Special Chapter 3

2.7K 86 12
                                    

Special Chapter 3 - Naglilihi Moments

Rain's POV







After 4 months...







“Hmmm” ungol ko nung may naramdaman akong gumigising sakin.







“Nampyeon gising.” pabulong na sabi ni Eunice sa may tenga ko.







“Hmm? Bakit?” pupungay pungay ko pang tanomg. Tinignan ko din ang digital clock sa bedside table at sobrang nanlaki ang mga mata ko sa oras. 2:00 am!?







“Nampyeon... Gusto ko ng lanzones.”







At mas lalong nanlaki yung mata ko sa mga pinagsasabi ni Eunice. “Lanzones!? Sa ganitong disoras nang gabi!?” gulat kong sabi.







“Anong disoras nang gabi, eh umaga na kaya.” ani niya pa.







Tch. Nagawa pa akong pilosopihon. Jusko naman. Kung hindi lang ito buntis ngayon. Nako! Baka ano ng nagawa ko! Pero syempre joke lang.







-_______-







“Oo na! Eh bakit lanzones sa ganito ka aga!?” paguulit ko sa tanong ko kanina habang kumakamot sa may batok.







“Eh kasi naman. Hindi ako makatulog! Pakiramdam ko gustong-gusto ko talaga kumain nang lanzones. nagcracrave ako ng lanzones nampyeon.” malambing nitong sabi.







“Ha? Wala na bang natira dun sa strawberry na pinabili mo sakin sa Baguio? Anae naman, kung ano-ano crinacrave niyang tiyan mo.” medyo inis kong sabi.







“Sisihin mo si baby!” pagmamaktol ni Eunice sabay pout pa. Tch, isip bata! Sinisi pa yung anak niyang pinagbubuntis niya na ng mahigit 4 months.







Pero dahil buntis, hindi ko pa siya pwedeng awayin. Saka na kapag nakapanganak. Haha! “Anae naman... Pwedeng mamaya na yan? Mga siguro 8:00 am para hindi hassle. Tsaka wala pa akong pagbibilhan niyan ng ganitong oras.” malambing kong sabi sabay yakap pa sa kaniya. Malay niyo naman tumalab. Tsaka inaantok pa talaga ako eh.







“Eh gusto ko ngayon eh!” demanding niya pang sabi.







Hay. Eto na naman siya. Alam ko na ang susunod neto. Memorize ko na tong mga ganitong pakulo ni Eunice kada hindi ko agad sinusunod ang gusto niya.







“Hindi mo na ba ako mahal Rain? Lanzones lang pero hindi mo kayang ibigay sakin? Bakit? Napapagod kana ba? Naiirita ka ba dahil sobrang demanding ko na? Kung ganon man, mas mabuti pang umalis kana. Iwan mo na ako. Okay lang” emosyonal niyang sabi habang may mga luha pang tumutulo galing sa mga mata niya.







-_______-







Sabi naman sa inyo eh. Binabanatan niya ako lagi ng mga ganiyan niya kada hindi ko muna sinusunod o binibigay yung gusto niya. Ewan ko ba sa asawa kong yan, simula nung nabuntis naging ganiyan na magisip. Mas lumala yung kawalan ng common sense niya. Hindi ko na agad siya mahal? Hindi pa pwedeng masyado pa talagang maaga para maghanap ako ng lanzones?! Jusko naman.







Pero no choice ako. Hindi yan titigil sa kakahikbi kapag hindi ko talaga nasunod yung gusto niya. “O sige na! Maghahanap na ako ng lanzones! I'm sure naman na may supermarket na bukas 24 hours. Pero Eunice, alam mo namang seasonal ang lanzones diba? Kaya hindi ako sigurado kung makakabili ba talaga ako nun ngayon.” pagpapaliwanag ko sa kaniya.







Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon