Chapter 37 - Totoong Mga Kaibigan

2.4K 99 34
                                    

A/N: Sorry guys kung ngaon lang ulit nag-update. Kasi... bakit ngaba? Kasi nagpakasarap sa Christmas break. Hehe. Nga pala, dun sa mga nanghihingi ng UD sa When In Love. Sad to say, tatapusin ko muna itong STA before ako ulit mag update duon. Hope you understand. Mianhe guys. Anyways, magbasa na kayo.






Eunice's POV






Andito ako ngayon sa kwarto ko kasama ang kapatid ko at ang mga kaibigan ko na pilit padin akong pinatatahan. I just cant stop crying. I feel so drained. Yung utak ko, yung puso ko, yung buong pagkatao ko. Ang sakit-sakit na. Parang kagabi lang ang sweet naming dalawa at ako yung sinasabihan ni Rain na mahal niya, tapos nagkasama lang sila ni Crown biglang nag-iba?






"Bakit ganon? Akala ko ba ako ang mahal niya? Ang sakit lang! Sobrang nagseselos na ako!" hirap na hirap kong sabi habang nakasandal sa balikat ni Alexa.






"Shhh taha na. Kami ng kakausap kay Ra----" naputol yung sasabihin ni Alexa dahil sa may narinig kaming sumigaw.






"Eunice! Buksan mo itong pinto! I can explain everything!"






Lahat kami ay napatingin sa pinto.






"Ang g*go! May lakas pang pumunta dito!" asik ni Trixie.






Biglang kumabog yung pinto. "Eunice! Please, kausapin mo ako!" rinig kong sigaw ni Rain mula sa labas.






Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Kanina sinasabi-sabi ko pang gusto ko munang lumayo sa kaniya pero ngayon, para kasing gusto ko ding kausapin si Rain. Baka naman magsosorry lang siya sakin diba? At sasabihin niyang ako, at hindi yung Crown na yun. Tapos magbabati na kami. Tapos ipapatapon niya na sa ibang planeta si Korona.






"Tigilan mo ako sa mga ganiyang tingin mo Eunice. Hindi kami papayag na kausapin mo si Rain sa lagay mong yan. Your too emotional. At sa ginawa niya sayo? She have to get past us first bago ka niya mahawakang muli." ramdam ko din ang galit habang sinasabi iyon ni Alexa.






"Eunice!" sigaw muli ni Rain.






"HINDI KO NA TALAGA KAYA! AKO ANG KAKAUSAP SA KANIYA! KAMI ANG MAGTUTUOS!" saka tumayo si Alyanna at tinunggo yung pinto.






"Ikaw lang? Ofcourse hindi ako magpapahuli!" saka tumayo nadin si Trixie pero hinawakan ko ang kamay nito at umiling. Alam ko kasing malaking gulo ang mangyayari kapag pinairal nila yung galit. Nakakatakot pagsamahin ang isang Amazonang Alyanna at Demonyitang Trixie.






"The hell Eunice! Dont try to stop us. Hindi pwedeng manahimik lang kami habang ginagago ka ni Rain." pakawala ni Trixie. Si Alyanna naman ay napatagil muna at tumingin din sakin, pero nakahawak na siya sa doorknob at parang handa na talagang sumabak sa giyera.






"Tama na muna kasi... Masyadong masakit!" sambit ko.






"Kung nasasaktan ka, kailangang ganon din sila! Wag kang papayag na ikaw lang!" -Trixie.






"Eunice! Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap!" sigaw na naman ni Rain. Lalong nandilim yung mukha ni Alyanna sa narinig. And this time, walang ng patumpiktumpik na binuksan nito yung pinto, sumunod naman si Trixie at padabog na sinara din ito agad pagkalabas nila.






"AKO! AKO ANG KAUSAPIN MO!" Hindi ako maaring magkamali. Boses iyon ni Alyanna.






Agad akong napabitaw kay Alexa at kumaripas ng takbo para sana buksan ang pinto at lumabas din. Kaya lang, agad akong nahabol ni Alexa at hinawakan pa nito ang kamay ko, para bang sinasabi niya na hayaan ko nalang sina Aly at Trixie na kumausap kay Rain.






Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon