AML - 14

103 5 1
                                        

Pagkababa ng taxi, dahan dahang pumasok ng bakuran si Merang.

'hala..sana wala pa ang mga bruha'. Pag aalala niya.

Palihim niyang tinungo ang hardin para doon burahin ang lipstick niya. Kung sakali kasing nakauwi na ang dalawa..mahirap ng makita siyang ganito ang hitsura niya lalo na at galit na galit ito sa kanya dahil sa pagkalaban niya sa mga ito bilang ibang tao.

Matapos marahang burahin ang lipstick, automatic naman ang pagbalik niya sa dating pangit na hitsura.

Kinalma niya muna ang sarili at tinungo na ang pintuan.

Binuksan niya iyon..

"O anak, andyan ka na pala.. nananghalian ka na ba?'nakangiting salubong ni Yaya."kung hindi pa, saluhan mo na ako" sabi pa nito na hindi na tinanong kung bakit ganun na ang hitsura niya.

Ibig sabihin ba nito nauna siyang makauwi kaysa sa dalawa.?.

"Ya, hindi pa ba nakakauwi sina mama at Emily?" Pagkumperma niya dito.

" Ai hindi pa anak.."sagot nito." hala oo nga bago ka pa nila maabutan ng ganyang ayos, dapat magbihis ka na muna...magmadali ka Merang."utos nito.

Agad naman siyang tumalima at agad tinungo ang silid para magbihis ng pambahay.

Matapos iyon, bumaba na siya ng hagdan at tinungo ang kusina para saluhan ang yaya Iseng niya sa pananghalian.

Tuwang tuwa ang yaya niya sa mga ikwenento niya at sa ginawa niyang paglaban sa ina at kapatid.

Masaya si yaya para sa kanya subalit nag payo ito.

"Anak, huwag lang sanang dadating sa punto na makasakit kana ng lubos sa kapwa mo. Gawin mo lang iyong sa tingin mo tama.. Alam kong alam mo din na mali ang mag higanti, pero..hindi kita masisisi kong paminsan minsan maturuan din sila ng leksyon. Kaya naniniwala ako na kaya mong i handle iyan." Seryosong sabi ni yaya sa kanya.

"Opo yaya.. binibigay ko lang po sa kanila ang mga parusang nararapat para sa kanila..huwag po kayong mag alala, ipapalasap ko lang sa kanila kung ano ang pakiramdam ng ma api at matapakan ang pagkatao."madamdaming niyang sagot.

Dahil mapansin ni Yaya ang pagbabago niya ng mood iniba nito ang paksa ng usapan.

"Eh, anak gwapo ba talaga si Rondell sa personal?" Masayang tanong ni Yaya na tila kinilig.. si yaya lang kasi ang nakaka alam kung gaano niya hinahangaang ang gwapong aktor.

Napangiti siya ng maalala ang mukha ni Rondell..

Ang mga ngiti nitong tila nagpapangako ng katapatan.

At ang mga matang nangungusap na tila ka dinadala sa ibang dimension.

"Eeeeiiiii.."napatili siya dahil nakakakilig kahit isipin lang ang binata.

Napatawa naman si Yaya sa reaksyon niya.

"Haaayy. Umiibig na yata ang alaga ko" masayang sambit nito subalit daglian ding nalungkot dahil iba ang sitwasyon ni Merang..napaka kumplekado ang buhay ng alaga niya.

"Hindi pa naman yaya.. First meeting palang umiibig na?, di ba pweding kinikilig lang talaga?' pagbibiro niya sa yaya Iseng niya.

'ang waley ng sinabi ko noh?'haha

Bigla siyang nalungkot ng may maalala.

..'Ya, paano kaya yan may shooting kami mamayang gabi..Malabo yatang makalabas ako.. nakakahiya kina Direk at Rondell kung di ako sisipot..Sa akin pa naman nakasalalay ang tagumpay ng movie nila..kasi na gampanan ko na ang isa sa main character ng pelikulang iyon." Puno ng pag aalala niyang pahayag ki Yaya.

Ang Mahiwagang LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon