Two months later..
"Araw na ng kasal nila ngayon" pahayag ng isang chismosa sa kanto. Kausap ang kapwa chismosa.
"Oo mare, balita ko nga ngayon na ang kasal ni Esmeralda kay Manuel Del Fuego ba yun?" anang pangalawang chismosang nakataas ang kilay. Parang di siguradong wika nito.
"Pero alam niyo Mare, yang si Esmeralda usap usap dito, napakakuripot daw niyan" sabi nalan ng pangatlong chismosa.
"E pano nakita daw ni Leonardo noong napaaan siya sa bahay nila Esmeralda, may matanda raw namamalimos. Hindi daw yata umubra ki Esmeralda dahil sinusungitan nya ang matanda. Ayon hindi man lang ata nabigyan ang pobreng pulubi. Hindi na kasi nakita ni Leonardo dahil nagmamadaling pumunta kina April." Sagot ni chismosa 3.
"Hmp, paki alam ba natin sa kanila. Basta lulusob tayo sa bakuran nila pagkatapos ng seremonya ng kasal. Naku bongga daw ang handaan" -chismosa 1. Palagi itong present sa mga handaan mapa burol man o kahit anong okasyon.
"Tama!" Pagsang ayon ng dalawang chismosa. Tuwang tuwang nag high five pa ang mga ito kasunod ng mga tawanan.
Natapos ang maghapon na nag chismisan lang ang mga ito. Kahit anong maliliit na issue hindi
pinalampas.Katulad ng..
My galis daw si Reymark.
Bakla daw si Ferdinand.
Parang nabubulok daw na daga ang utot ni Sheryl.
Ang ngipin daw ni Salve puro bagang.
At kung ano ano pang wala namang kabuluhan.
"AYAN.. ESMERALDA.. naku napakaganda mo na" puri ng bakla na nag ayos sa kanya.
tapos na siyang lagyan ng simpleng make up at ayusan ng buhok."Hoy! kahit hindi ako mag ayos natural na talaga akong maganda" pagyayabang niya. Totoo naman iyon dahil laman siya ng mga beauty pageant sa ibat ibang bayan.
"Naku.. naku.. Esme paniguradong magaganda't gwapo ang magiging supling niyo ni Papa Manu.." maarteng sambit nito.
"Hoy Gary Huwag mo nga akong tinatawag na Esme at Manu Si Manuel . Ang sagwa kayang pakinggan" saway niya dito. "At syempe expected na magkakaroon kami ng magaganda't gwapong junakis"
"Eii ansabe naman ng Gary? Correction, it's Gerlie! " protista ng maarting bakla.
" Whatever.... Gary!. hahaa" pang aasar niya pa lalo.
Natahimik nalang na nag ngingitngit ang binabae.
*Sa Simbahan*
Pagkababa niya mula sa sinakyang bridal car, napuno ng excitement ang dibdib niya. Lalo pa at napakarami ng tao ang nasa loob na magiging saksi sa pag iisang dibdib nila ni Manuel.
Nasimula na ang seremonyas.
Naglakad na sa ailes ang mga ninong at ninang. Mga abay. Flower girl. Ring bearer. Best Man. Maid of honor at mga sponsor ng kasal.
Siya ang pinakahuling maglalakad sa pulang telang nakalatag sa sahig.
Bago pa man siya magsimulang maglakad, pumailanlang sa loob ng simbahan ang awiting 'ikaw' ni Yeng.
Dahan dahan siyang naglakad.
Lahat ng mga mata nakatuon sa kanya.
Lahat hangang hanga sa taglay niyang ganda lalo na at napaka elegante at mukhang mamahalin ang suot niyang trahe d boda.
![](https://img.wattpad.com/cover/52283740-288-k298514.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Lipstick
FantasyTuklasin ang hiwagang bumabalot sa di pangkaraniwang LIPSTICK....