Chapter 30 - Savoring The Moment

3.1K 153 81
                                    

A/N: Mapilit kayong mag UD ako eh. Eto naaaa. Salamat nga pala sa pagtadtad ulit ng comment last chapter. Sana ganon palagi para lahat tayo masaya! Haha dejoke. Pero seryoso. Di niyo lang alam kung gaano niyo ako napapasaya. *teary eyed* Choss. Magbasa na nga kayo nung update. Haha Loveyou all guys.








Eunice's POV





*Ting!*





Kasabay ng pagbukas ng elevator ang pagtakbo namin agad patungong dalampasigan.






Sht. This can't be happening.






Hingal na hingal kami nila Alyanna at Alexa at pilit pa naming hinahabol yung hininga namin kasi ang bilis bilis netong tumakbo eh. Tawa kayo sa joke ko biliiiis! Eksdiiii.






*hingang malim*






"TRIXIIIIIIEEEEEEEEEEE!" sigaw ko ng pagkalakas nung marealize kong naloko niya naman kami. Ano bang trip nong kapatid koh!? Muntik na akong atakin sa puso nung malaman kong tumaob DAW yung bangkang sinakyan nila Rain! Tapos makikita ko yung Tatlong nagsisigwapuhan slash hot with their sando and beach type shorts outfit na prenteng nakatayo sa stage at ngiting-ngiti pa!?





Ughhhhh! Bakit ba kasi ako nagpapaniwala agad!? Nakalimutan kong si Trixie Gonzales pala iyon na evil sister ko at maraming trip sa buhay!






"Waaaaaaah Baaaaaabe! Akala ko kung ano nang nangyari sayo! Akala ko nakain kana ng pating! Pinag-alala mo ako ng sobra baaabe!" ngawa ni Alyanna habang hinahampas pa ako. Suntukan nalang eh! Si Andre yung kausap tas ako pinagdidiskitahan!? May paiyak-iyak pang nalalaman.






"Mr. Antipatiko!" tawag ni Alexa kay Ivan. Take note. Naka kunot-nuo pa yan ah.






"Oh?" tipid na sagot ni Ivan habang hawak niya yung gitarang nakakabit sa katawan niya.






"Mahal kita! ^____^" masayang sabi ni Alexa. Si Ivan naman ay bahagyang napangiti.






Gaga talaga tong mga kaibigan ko! Ang haharot! Diba nga dapat nagagalit sila ngayon dahil na prank kami? Nagawa pang magpakasweet! Ang sagwa! Peste! Ba't ang bitter ko!?






"Anae ko..." tawag sakin ni Rain. Nasa harap siya ng isang mic kaya mas malakas yung tawag niya sakin kesa dun sa kina Ivan at Andre. Si Andre nga pala nakaupo at nasa harap niya yung drums. Ano namang kayang trip ng mga lalakeng toh!?






"P*ste Rain! Tigilan mo yang pagpapacute! Ansagwa mo!" nakapout kasi yung loko eh.






"Sungit mo talaga, kiss kita diyan eh! Just watch..." sambit ni Rain saka ngumiti at kinindatan ako. Ewan pero biglang nawala yung pagkunot ng nuo ko. Tapos nanghina yung tuhod ko. Just because of that stupid wink!? Kadiriiiii!





Kaya ayun, inirapan ko nalang si Rain. Habang yung dalawa halatang kinikilig. "Bess! Mukhang haharanahin tayo ng mga boys oh... Kyaaaaaaaah. I'm so kinikilig. Parang bumalik lang tayo sa teenage days. Yieeee." bulong ni Alexa sakin sabay tili.






"Sakit mo sa tenga." masungit kong sabi.






"Bess naman :3" -Alexa sabay pout.






"Eh ba't di nalang kasi sagutin si Rain para di na nabibitter noh?" pang-aasar ni Alyanna.






"La kayong pake!" Letche! Di nga sabi ako nabibitter eh!






Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon