A/N: Konting kembot nalang at summer na! Yeeeeeees! Hahahaha. Namiss ko kayo. Tsaka sorry kung medyo sabaw tong chapter na toh. Yun lang nakaya ko eh.
Special Chapter 2 - Best Blessing Ever
Eunice's POV
Marahan kong binuksan ang pintuan at pumasok ng kwarto.
“Nako. Tulog pa ang asawa ko.” bulong ko sa sarili habang umiiling pa.
Ano ba naman tong si Rain. Alam niya namang Martes ngayon at may trabaho siya pero nakahila't humihilik padin. Gusto talagang lagi ko siyang ginigising. Pasaway toh.
Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasan ang mahibing na natutulog na imahe ni Rain. Jusko. 2 months na kaming kasal at halos dalawang buwan nang ganito ang set up namin pero hindi padin ako nagsasawa na kada umaga, sa pag gising ko at kada gabi bago matulog, mukha ni Rain ang una at huling nakikita ko. Wala talaga akong pinagsisihan na nagbigay ako ng Second Chance sa kaniya.
Kumusta nangaba kami in Two months? Ayon, si Rain padin naman ang naghahandle ng company nila. C.E.O eh. Tas ako, sa bahay lang. Naghihintay padin ng results nung exams ko sa bar. Sana talaga pumasa ako para maging certified lawyer na ako at makapagtrabaho nadin. Hindi naman sa ayokong maging house wife pero kasi, nakakabagot dito sa bahay. Lalo na't from Mondays to Fridays halos wala pa dito si Rain. Buti sana kung may kasama naman lang akong bata or ano para hindi ako nabobored. Kaso wala eh, hindi padin kami binibiyayaan ni God ng baby. Pero okay lang, hindi naman ako nagmamadali. Kaya lang, hindi ko maiwasang maiinggit. Si Eunnie Jasmine, 4 months nang pregnant. Si Alyanna, 2 months, at si Alexa, 3 weeks. Sabay-sabay silang nabuntis dahil sabay sabay daw bang magpakasal nung 2015. Kaya ayan. Eh kami ni Rain, January this year naman kasi kami ikinasal.
Nakita kong unti-unti nang binubuksan ni Rain ang mga mata niya. Ganito talaga siya. Kapag ramdam niyang may nakatitig sa kaniya, nagigising na agad siya. Hindi mahirap gisingin noh? Tititigan ko lang tas mumulat na yan.
“Nampyeon Goodmorning. Ready na po yung breakfast sa baba.” malambing kong sabi. As usual. Eto naman gawain ko araw-araw sa umaga eh, ang maghanda ng breakfast at pagsilbihan si Rain hanggang sa makaalis na siya papuntang work. Hindi kasi kami kumuha ng katulong dahil ayaw ni Rain. Ayaw niya daw kasing may makaisturbo sa mga "alone time" namin. Haha. Baliw yun eh. Baliw na baliw sakin. Hahahahaha.
“Raiiiiin” tili ko. Pano ba naman, hilahin daw ba ako. Deretso subsob tuloy ako sa naked niyang dibdib. Waaaaah.
“Anae, pwede bang breakfast in bed nalang tayo? Ikaw nalang ang gagawin kong breakfast dali” pupungay-pungay na sabi ni Rain.
“Baliw ka talaga nampyeon. Hindi pwede. Tumayo ka na diyan, malalate ka na naman for work.” ani ko.
“Sige na nga. Naka rami naman tayo kagabe kaya okay lang. Hindi ka ba napagod?” pilyong tanong ni Rain. Agad akong lumayo at pinalo siya sa dibdib sabay tinignan ko pa siya ng masama. “Aray naman. Bakit?” saad ni Rain.
Maang maangan pa toh. Alam niya naman ayokong pinaguusapan ang mga ganiyang bagay
Nahihiya padin kasi ako. Sa gabi lang ako walang hiya. Hahaha.Tumayo na ako at tinungo ang pinto. “Rain maligo ka na po at maghanda. I'll wait for you downstairs. Pakibilisan ha! Gutom na ako eh.” tugon ko bago tuluyang lumabas ng kwarto namin.
BINABASA MO ANG
Second Time Around
Teen FictionDahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or Maybe love still needs a Second Time Around because it wasn't ready the First try. OFFICIALY MINE's [...