AML - 30. Part 2

91 1 0
                                    

"Wow.. ang cute nilang tignan noh, bagay na bagay sila.. at girls, look, ang hot hot nung guy, very masculine paring tingnan kahit  mahaba ang buhok." Dinig nila mula sa mga grupong nadaanan nila. Nasa loob na sila ng mall. Naglalakad lakad habang nag iisip kung saan sila unang pupunta.

"Korak ka girl.hihihi..para ngang lumuwag ang garter ng panty ko pagkakita sa kanya...aiiiee..ang hot talaga lalo na at nakabukas pa ang dalawang botones ng polo niya....sana nilahat niya na.hihi" segunda naman ng isa pa.

"Hoy..umayos ka nga, kita mo nang nandiyan si GF..lagot ka mukhang nakaka intemidate pa naman ang dating, baka di mo namamalayan bigla ka nalang i flying kick niyan."saway ng isa nitong kasama.

Natigil naman ang babaeng iyon at wari natakot.

Napapailing iling nalang siya habang si Ron ay hinawakan ang kanyang kamay.

HHWW tuloy ang tema nila. Nagsisimula na naman ang binatang pakiligin siya.

'Hayy..ang sarap sa feeling na makapiling ang taong mahal mo..aheks ang korni..
Hanap na din kasi kayo ng kasing hot ng manliligaw ko mga girls, para hindi kayo naiinggit..' sabi niya sa isip. 'As if makakatagpo kayo.'

Nilampasan na nila ang grupo na iyon, subalit mayroon pa silang mga nariririnig ng mga ganun sa dinaraanan nila kaya Nginingitian nalang nila ang mga iyon dahil hindi naman masama ang sinasabi ng mga ito. Kapag naman ganun ang ginagawa nila, di maiwasan ng mga ito na wag mapatili partikular na ang mga babae at bading kapag si Ron ang bumabati. Kapag siya naman ang gumawa nun sa mga boys, namumula naman ang mga ito. Pagkuwan mapapalitan ng parang pagkatakot dahil sinasamaan pala ng tingin ng kasama niyang si Ron. Natatawa tuloy siya.

" Ree, nagugutom ka na ba, gusto mo mag lunch na muna tayo?" tanong ng binata sa kanya.

"Eii..hindi pa kasi ako nagugutom Ron eh." Sagot niya na nagisip kung saan nga ba sila pupunta..ngunit agad namang may idea na pumasok sa utak niya..."Alam ko na Ron punta muna tayo sa Fun World..dali.masaya don!" Excited na Sabi niya. Naalala niya kasi si Yaya pagmagkasama sila mag mall ng patakas, pumupunta sila sa Fun World at masayang naglalaro..'kaya nga fun world yun eh..alangan namang mag iyakan kayo dun' .kontra ng isang tinig sa isip niya.

Nabakas naman ang pagkaaliw sa mukha ng binata ng makita kung gaano siya na excite. Napangiti pa ito ng wagas ng higitin niya ito para magmadaling pumunta sa tinutukoy niyang lugar.

"Ree, dahan dahan naman baka madapa tayo saka hindi pa naman iyon magsasara eh." Natatawang saway nito sa kanya dahil para silang mga tangang lakad takbo ang ginagawa.

"Ayy sorry excited lang. saka anong madapa ang sinasabi mo, bakit, hahayaan mo bang mangyari iyon?" Nakangiti niyang tanong.

"Syempre naman hindi..pero kung sakaling madapa tayo, sisiguraduhin ko namang sa ibabaw ko ikaw babagsak..para hindi ka masaktan." Sagot nitong ikinapula ng pisnge niya.

"Tse!..pinagsasabi mo diyan, tara na nga pasok na tayo." Sabi niya kunwari asar pero ang totoo kinikilig siya. Ngunit maya maya, nagpa cute siya dito at binago ang facial expression" Ahh Ron.."

"Oh bakit Ree, iibabaw ka na ba----"hindi niya pinatapos ito dahil piningot niya ito.."Araayy.Ree tama na, ang sakit..hoo baka mapigtal ang tainga ko.." daing nito.

"Puro ka kasi kalokohan..saka ang OA mo, anong mapipigtal ang sinasabi mo? ang kunat kaya ng tainga mo.!" Sabi niya dito.

"Hehehe.. Acting lang Ree." Sabi nito. " Ano nga pala ang sasabihin mo?.tanong nito.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon