba? Umalis kana' linya ni Rain.




Right. Sino ba niloloko ko? -_______-




Hayaan na nga! Makapagfocus nalang dun sa sinasabi ng prof namin.




Carbonara, pizza, bigmac, cokefloat, food and a lot of foods. Yun lang talaga ang pumapasok sa isip ko ngayon. Waaaaah. Gutom na ako T__T




Finally ariel happened to meeee----dejoke lang! Finally, ay natapos na yung review session namin kaya pababa na ako ng building nung may narinig akong nagsibulungan




'Oo andito daw siya.. Ano kayang ginagawa niya dito?' Girl no. 1




'I dont know. Pero diba siya yung anak nung may ari ng ESU? Ang gwapo niya pala frend' Girl no. 2




Landi ni Ate noh? Pero teka... Anak daw ng may ari ng ESU... Possible kayang si... Oh no. Pero ang sabi dun sa description ni Girl no. 2 eh gwapo daw. Pero hindi naman gwapo si Rain... O sige gwapo siya, kaya nga ex ko diba? Wahaha joke! Pero masgwapo padin si Blake!




Nilagpasan ko nalang yung mga chismosa kong mga kaklase saka nagmadaling bumaba ng hagdan.




Nakarating nalang akong parking lot pero hindi ko padin nakikita yung lalaking sinasabi nung dalawang babae kanina.




Pasakay na ako ng kotse ko nung biglang may tumawag sakin




"Eunice"




Shemay. Boses palang kilalang kilala ko na kung sino.




Wag kang haharap Eunice. Maghulos dili ka. Sumakay ka nalang sa kotse mo! Dali!




"I never thought I'd see you here" mataray na bungad ko kay Rain pagkaharap ko




Sinabing wag humarap diba!? Ano ba tong trip ko.




"Can we talk?"




"We're already talking"




"Oh yeah" at halata sa mukha niyang napahiya siya "I just wanna say sorry. Sorry sa inasal ko last time" paumanhin niya




Marunong pala siyang magsorry? Akala ko hindi.




"I forgive you" walang emosyon kung sagot "Is that all? May lakad pa kasi ako eh" kahit wala naman talaga. Ayoko lang siyang makausap ng matagal.




"One more thing I wanna ask" sambit ni Rain




"What?" Usisa ko




"Come back to me..."




Kahit wala akong kinakain ay nabulunan padin ako sa mga narinig ko. Nabulunan ako sa laway, bakit? hindi pwede? Angal kayo?




Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon