Eunice's POV
Kinabukasan|Mall|9:30am
"What!? Hindi ako papayag! Jusko! No way!" so this was Alexa's plan!? Ang ipadate ako sa pinsan niya? Hello! May boyfriend pa po ako! Nag-away lang kami ni Rain at hindi naghiwalay. Ano ba!
"Come on. It's just a friendly date. You know... get to know each other and stuff. Tsaka pinaalam ko na toh kina Alyanna at Trixie kagabi. Pumayag naman sila, right girls?" saka tumingin si Alexa sa magkatabing si Trixie at Aly as if waiting for them to say yes.
At tango lang ang ibinigay nilang sagot. I cant believe they set me up. No way I'm gonna date with Alexa's cousin.
"Come on sis. Ipakita mo kay Rain na hindi siya kawalan. Kung kaya ka niyang balewalain, then do the same. You just cant lock yourself inside your room 24/7 and cry. Geez." at sa tono ng pananalita ni Trixie, mukhang naiinis na siya.
Ah basta. Di ako makikipagdate kanino man. Hindi tama yon. Tsaka ano? Gagamitin ko yung pinsan ni Alexa just to get even with Rain? Hindi ako ganong klaseng tao, okay?
"Bess Alexa, asan na ba kasi yung pinsan mo? 30 minutes na siyang late ah!" puna ni Alyanna.
"I'm going home. Kung gusto niyo? Kayo nalang ang makipagdate dun. Wag ako. Please. Loyal padin ako kay Rain." saad ko saka tinalikuran silang tatlo at naglakad palayo. Hindi ako kakagat sa trip nila noh.
"Siya na nga itong nasaktan, loyal padin. Martir si bess Eunice." rinig ko pa ang sinabing yan ni Alexa.
Pagkababa ko sa second floor ng mall, I saw two people.
Laughing.
Holding hands.
Sweet.
Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala sa mga nakita ko kahapon at narinig ko kagabi. Hindi ko ine-expect na may ipipiga pa pala itong puso ko. Kung baga sa bato, kahapon nabiyak lang ito, ngayon unti-unti na siyang dinudurog.
Off all places, bakit dito ko pa sila makikita? Bakit kailangan ko pa silang makita? Nananadya ba talaga tong dalawang toh!?
Hindi paba sapat ang nangyari kahapon at kailangan talaga nilang araw-arawin ang pagpapamukhang tangang girlfriend sakin!? Lakas ng luob nilang mag date! And Rain, girlfriend paba talaga ang tingin niya sakin? Kasi kung ganon, hindi na siya papayag na makipagdate kay Crown. Alam niya na ngang selos na selos na ako diba? Sinabi ko iyon sa kaniya kagabi! Pero tangina! Ang lakas padin ng luob niyang lumabas kasama si Crown! At ang lupet lang ng tadhana kasi ipinakita pa ito sakin.
Bigla akong napatalikod sa kanila. Nakita ko kasing humarap si Crown sa dereksyon ko. I'm not sure kung nakita ako ng Koronang yun. Sa dami ba naman kasi ng tao dito, impossibleng sa akin talaga mapupunta ang atensyon ni Crown, not now kung kelan busy siyang lumandi sa Boyfriend KO! ARGHH! Dapat siya ang nakatanggap ng sampal galing kina Alyanna at Trixie kagabe eh, hindi si Rain.
Muli ko silang nilingon para tignan kung nakita o napansin ba nila ako. But as expected, hindi.
Sinasabi ng puso ko na lapitan ko sila at kaladkarin palayo si Rain sa babaeng yun. May karapatan naman ako diba? Ako ang girfriend! Pero iba ang sinisigaw ng isip ko, sabi nito 'Umalis kana diyan, nagmumukha kalang tanga'
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...